MASAYA si Happy nang medyo umayos na ang kanyang pakiramdam pagkagising. Nawala na ang bigat na kanyang nararamdaman mula pa noong mga nakaraang araw. Talagang ikinatuwa niya ito dahil mas mapapagaan ang paggawa niya sa sangkaterbang mga activities na ibinigay sa kanila.
Mabuti na lamang at uminom na siya ng gamot kahit ayaw niya. Hindi na kasi kinakaya ng katawan niya ang pagod na nararanasan. Natatakot naman ang mga magulang niya na baka mahimatay na lang siya sa sobrang bigat ng pakiramdam. Gusto pa nga ng mga ito na magpacheck-up na sa pinakamalapit na clinic ngunit agad niya itong hinindian.
Pagkatapos siyang makausap ng mga barkada ni Liam noong hapon na 'yon, hindi niya inakalang mas lalong lalala ang bigat ng kanyang pakiramdam. Kulang na lang maging lantang gulay siya sa sobrang lamya at putla ng mukha.
Hays
Pero ngayon, laking pasalamat niya at gumaan na.
"Happy, anak, may pasok ba kayo?"
Pagkarinig ng boses ng kanyang ina, doon niya pa lang naalala na hindi pa pala siya gumagayak. Bukas na ang kanilang exam kaya kailangan talagang pumasok para sa mga susunod pang mga announcements.
"Wait lang, ma."
Kahit tinatamad ay tumayo na siya at nagtungo sa CR para maligo. Nasa kalagitnaan siya ng pagbubuhos ng tubig nang maalala niyang malapit na rin pala ang pageant na sasalihan ni Joy. Nagpapasama kasi ito na maghanap ng sport and formal attire sa kanya.
Inisip niya rin ang mga gagawin niya ngayong araw. Kailangan na niyang magbasa-basa para bukas. Noong mga nakaraang araw naman ay sinubukan niyang magreview kaso hindi talaga gumagana ang natitirang brain cells niya. Ngarag kung ngarag.
Sa mga sumunod na minuto ay lumilipad lang talaga ang kanyang isip habang naliligo. Magtatagal pa sana siya ro'n kung hindi pa ulit kinatok ng ina niya ang pinto.
"Aba, anak kulang na lang at diyan ka na mag-umagahan ah. Ang tagal mo naman diyan. Anong oras na." Pasermon na sabi nito.
Doon lang siya natauhan.
Lumilipad na naman ang isip ko
"Wait lang ma. Promise malapit na!"
"Kanina pa 'yang wait wait mo. Lumalamig na ang pagkain."
Nagmadali na siya sa paggayak. Inayos na rin niya ang kanyang mga gamit.
Nang nasa hapag-kainan na sila, nakita niya ang ama niyang nagbabasa ng dyaryo. Agad naman nitong binaba ang binabasa nang makita siya.
"Anak, good morning. Natagalan ka ngayon ah. Napasarap ba ang pahinga mo?"
"Sorry pa, eh late na ako gumising. Pero ayos na ako oh. Hindi na sumasakit iyong ulo ko."
"Mabuti naman, 'nak."
Naging maayos naman ang kanilang agahan. Pagkatapos nito ay nagmadali na siyang pumasok sa school.
Pagkarating na pagkarating ay nakita niya agad si Joy na naghihintay sa kanya sa corridor. Pagkakita nito sa kanya, kumaway ito at mabilis na nilapitan siya.
"Happy! Kanina pa kita hinihintay! 'Kala ko malalate ka na naman." Natatawa nitong sambit.
"Ay sorry naman." Natatawa rin niyang balik. "Ba't dito ka naghintay? Tsaka pwede naman tayong magkita sa classroom ah."
"Eh mas gusto ko ngang hintayin ka rito para sabay na tayo pumasok. Ayaw mo ba? Sus ayaw mo yata eh. Magtatampo na 'ko." Sabay pout.
"Luh parang timang." Sabay hampas ng mahina. "Nagtataka lang ako ba't dito ka na naghintay. Baka may tinitignan ka rito eh, yieee."

BINABASA MO ANG
Easily Broken
Teen FictionPeople describe Happy Smile Pascua as an ugly fat duckling girl with big eyeglasses on. Nang dahil sa katangian niyang ito, palagi siyang pinagtitripan at pinagsasabihan ng mga masasakit na salita. Wala siyang kaibigan kaya palagi siyang nag-iisa. ...