CHAPTER 7

58 4 0
                                    

ILANG araw na din ang nakalilipas simula nang mag-umpisa ang klase ni Happy sa Golden Bright High School. Nakilala na din niya ang mga bagong gurong magtuturo sa kanila pati na rin ang mga bago niyang kaklaseng nasasanay na sa bagong pasilidad.

Habang tumatagal, umaayos naman kahit papaano ang bawat pagpasok niya sa eskuwelahan dahil kay Joy. Gumagaan kasi ang pakiramdam niya tuwing malapit lang ito at napapanatag ang kanyang loob dahil lagi niya itong kasama.

But still, many of her schoolmates keep on bullying her especially Jane and her friends even though she did not do anything to them. They were dragging her down until she couldn't take the pain anymore. Hindi naman problema ang pagkakaroon ng hindi magandang pisikal na katangian pero ginagawa nila itong katatawanan na nakakapagpasakit sa kanya.

Wala namang taong perpekto 'di ba pero bakit gano'n sila?

Hindi niya tuloy maiwasang kaawaan at mainis sa kanyang sarili.

Kung hindi nila tanggap kung ano at sino ako, puwes nahihirapan din akong gawin 'yon sa sarili ko. Wala na akong kumpiyansa dahil sa mga nakukuha kong sakit.
Gusto ko na ring sumuko pero may nakikita pa akong rason para magpatuloy. May pinanghuhugutan pa ako ng lakas ng loob kaya hangad ko na hindi 'yon mawala dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.

She took a deep breath after entertaining her negative thoughts.

"Hey, Happy? Are you listening to me? C'mon, Happy to Earth!" Pasigaw na sabi ni Joy sa kanya habang iniwawagayway ang kamay sa harapan niya.

Nandito kasi silang dalawa sa isa sa mga upuang malapit sa kanilang school ground. Break time nila ng mga oras na iyon at niyaya siya ni Joy na lumabas para doon kumain at tumambay. Hindi naman niya namamalayang natulala na lang siya at nawala na naman sa kanyang sarili.

Nagulat naman na napatingin siya kay Joy. "Ha? A-anong sinabi mo?"

Napailing-iling na lamang ito bago sumagot. "Napapadalas yata 'yang pagiging lutang mo ah. Ano bang iniisip mo? You can tell me. Makikinig ako."

Bumuntong-hininga ulit siya. "Wala 'to. Nastress lang ako sa pinagawa sa atin kanina ni ma'am Flor."

Mukhang hindi naman naniniwala ang kausap. "Basta if you need someone who you can talk to, I am just here. That's what friends are for 'di ba? But I'll respect whatever your decision is. Just always remember, I am always ready to listen."

After hearing it from Joy, her heart suddenly filled with happiness. That was the first time she received that remark. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil may handang makinig sa problema niyang hindi niya alam kung papaano lampasan.

"Thank you so much Joy. I appreciate it." Bukal sa puso nitong sabi.

"Lagi mong tatandaan na meron kang Joy na gagawing literal ang pangalan mo."

Natawa na lamang silang dalawa dahil sa sinabi nito.

"Happy?" Biglang tawag nito.

"Yes?"

Nag-aalangan pa ito bago nagtanong. "No'ng wala pa ako dito sa GBHS, sinong nakakasama mo dito?"

Kumawala ang isang malungkot na ngiti sa kanyang mga labi.

"Wala, Joy. Ako lang mag-isa. Mahirap man pero nasanay na lang din ako katulad ng mga panlolokong ginagawa sa akin dito. Kita mo naman 'di ba? Wala naman akong magagawa eh gano'n talaga. Tignan mo nga 'yung itsura ko oh. Hindi na nakapagtataka kung anong rason kung bakit ako ang tinutukso at nilalayuan. Ang pangit-pangit ko kasi." Nagpakawala pa siya ng pilit na tawa.

Sumilay naman ang nag-aalalang titig ni Joy.

"I'm sorry for asking that question."

"It's okay. Totoo naman." Nagbaba na siya ng tingin.

Easily BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon