Prologue

138 28 1
                                    

"WHOO! DALI ERICKA LET'S DANCE" sigaw ni Precious sa akin as she dancing.

Ang ingay kasi ng mga tao dito sa loob ng bar, idagdag mo pa ang sobrang lakas ng sound speaker. Pagabi na rin kasi kaya parami ng parami ang pumupunta dito sa bar.

"AYOKO! IKAW NA LANG" malakas ko rin na sabi sa kanya.

Para lang akong tuod na nakatayo dito sa harap niya. Paano ba naman kasi bigla na lang niya akong hinila dito sa mga nagsasayawan sa gitna.

"BAKIT NAMAN?"

"EH NAKAKAHIYA KASI. ANG DAMING TAO"

"EH TAO KA RIN NAMAN AH HAHAHA" natatawang niyang sabi "BESIDES, KARAMIHAN NAMAN NG TAO DITO AY NASAYAW. SO GO NA LANG DIN TAYO!" Patuloy niya habang sumasayaw pa rin.

"AH BASTA! UUPO LANG AKO SA TABLE NATIN HA!" Pagtanggi ko pa rin sa kanya. Tapos tumalikod na ako at naglakad pabalik sa pwesto namin bago pa siya makasagot, hindi na rin naman niya ako pinigilan pa.

Kasama ko nga pala si Precious ngayon. Actually bago ko pa lang siyang friend. And guess what?... Kakikilala ko lamang sa kanya nung nag-orientation kami nung isang araw sa school. Oh diba! Very close ko na agad sya.

Siya yung unang lumapit at nagpakilala sa akin noon kaya masaya ako at may ka-close na ako sa room.

Nagtransfer kasi ako sa school nila which is school ko na rin dahil naglipat kami ng bahay na matitirhan.

By the way, malapit na ako sa table namin ng biglang....

*Boogsh

OUCH!!!  >_<

Bigla akong napabundol sa parang pader na nabangga ko buti na lang nasalo niya ako kung hindi baka lagapak ako dito sa  sahig.

Leche!! Ang sakit ng noo ko! >_<

Nang tingnan ko yung lalakeng may hawak sa akin, nakaramdam naman ako ng pagkailang dahil magkalapit ang aming mukha at nakahawak siya sa waist ko habang nakakapit naman ako sa kwelyo ng damit niya.

"Ahmm sorry, pwede mo na akong itay—" di ko na natuloy yung sinasabe ko dahil bigla niya akong....

O___O

OH!!.. MY!!.. GOSH!!..

Did he just kiss me...

...on my lips?

Oh My Gosh!!! WHAAAAA!! Ang first kiss ko!

Napunta lang sa isang gwapo— manyakis na hindi ko naman kilala.

"W-why did y-you do that?" Utal-utal kong sabi ng medyo maka-recover ako sa ginawa niya. But I think he's drunk. Medyo amoy alak siya pero mabango pa rin dahil siguro sa pabango niya sa katawan at yuckk!! nalasahan ko pa ata yung alak galing sa bibig niya.

Inis kong inalis yung pagkakahawak niya sa akin. "Hoy ikaw lalake—" hindi ko na naman natapos yung sasabihin ko ng bigla siyang tumalikod sa akin at nagsimulang lumakad paalis. Aba't talagang!!! Grrrr!!!

Baliw na ba siya? O sadyang lasing lang. Sino ba naman kasi ang matino ang biglang manghahalik. Eh hindi ko nga siya kilala. Malay ko bang manyakis pala yun. My Gahhd!! What's wrong with him!!! ARGGHHH!!!

"Bes bakit tulala ka diyan?" Di ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Precious.

"E-eh kasi yung g-guy kanina na n-nabunggo ko" I said stuttering.

"What about him? Okay ka lang ba?"

"Uhm yes. But..." Wait, sasabihin ko ba sa kanya? Ah bahala na nga. "But... But..." Di ko pa rin matuloy yung sasabihin ko.

"But what?"

"So yun na nga naglalakad lang ako pabalik sa table natin ng bigla akong may nabunggo and after naming magbungguan..." Nakikinig lang siya sa akin kaya nagpatuloy ako. "Bigla niya.... bigla niya na lang niya akong hinalikan." Kwento ko sa kanya.

"Wow ha!! Umalis ka lang tapos may nabingwit ka na agad na boylet" Aish!! Bakit ganyan ang reaction niya.

"Ano ka ba! Hindi ganun! Eh biglaan kasi yung pangyayari di ko naman alam na gagawin niya yun" ano ba naman kasi pumasok sa kokote ng lalakeng yun. Kainis!! "Waaaahhh!!! First kiss ko yun eh" pagrereklamo ko sa kanya.

"Hoy wag ka ngang OA dyan. Kala mo naman virginity ang nawala sayo. Kung gusto mo, habulin mo siya at sabihin mo panagutan ka dahil kinuha niya ang first kiss mo" Eh sino ba naman kasing sira ang gagawa  ng ganon noh. Aisshh!! Magnanakaw siya ng halik!!  "You know what, lasing lang siguro yung guy kaya niya nagawa yun" napaisip naman ako.

Eh ba't naman niya gagawin yun. Maski ba lasing siya or what, wala siyang karapatan na bigla bigla na lang manghalik ng babae noh!

Pero dahil ayaw ko nang pahabain ang conversation namin about dito. Sumang-ayon na lang ako sa sinabi niya.

"I think your right. Kakalimutan ko na lang ang araw na ito." Aniya ko. Wala na rin naman akong magagawa kasi nakaalis na yung lalake. "Oh bakit ka nga pala sumunod agad?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Eh para kasing nahihilo ako eh. Mabuti pang umuwi na tayo" aniya na nakahawak pa sa kanyang ulo.

"Ganun ba, Okey, let's go"

Maya-maya lang ay nakauwi na nga kaming dalawa sa sarili-sarili naming bahay. Nandito ako sa loob ng kwarto ko nakahiga sa kama.

Hanggang ngayon naiisip ko pa rin yung nangyari kanina. Hays! Calm down yourself Ericka, it just a kiss from stranger. Pero yun na nga eh!! Hindi dapat yun nangyari. Hayyys...

Ewan ko ba kay Precious kung bakit sa bar niya naisipang pumunta kaming dalawa. Pero hindi naman kami nag-inom ng alak talaga. Kahit naman bar yun eh nag-ooffer pa rin sila ng mga foods and drinks like french fries, burgers, shawarma and juice, etc. kaya yun yung inorder namin. Madali kaming nakapasok dun kasi kakilala niya yung may-ari ng bar.

Eighteen years old na si Precious samantalang ako naman ay seventeenth years old, meaning to say, under age pa ako. So hindi pa talaga ako pwede sa mga lugar na ganun. Same lang naman kami ng age, mas nauna  nga lang ilang months yung birthday niya. Pero hindi naman siya bad influence and I think mabait naman siya kaya ako sumama.

Sabi kasi nya sulitin na daw namin yung natitirang isang araw bago kami magpasukan, so that means may pasok na kami tomorrow. Okay, makatulog na nga baka malate pa ako bukas.

Zzzzzzzzzzz...

+++++++++++++++++++++++++++++++

A/N: Sorry po kung masyadong lame ang simula. I told you, I'm not good at this. Hehehe!

Fall For HimWhere stories live. Discover now