Chapter 7

60 16 0
                                    

Chapter 7

Nung malapit na si Mr. Sungit/Yabang sa akin ay tinawag ko siya na unang beses ko pa lang mababanggit sa isang lalake at di ko akalaing sa kanya pa talaga.

"Babe!!" Lumapit ako sa kanya at kumapit sa braso.

Medyo nagulat siya ng makita ako at biglang kumunot ang noo niya.

I know magugulat talaga siya sa biglang pagsulpot at sa ginawa ko.

"Anong sinasabi mo dyang babae ka?" Pabulong niyang sabi pero may riin habang pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa kamay kong nakakapit pa rin sa kanya.

Pasimple akong lumingon sa bandang likuran ko at nakita ko yung dalawang lalakeng makulit.

Huh! Tingnan lang natin kung di pa kayo tumigil.

"Please makisakay ka na lang muna. Magpapaliwanag ako sayo mamaya" pabulong ko ring sabi habang pilit pa ring nakangiti.

Nang makalapit sa amin yung dalawang lalake ay tinawag uli ako nung isang makulit. "Gracia!"

Bumaling naman ako sa kanila. "Oh well... I forgot to tell you. Kasama ko nga pala boyfriend ko" aniya ko.

Tch! Liar!

Kita ko ang pagkunot ng noo nung isang makulit na lalake na parang di ata naniniwala na boyfriend ko itong si Bryan. At ito namang katabi kong lalake, hindi man lang ngumiti at wala pa ring reaction. Hindi man lang umacting. Baka di ako paniwalaan nitong dalawa eh.

Well... Di ko naman siya masisisi. Naguguluhan siguro siya nangyayari.

Siniko ko siya sa tagiliran niya. Tumingin naman siya sa akin ng masama. Tinitigan ko rin siya na parang nagsasabing 'ano-wala-kabang-sasabihin' look sabay ngumiti ako ng pagkatamis-tamis at nakakapit pa rin sa braso niya. Siguro naman naintindihan niya yun.

Mga ilang segundo rin ang lumipas ng tumikhim muna siya bago humarap dun sa lalake at ngumiti.

"I'm Bryan... Eri— Gracia's boyfriend" pakilala niya at umakbay pa sa akin kaya natanggal yung kapit ko sa braso niya at mas napalapit pa sa kanya.

Teka ba't ang bango ng lalaking ito. Pangalawang beses ko atang napalapit sa kanya ng ganito kalapit at ang una ay yung nasa bar. Psh! Naalala ko na naman.

Grabe di ko mapigilan na amuyin siya. Lalakeng lalaki kasi yung dating niya na parang nakakaadik amuyin hihihi!!

"Ehem" natauhan naman ako bigla nang marinig ko iyon mula sa kanya.

My god Ericka! Nakakahiya ka! Baka akalain niya patay na patay ka na rin sa kanya tulad ng mga babae sa school.

Tumingin ako sa kanya then dun sa lalakeng makulit na nakatingin din pala sa akin.

"Ah eh..." Geez nakakahiya talaga. "A-ang bango kasi ng b-boyfriend ko hehe" palusot ko naman sa kanila.

"Tch" napatingin naman ako dito sa katabi ko na napapangiting umiwas ng tingin sa akin.

Anong nginingiti-ngiti nito!? Pinuri lang eh...

"Anong kailangan niyo sa girlfriend ko?" Pagkuwan ay tanong ni Bryan sa dalawa.

Yung dalawang lalake naman ay parang na-intimidate sa masungit na ito.

"Ah w-wala bro, sige aalis na k-kami" sabay alis nila. Huh! I told yah! Titigilan din ako ng dalawang yon. Hahaha!

Nakalayo na sila kaya kaming dalawa na lang ni Bryan ang magkasama dito.

Nung wala na talaga sila sa paningin ko, inalis ko na yung pagkakaakbay ng lalaking ito sa akin at hinarap siya. Aba't naiinaman ata siya.

Fall For HimWhere stories live. Discover now