Chapter 9
------Next Day
Lunch break namin ngayon. Pumasok kami ni Precious sa canteen. Pagkatapos napagdesisyon namin na siya na lang ang pipila at bibili ng pagkain namin sa counter habang ako ay maghahanap ng mauupuan naming dalawa.
Nung may nakita na akong bakante ay umupo na agad ako. Tumingin ako sa gawi ni Precious at hanggang ngayon ay nasa dulo pa rin siya ng pila. Mukang matatagalan pa siya kasi madami ang nakain ngayon sa canteen.
Maya-maya pa....
"Yiieeee ang gwapo niya!"
"Ang cute pa ng dimple niya"
"Kyaaahhhh!!! Oo nga... pero bakit solo lang siya!?" Kinig kong usapan ng ibang nasa table.
"Hi!"
Tumingin naman ako sa gilid ko ng may lalakeng bumati sa akin. "Oh ikaw pala" ngumiti naman ako kay Kevin ng makita ko siya.
May dala siyang isang bottle ng mineral water kaya sa tingin ko ay napadaan lang siya dito para bumili ng tubig.
"Nag-iisa ka lang ba?" Tanong niya sabay upo sa upuan sa kaharap ko.
"Uhmm... No, I'm with Precious. Nabili lang siya ng pagkain namin" sabi ko sabay turo ko sa pinsan niya na nasa kalagitnaan na ngayon ng pila. Tumingin naman siya doon at tatango-tangong bumaling muli sa akin. "Eh ikaw? Himala... hindi mo ata kasama yung kaibigan mo?" Dagdag ko pa.
"Nasa faculty siya ngayon para kumuha ng ilang modules kay Mrs. Guevarra. Yung Lec niyo sa Philosophy... Baka maya-maya pa yun" he said.
"Ahh... Buti naman" mahina kong sabi.
"Ha? Ano yun?"
"Ahh wala... May sinabi ba ako?" Palusot ko sa kanya.
"Akala ko may sinasabi ka hehe" sabi niya sabay kamot sa batok niya. Tapos nginitian niya ako.
Ahhh.... cute niya. Promise! Pagngumingiti siya, nalabas lalo yung dimple niya sa right cheek na lalong nagpapagwapo sa kanya. Hindi na nga ako magtataka kung bakit marami rin ang nagkakagusto sa kanya na mga babae hehehe.
Bigla naman akong nacurious. Tutal nabanggit na rin naman niya yung tungkol sa Philosophy. May itatanong lang ako sa kanya.
"Uhm... Kevin may t-tanong ako"
"What is it?"
Tumikhim muna ako. "Tanong ko lang... Bakit nga pala nagtatake ng Philosophy si Bryan ngayong grade 12? Edi ba dapat nung last year pa sa inyo tinuro iyon?"
"Ah yun ba... Eh kasi dati naging sakitin si Bryan. Kaya maraming beses siyang laging absent noon. Pang-fourt quarter na nang maging ganun siya" owww...
"Ano bang naging sakit niya?" Tanong ko sa kanya.
Mukha atang malubha ang naging sakit niya kaya ganun ang nangyari.
"Lagnat" prente niyang sabi.
O.O
"Lagnat lang!? Tapos lagi na siyang absent!?" Gulat kong tanong sa kanya.
Ano ba yan! Ang hina naman ng resistensya niya. Kalalaking tao, sakitin.
"Yes... konting ulan lang kasi ay lalagnatin agad siya. Tapos pag nilagnat pa naman siya, tumatagal ng isang linggo. Kaya palagi siyang wala sa klase noon. Tapos kapag medyo gumaling na siya, gusto niya papasok agad para makapag-praktice ng basketball. Ayun... tinamaan ang magaling. Nabibinat siya. Nagkakasakit uli. Ang tigas kasi ng ulo. Tsk!" Aniya sabay iiling-iling ang ulo. Nagpatuloy naman siya. "Kaya napilitan si tito Martin yung daddy ni Bryan na patigilin muna siya sa paglalaro. Wala na rin naman siyang nagawa noon kasi wala na siyang time para sa pagpapraktice dahil ang dami niyang hahabulin na lesson na namissed niya noon. Biruin mo, eight na subject ang kailangan mong pag-aralan ng sabay-sabay sa konting panahon. Well... napagsabay-sabay naman niya yun lahat at nairaos. But unfortunately... may isang subject siyang hindi naipasa. At yun na nga yung Philosophy. Naintindihan naman yun ng parents ni Bryan kasi alam naman nila yung naging kalagayan ng anak nila eh" mahaba niyang litanya sa akin.
"Ahh... Kaya ngayon niya tine-take iyon"
"Yes. This time... kailangan na niya iyong maipasa para makagraduate siya"
"Pero mukhang okay na naman siya diba? Nakapaglalaro na uli siya ng basketball?"
"Oo naman. Loko-loko na uli yung lalaking iyon hahaha" medyo natatawa niyang sabi.
Ilang segundo kaming natahimik nang dumating si Precious.
"Grabe ang haba ng pila. Psh!" reklamo niya habang dala-dala yung tray ng pagkain naming dalawa. "Oh ikaw pala yan. Akala ko kung sinong lalake ang kausap ni Ericka" dagdag niya pa ng makita niya si Kevin.
"Ah napadaan lang ako dear cousin. Nakita ko kasi solo si Ericka kaya lumapit ako."
"Edi kumain ka na rin dito" pag-aalok niya dito.
"I already ate with Bryan a while ago. Maaga kasi kaming pinalabas kanina" aniya sa amin. "Ah sya nga pala... I need to go. Baka nasa room na rin yun si Bryan"
"Ganon... Oh sige" sabi ni Precious tapos ako naman ay tumango lang sa kanya.
Tumayo na siya at muling ngumiti sa amin bago umalis. Nagsimula na rin kaming kumain.
"Bakit hindi nun kasama si Bryan?" Panimula nito.
"Pumunta daw kay Mrs. Guevarra sa faculty" aniya ko habang pinagpatuloy ang pagkain.
"Ahh.. Speaking of Bryan!" tumingin sa akin si Precious. "Lately, parang napapansin ko na puro bangayan kayong dalawa"
Lahat naman ata napapansin niya. –.–
"Psh! Maasar kasi siya eh" sagot ko na lang.
"Hmm... Kahit nung una pa lang parang ayaw mo na sa kanya, na parang may kasalanan siya sayo..." tiningnan niya muna ako ng matiim bago siya nagpatuloy. "Sigurado ka bang nakilala mo lang siya noong unang araw siya pumasok?... Para kasing... kilala mo na siya bago pa yung araw na yun"
Naghihinala ba siya?
"H-ha?" Maang kong sabi.
"It seems like... nakita niyo na ang isa't isa noon bago pa ang pasukan" aniya habang nakatingin pa rin sa akin.
Tch! Ako lang naman kasi ang nakakaalala sa kanya at hindi siya.
Bago pa siya may sabihin muli ay iniwas ko yung tingin ko sa kanya at iniba ko na yung usapan.
"Ayy grabe! Ang sarap ng pagkain talaga dito sa canteen! Lalo na itong lasagna nila hmm..." Sabay subo ko nung lasagna.
Napasimangot naman siya sa akin.
"Matagal na tayong nakain dito. Ngayon mo lang pinuri yung pagkain... Paseg-way ka rin eh noh"
"Hehe " tanging nasambit ko tapos nilantakan ko na yung pagkain ko at ganun din naman siya. Hindi na rin siya muling nagsalita tungkol doon.
Pagkatapos naming kumain ni Precious ay bumalik na rin kami sa classroom para sa unang klase namin sa hapon.
Dumakdak lang yung Lec namin sa Contemporary Arts hanggang sa matapos yung time niya.
Ilang minuto pa ang lumipas ng dumating na rin ang susunod na Lec namin.
Nagpa-short quiz ito mula sa pinag-aralan namin kahapon. Pagkatapos ay nagdiscuss muli ng panibagong lesson.
"Alright class, see you next week. Good bye!" Pagpapaalam nito.
"Good bye Mrs. Madrigal!"
Pagkalabas nito ng pinto ay kinuhit ako ni Precious.
"Psst! Ericka, samahan mo ako magccr. Ihing-ihi na ako eh"
Tumango ako sa kanya. May 15 minutes kaming break kaya okay lang na lumabas kami.
Tahimik lang kaming nagkukwentuhan ni Precious habang naglalakad. May mga nagkaklase pa kasi sa ibang room na nadadaanan namin.
When someone suddenly called my name...
"Ericka??"
O_o
Napatingin naman ako sa taong nasa harap na namin ngayon.
O_O
Whaaaa!!! Totoo ba ito!!???
To be continued...
YOU ARE READING
Fall For Him
Teen FictionWhat if may isang lalake na walang pasantabi na ninakaw ang first kiss mo? Start: June 15, 2020
