Chapter 15
Kinaumagahan, naramdaman kong may humila ng kumot ko na nakabalot sa akin kaya naalipungatan ako.
Si mommy talaga, ang aga-aga ginigising ako.
Antok na antok pa ako eh. Tyaka duhh!! Saturday ngayon, meaning walang pasok. Ang sarap pa ng tulog ko dito eh.
"Hoy gumising ka na dyan. Para kang mantikang tulog haha" sabay tapik sa bandang binti ko.
Teka? Boses lalake yun ah?
Ahh... Baka naman si daddy.
"Hmmm... daddy masyado pang maaga eh" antok kong sabi. Nakatalikod kasi ako sa kanya kaya di ko siya makita.
"Kailan pa akong naging si tito ha?"
"Eh sino ba yan?" Tanong ko sa kung sino mang hampaslupa na gumigising sa maganda kong tulog.
"Hulaan mo? Isang napakapogi at napakagwapo lang namang nilalang ang nasa kwarto mo" napakapogi at napakagwapo? Eh iisa lang naman yun. Tch!
"Kung sino ka man, ihanda mo na ang sarili mo mamaya dahil mababatukan talaga kita dyan kapag di mo ako tinigilan." Ang sarap-sarap ng tulog ko dito eh...
"Aishh! Bumangon ka na kasi. Bahala ka hindi ko ibibigay yung pasalubong ko sayo"
O_o Ehh??
Bumangon naman ako tiningnan kung sino yung kausap ko na gumising sa akin. Pagharap ko sa kanya...
"Michael? Ikaw ba yan?" Tanong ko habang sinisipat ng tingin itong lalaking ito. Medyo malabo pa kasi paningin ko kasi kamumulat pa lang ng mata ko.
"Yes. Bakit? Sino pa ba sa tingin mo?" he said while crossing his arm. "Tanggalin mo kasi muna 'yang muta mo para makita mo ng maayos ang gwapo kong mukha"
Dali-dali ko namang kinapa yung mata ko pero wala naman akong nakuhang muta. Tchh!! Asar!! Sino ba talaga ito?
Nang mawala na talaga yung antok ko at luminaw na yung paningin ko, nakumpirma ko na ang pinsan ko nga ang kaharap ko ngayon.
"Whaaaa! Ikaw nga!" Sigaw ko habang tumalon ako sa kama papunta sa kanya at niyakap siya. "Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba? Sinong kasama mo?" Sunod-sunod kong tanong ng kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Sasabihin ko lang sayo kapag nagtoothbrush ka na. Grabe amoy panis na laway ka pa haha" aniya sabay takip ng ilong niya.
"Anong sabi mo!" Inis kong sabi.
"Just kidding haha"
"Psh! Bumaba ka na nga. Maghihilamos lang ako" I said.
"Haha..Okay, bilisan mo kanina pa kita ginigising dyan eh"
"Oo na. Chupi!" Pagtataboy ko sa kanya habang tinutulak-tulak ko yung likod niya palabas ng pinto ng kwarto ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/229343466-288-k515893.jpg)
YOU ARE READING
Fall For Him
Подростковая литератураWhat if may isang lalake na walang pasantabi na ninakaw ang first kiss mo? Start: June 15, 2020