Chapter 1

83 26 0
                                    

Chapter 1

-----Morning

"Mom, alis na po ako" paalam ko kay mommy pagkababa ko ng hagdan.

Humarap naman ako sa salamin namin sa may sala then tiningnan ko kung maayos ba yung suot kong uniform.

Hmmm... not bad. Hanggang tuhod ko yung palda na red checkered while yung pangtaas naman ay white na long sleeves with neck tie na red checkered din.

" Okay, ipapahatid na kita kay Mang Ruben"

Napalingon naman ako agad kay mommy na nasa sala. "Mom akala ko ba napag-usapan na natin ito"

Sabi ko kasi sa kanya na ako na lang magbabyahe ng sarili ko papunta sa school. Di na naman kasi ako bata diba? Besides, kaya ko naman na ang sarili ko.

"Alright, basta pagkailangan mong magpahatid ay sabihin mo lang okay?"

"Okay po, Bye" paalam ko. Pagkatapos ay humalik ako sa pisngi ni mommy.

"Bye! Take care" ngiting paalam niya rin sa akin.

Pagkalabas ko ng subdivision namin, sumakay na ako sa taxi papuntang school.

Two months na kami sa bago naming tinitirhan dito sa Batangas. We're not actually rich, pero di rin naman kami mahirap. Medyo nakakaangat lang kami sa buhay.

Meron kaming isang katulong na si Manang Berta. Siya yung gumagawa ng mga gawaing bahay dito sa amin. Paminsan tinutulungan siya ni mommy kapag may oras siya at walang ginagawa. Si Mang Ruben naman ay ang driver namin.

Boring nga ang buhay ko kasi solong anak lang ako nina Mommy. Hindi ko naranasan na tumawag ng kuya o ate sa kapatid o di kaya ay may tumawag sa aking ate, though may mga pinsan naman ako na tinatawag kong ate at kuya kaso nasa malalayo sila kasi diba  nga lumipat kami ng bahay. Buti na nga lang at may kaibigan na agad ako dito.

Di ko namalayan na nandito na pala ako sa harap ng school. Pagkatapos kong magbayad sa taxi driver ay bumaba na ako.

Feeling ko kinakabahan ako na ewan. Wala akong kakilala dito bukod kay Precious kaya di ko maiwasang makaramdam ng kakaiba. Hindi naman sa masasamang tao ang nasa school na ito kaya ako kinakabahan at natatakot. Iniisip ko lang kasi kung marami pa ba akong magiging kaibigan, magiging kasundo ko kaya yung mga kaklase ko, may makakaaway kaya ako dito. But that thought stop me from thinking. Hayy wag naman sana.

Sa dati ko kasing school marami akong naging kaibigan doon pero may mga tinuturing talaga ako na bestfriend. Sila yung lagi kong nakakasama at nakakausap. Yung iba naman kasi kinakaibigan ka lang pag may kailangan sila sayo at ang ayoko sa lahat ay yung plastic! Psh.

I'm a grade 12 student taking ABM strand here in Maryhill Academy. Graduating na ako so kailangan kong pagbutihin ang pag-aaral ko. Six years ako sa dating kong school kasi since grade 7 ako ay doon na talaga ako napasok. Yun nga lang kailangan kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko dito kasi nandito yung trabaho ni Dad. Eh ayaw naman ni Dad na mahiwalay kami sa kanya ni mama kaya sinama niya kami dito.

Habang naglalakad ako papasok, may mga ilang students ang nakatingin sa akin.

Tsk! Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Hahaha! Char lang, kapal talaga ng face ko. But seriously, marami sa aking nagsasabing maganda ako hehehe.

Anyway, hinayaan ko na lang sila. Buti na lang tanda ko yung way papunta sa room namin kaya mabilis akong nakarating doon.

Pagkapasok ko, I've decided na maupo sa bandang likod tutal marami pa naman vacant doon at para may uupuan pa si Precious malapit sa akin pagdating niya.

Fall For HimWhere stories live. Discover now