Dedicated to @DeniceMontebon and Xyssilb. Thank you sa inyo:) God bless!
Chapter 10
"Ericka??"
O_o
Napatingin naman ako sa taong nasa harap na namin ngayon.
O_O
Whaaaaa!!!! Totoo ba ito!!??
Nang mamukhaan ko kung sino ang nasa harapan namin ngayon ay binanggit ko ang pangalan nito.
"Luke??" Alinlangin kong usal.
Dito rin ba siya nag-aaral!? Teka paanong nangyari yon!?
Ngumiti naman ito. "Ako nga!" Masaya niyang sabi.
Nang makonpirma ko na si Luke nga ang gwapo na lalaking kaharap ko ngayon ay bigla akong nakaramdam ng excitement.
"Oh my gosh! Ikaw nga!" Masaya kong aniya sabay may pagturo pa sa kanya.
"Yeah... Wow! It's been a long time"
Naalala kong may kasama nga pala ako kaya pinakilala ko si Precious sa kanya.
"Uhmm... Luke si Precious nga pala" pagpapakilala ko.
"Ah yeah, nakikita ko na siya dati pa" sambit niya at bumaling kay Precious. "Ahmm... Hi!" malumanay na bati nito.
Ngumiti naman si Precious sa kanya. "Hello!"
"Cousin ka ni Kevin diba?"
Tumango naman si Precious sabay tingin sa akin. "Ericka una na lang muna kaya ako sa C.R. Hindi ko na matitiis ito eh. Balikan na lang kita dyan" mahina niyang sabi sa akin.
Ayy sya nga pala! Muntik ko ng makalimutan. Ang rude ko naman dahil nagawa ko pang makipagkamustahan bago ko siya samahan sa CR.
Pero kasi eh... Ngayon lang ulit kami nagkita.
"Are you sure?" I asked then she nodded "Ah sige, intayin na lang kita dito" sabi ko.
"Alis muna ako ha. May pupuntahan lang ako" she excuses to us.
"Sige" sambit naman namin.
Nang makaalis na siya ay humarap muli ako kay Luke.
"Tara doon tayo"
Pumunta kami sa may parang bench at doon umupo. Isang upuan lang yun na medyo pahaba. Malapit lang naman ito dun sa pwesto namin kanina kaya siguradong makikita kami ni Precious.
"Anong ginagawa mo dit— Aishh malamang nag-aaral. I mean... Dito ka pala nag-aaral. Bakit hindi ka nagpaalam sa akin noon bago ka umalis? O kaya pumunta doon sa bahay namin. Eh alam mo naman yun address ko. Bakit pala kayo lumipat? Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Tumawa naman siya dahil don. "Ano ba yan? Ang dami mong tanong hahaha"
"Ehh?"
Sumeryoso naman uli siya. "Una sa lahat, sorry nga pala kung bigla na lang akong umalis at hindi nagpaalam. Eh biglaan din yung pag-alis namin eh" litanya niya sa akin sabay baling ng tingin sa kawalan. "Tinawagan kasi kami ng tagapag-alaga ng grandmother ko. Inatake daw sa puso si Lola. Eh kami na lang ng family ko ang pwedeng magbantay sa kanya dahil ang iba naming kamag-anak ay nasa ibang bansa. Kaya napilitan kaming lumipat dito sa Batangas noong bakasyon para alagaan si Lola" mahaba niyang usal sa akin.
YOU ARE READING
Fall For Him
Teen FictionWhat if may isang lalake na walang pasantabi na ninakaw ang first kiss mo? Start: June 15, 2020