Chapter 14

45 9 2
                                    

Chapter 14

5:00 o'clock in the morning when I woke up. Tuesday ngayon. Bumangon ako tapos ginawa ko na yung morning routine ko.

Nang nakapag-ayos na ako, bumaba na ako para kumain. Sabay-sabay kami nina daddy na nag-almusal habang nagku-kwentuhan. Well, kinakamusta lang naman nila yung pag-aaral ko at tinatanong nila kung may kailangan ako. Sabi ko naman ay wala at okay naman ako sa school.

Nang matapos, ay nagpaalam na ako sa kanila na papasok na ako sa M.A. (shorts for Maryhill Academy).

Nagstart ang klase namin ng 7:30 am. Mga nagsilabasan kami ng papel dahil may pa-short quiz yung lec namin sa Media Literacy. Madali ko lang ding nasagutan ang bawat tanong dahil nagbabasa naman ako ng mga notes ko kapag wala ako masyadong ginagawa. Nagpalitan lang kami ng papel nung magchecheck na. At sa awa ng Diyos ay nakapasa kaming dalawa ni Precious.

Sa sumunod na subject ay discussion lang ang nangyari at pagkatapos nun ay recess na.

Nang makalabas na yung lec namin ay agad naman akong bumaling kay Precious.

"Tara sa canteen" yaya ko kanya habang nag-aayos siya ng gamit niya.

Tumingin naman siya sa akin. "Ahmm Ericka papunta kasi ako ngayon sa Guidance Office eh. Kukuha ako ng re-admission slip"

"Ayy sya nga pala. Absent ka kahapon" sabi ko. "Tara sasamahan na kita"

Umiling siya. "No, okay lang. Ako na lang. Ganito... habang papunta ako sa G.O., ikaw pumunta ka na sa canteen. Hindi pa naman ako nagugutom kaya ikaw na lang ang bumili"

"Ganun ba... Oh sige, bibili lang naman ako ng tubig"

"Okay, papunta na ako ah" paalam niya. Tumango naman ako sa kanya at lumabas na rin papunta sa canteen.

Naglalakad ako ng mapansin kong may ilang napapatingin sa akin na mga babae. I don't know why... pero feeling ko mas maraming nakakilala sa akin dito sa school dahil sa pagsama-sama ko kay na Bryan. Pati na rin kay Luke na president namin dito.

Speaking of Luke. Nasan na kaya yun ngayon. Hindi ko siya masyadong nakikita eh. Baka naman busy sa mga activities at sa pagiging president niya.

Malapit na ako sa canteen ng makita ko si Kevin sa di kalayuan. Papalapit ito gawi ko kaya nakita niya rin agad ako.

"Oh Ericka pasaan ka?"

"Ah sa canteen. Bibili lang ako ng tubig"

"Tamang tama sabay na tayo. Dun din yung punta ko eh" suhestyon niya at tumango naman ako.

Nang makapasok kami ay pumunta agad kami sa bilihan ng tubig. May isa pang estudyanteng nabili bago kami kaya naghintay pa kami. Habang naghihintay ay napansin ko namang panay ang tingin ng ilang babae kay Kevin na parang kinikilig.

"Tingnan mo sila oh... Kulang na lang matunaw ka sa kinatatayuan mo haha" natatawang ani ko.

Grabe naman kasi yung reactions nila. Parang ngayon lang nakakita ng gwapo. Talagang tumigil sila sa pagkain para lang matitigan si Kevin. Tapos may paghampas pa sa katabi hahaha. Sige magpaluan pa kayo dyan haha!

Well may itsura naman talaga si Kevin. Kumbaga gwapo nga. Matangkad at maganda rin ang pangangatawan. Panlaban ng pageant ganun. Dahil siguro sa pagte-training ng basketball kaya medyo humubog yung mga muscles niya. Lalo pang nagpalakas ng dating dito ay yung dimple niya sa cheek.

Kaya ayan!... Maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. Well... except me. Kasi hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Besides sanay na rin naman akong napapalibutan ng gwapo noh. Hindi naman sa pagmamalaki pero... lahi ata kami ng mga magaganda't gwapo. Mga pinsan ko pa lamang na lalaki. Naku! Habulin na ng mga babae. Hihi!

Fall For HimWhere stories live. Discover now