Chapter 8
Lumipas ang mga araw ng normal. Teka... may araw ba na nagiging abnormal? Char!! Hahaha ^_^V
Ang hindi lang normal ay paminsang sumasabay sa amin ni Precious si Kevin tuwing lunch.
Minsan sila yung lalapit sa amin at minsan naman ay kami ang pinapaupo nila sa table nila.
Okay lang naman sa akin yun. Kasi sino ba naman ako para tumanggi, eh pinsan niya yun. Tyaka masaya naman siyang kasama kasi may pagkamadaldal din siya tulad ni Precious.
But of course... dahil nga kaibigan ni Kevin ang Bryan na yun. So that means... nakakasabay din namin yung mokong na yun.
Sa ilang days na rin na nakakalipas, I must say na... nag-improve rin yung communication namin ni Bryan.
Kinakausap at pinapansin na niya ako paminsan.
Yes!!! I repeat. Kinakausap at pinapansin na niya ako...
.
.
.
.
.
.
.
... para MANG-INIS!!!Argghhh!! Oo, kakausapin na nga lang ako... para mang-inis pa. Mapaclassroom man, sa canteen o kahit saan ay pinagtatagpo ang landas naming dalawa.
Kung yung iba ay matutuwa dahil binibigyan sila ng atensyon ng lalaking iyon. Well... ako ay hindi.
Hindi ko nga akalain na may tinatago pala siyang kadaldalan sa katawan. Bukod sa pagiging manyak, masungit, mayabang at madaldal... Ano pa bang hindi ko alam sa kaniya?
Hindi ko nga alam kung tama bang nagkita kami sa mall nung minsan at pinaalala ko sa kanya yung about sa kiss o dapat hindi ko na lang sinabi sa kanya.
Eh kasi simula nun, madalas na niya akong kinukulit.
Hindi ko rin talaga alam kung nang-aasar lang ba siya? O nang-aasar talaga. Kasi kung alam niyo lang... bwusit na bwusit na ako sa kanya.
May times na sobrang daldal niya at meron din namang sobrang sungit.
Nung minsan nga, pumasok siya sa klase namin kasi time na ng philosophy. Nagkaklase si ma'am noon ng bigla niya akong tinanong about dun sa kiss na nangyari sa bar. Hindi daw niya kasi talaga maalala.
Gulat akong napalingon sa kanya non at muntik ko na siyang masapak dahil bigla-bigla na lang siyang magsasalita ng ganon.
Paano kung may makarinig na iba? Paano kung kuyugin ako ng mga admirer niya kapag nalaman yung tungkol doon? Hindi ko siya kinausap non at inirapan ko lang siya.
Bwisit siya! Ipapahamak pa talaga niya ako. Buti na lang talaga at focus yung mga kaklase ko sa pakikinig sa Lec namin pati na rin si Precious.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil hindi niya naalala yung sa halik o masusura ako dahil tanong siya ng tanong tungkol dito.
Mas mabuti pa nga atang naalala na lang niya iyon para sana makapagsorry na lang siya sa akin para tapos ang usapan. Dapat kasi hindi ko na ginawang big deal yun dahil alam ko naman na lasing sya non kaya niya nagawa yon.
Wait! Kanina ko pa napapansin na... puro 'hindi ko alam' ang lumalabas sa bibig ko ah.
Well... hindi ko rin naman talaga alam na mangyayari ito sa akin at hindi ko rin alam kung anong gagawin ko kapag nagtagpo uli ang landas namin. Haist!!
Isa pa yang Philosophy na yan. Katabi ko nga pala siya sa subject na yon kaya hindi maiiwasan na hindi talaga kami magkikita. Psh!
Kasalukuyan nga pala akong papasok ngayon nang makita ko sa gate si Precious. Nagsabay kami papunta sa room. Pagkatapos ay nagkwentuhan lang kami nung may oras pa. Nung dumating na yung teacher namin para sa first subject ay nagsimula na kaming magklase.
![](https://img.wattpad.com/cover/229343466-288-k515893.jpg)
YOU ARE READING
Fall For Him
Novela JuvenilWhat if may isang lalake na walang pasantabi na ninakaw ang first kiss mo? Start: June 15, 2020