Chapter 13

53 13 0
                                        

Chapter 13

"Hey girls. What's the problem?"

That voice...

Sabay kaming napalingon nung babae sa lalaking nagsalita.

Nagpapalit-palit ang tingin nito sa amin. Hanggang sa tumingin ito sa akin at ngumiti. Pagkatapos ay bumaling muli ito sa kaharap ko.

Tumikhim muna itong babae bago magsalita. "Well binangga niya kasi ako Luke. Kasalanan niya dahil hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya" maarte na aniya nito sabay taas ng kilay niya sa akin.

"Kaya nga nagsorry ako diba?"

"Humingi na naman pala siya ng tawad eh. Ano pa bang problema? May galos ka ba? Nasaktan ka ba?" Tanong ni Luke habang tinitingnan siya na parang ine-examine.

Yan din yung nasa isip ko kanina eh.

"Uhmm... n-no"

"Yun naman pala eh. Ano pang kinagagalit mo?"

Para namang natuliro yung babae. "W-wala"

"if that's the case... Can you accept her sorry now?"

Hindi agad nakaimik yung babae. Nakailang segundo pa ang lumipas bago siya magsalita.

"Fine!... I gotta go" tumingin pa muna sa akin ng huling beses yung babae bago umalis.

Nang kami na lang dalawa ni Luke ay  hinarap ko siya.

"Thanks nga pala ah. Kung hindi ka siguro dumating, hindi ako titigilan ng babaeng yun"

"Wala yun" nakangiting sabi nito. "Saan ka nga pala pupunta?"

"Uhmm, sa canteen. Di pa kasi ako nakain eh"

"Solo ka lang ba?"

Tumango ako. "Yes... Absent kasi yung kaibigan ko"

"Ganun?... Edi sumabay ka na lang kaya sa akin sa paglulunch?" Nakangiti nitong anyaya sa akin.

"Naku hindi na. Baka may iba ka pang gagawin" sabi ko naman.

Baka kasi may pupuntahan pa siya at hindi lang siya natuloy kasi nakita niya ako ngayon.

"Wala naman. Dali na sabay na tayo. My treat... tutal ngayon lang naman ulit tayo nagkita, ililibre kita ng lunch hehe"

"Ahm..." nag-isip ako. "Sige na nga. Mapilit ka eh haha"

Libre daw eh! Alam niyo yun... mas masarap kasing kumain kapag libre hahaha.

"Ayon... Let's go" ngumiti naman ako at tumango sa kanya.

Nagsimula na kaming maglakad ng sabay papunta sa canteen.

Nang makapasok kami, pinauna na niya akong maupo at siya na lang daw ang bibili ng pagkain namin. Tutal libre naman niya kaya pumayag na ako.

Nag-intay lang ako ng ilang minuto at dumating na rin si Luke dala yung mga pagkain na inorder niya. Pagkatapos ay umupo siya sa kaharap ko at nagsimula na kaming kumain.

Magsasalita na sana ako para may pag-usapan naman kami ni Luke ng biglang mahagip ng mata ko si Kevin kasama si Bryan na kapapasok lang dito sa canteen.

Nag-aano naman sila dito?

Aisstt!! Malamang kakain sila Ericka. Canteen ito eh! Engot ko rin noh!?

Nagpalinga-linga si Kevin sa paligid para maghanap siguro ng mauupuan nang napatingin siya sa table namin ni Luke.

Nagkatinginan kami kaya ngumiti siya sa akin. Tumango at ngumiti rin ako sa kanya. Nakita ko pang kinuhit niya si Bryan tapos tinuro ako.

Fall For HimWhere stories live. Discover now