Chapter 12

54 11 5
                                        

Dedicated uli kay DeniceMontebon na laging nagcocomment sa story ko at nagmomotivate sa akin:)

Chapter 12

"Ano guys? Okay ba yung pinanuod natin?" Masayang tanong ni Bryan.

"Sa susunod talaga itatago ko na yung cd na yun kapag manunuod tayo ng movie..." Usal ni Precious. "Eh si Clarence lang naman ang nanunuod nun eh" si Clarence, yung bunso niyang kapatid na lalake.

Hindi ko pa nakikita yun pero nake-kwento na siya sa akin ni Precious.

"Bakit ayos naman ah! Nakakatawa nga eh hahaha"

"Okay naman yung palabas... pero cartoon yun dre! Cartoon movie! Ginawa mo naman kaming bata. Tch!" Reklamo naman ni Kevin.

"Aish! Akala ko naman exciting at may thrill yung palabas. May pa exci-exciting ka pa dyang nalalaman" nakahalukikip na aniya ni Precious.

Bumaling naman sa akin si Kevin. "Ikaw Ericka... nagustuhan mo ba yung pinanuod natin?" Tanong niya sa akin.

Hmm?... Medyo nagkwentuhan lang din naman kami ni Precious habang nanunuod. Hindi niya rin kasi type yung palabas eh.

"Ha? Uhmm... O-okay lang" sabi ko tapos napatingin ako kay Bryan. "Mukha namang nag-enjoy yung isa dyan eh" napangiwi naman ako sa sinabi ko.

"Hilig niya yun eh! Ang manuod ng ganun... Any movie, basta cartoon"

Psh! Such a childish!

Ipanuod ba naman sa amin ay Tom and Jerry: The movie. Though naging favorite cartoon ko naman yun. But that was before, noong panahong bata pa ako. Psh! Hindi ata siya makaget-over sa mga cartoons.

5:30 pm na kami natapos sa panunuod. Pauwi na rin kami. Kasalukuyan lang naming nililigpit yung mga kalat namin sa sala. I mean, kami lang pala ni Precious ang gumagawa. Yung dalawang lalake ay nakaupo lang sa sofa.

"Magsisix na rin pala. Medyo padilim na sa labas" sabi ni Precious habang nakatingin sa may bintana.

"Mamaya na ako uuwi. Malapit lang naman ang bahay ko dito eh. Iintayin ko pa kasi sina tita Veronica. Para naman makita nila ang pamangkin nilang gwapo bwahahaha"

"Sus! Sabihin mo, makikikain ka lang dito. Dami mo pang palusot dyan haha"

"Ayy! Halata ba? Hahaha!" Natatawang aniya ni Kevin. Tapos bumaling naman ito kay Bryan. "By the way, Bryan may sasakyan kang dala diba?" Tanong niya.

Ibig sabihin sa kanya pala yung kotseng nakaparada kanina sa labas.

"Yes. Why?"

"Tamang-tama! Ihatid mo na lang kaya si Ericka sa bahay nila" suhestyon nito.

Agad naman akong tumanggi. "H-ha?... Naku! Huwag na. Sasakay na lan—"

"It's fine with me" pagputol ni Bryan sa sasabihin ko. Napatingin naman ako sa kanya. Seryoso lang siya habang nakatingin din sa akin.

Talaga bang pumapayag siya? Ihahatid niya ako? Edi ibig sabihin, first time kong makakasakay sa kotse niya.

"Ayun naman pala eh. Sumabay ka na sa kanya Ericka. Para sure na safe ka talagang makakauwi" pagsegunda naman ni Precious kaya napabaling ako sa kanya.

Sabagay, hindi na ako mahihirapang mag-abang ng taxi sa labas ng subdivision. Tyaka libre ako sa pamasahe ngayon haha. Kaya hindi na muna ako mag-iinarte pa. Tutal okay lang naman sa kanya.

Fall For HimWhere stories live. Discover now