Chapter 3

77 22 3
                                        

Chapter 3

-----Fast Forward

Pagkarating ko sa bahay nagbeso-beso lang muna ako kay mommy tapos nag-akyat na ako sa kwarto ko.

Nagpalit na rin ako ng damit tapos binuhay ko yung laptop ko at nag-online ako sa Facebook account ko.

Tiningnan ko lang yung notification at messages sa akin baka kasi may importante. Then, nagscroll-scroll down lang sa timeline ang ginawa ko.

Later on, naisip ko namang isearch yung name ni Bryan. Wala lang... titingnan ko lang kung famous ba talaga ang mokong na yon.

Nung nagloloading na... mabilisan ko agad itong kinancel.

Phew!

Bakit ko naman kasi gagawin yun eh hindi naman niya ako stalker and I will never be. I'm not also interested to him like the other girls. Tsk!

Ilolog-out ko na sana yung facebook account ko dahil wala na naman akong gagawin and nagugutom na rin ako at the same time, nang biglang may nagpopped out sa friend request ko sa aking fb kaya tiningnan ko muna.

Ha?... Sino naman ito? Binasa ko naman yung name.

Kevin Keith Laurel?

Tiningnan ko yung profile picture niya. Teka, parang familiar siya sa akin. Parang nakita  ko na sya somewhere pero hindi ko matandaan.

Uhmm?... cute naman siya hehe... Okay! accept ko na ito. Hahaha! Ang landi ng lola niyo.

Mga ilang seconds lang ng biglang nagchat yung Kevin. Actually, hindi naman talaga ako ng e-entertain ng hindi ko kakilala... pero dahil nga cute siya, binuksan ko pa rin yung message niya hahaha!!!

Kevin: Hi! Thanks for accepting my friend request :)

Oww... nagpasalamat lang pala. Nireplyan ko naman siya.

Ericka: hahaha! Wala yun :) Btw, bakit mo nga pala ako inadd-friend? Kakilala ba kita or nagkita na ba tayo in person?

Pag kasi ako, hindi ako masyadong nakikipag-socialize sa hindi ko naman kakilala, even if sa facebook lang ito.

Kevin: Actually... yes! Di mo ba ako nakikilala?

Huh? Ang alam ko wala akong kakilala na Kevin, tyaka wala din naman akong kamag-anak na Laurel.

Ericka: Hindi eh.

Kevin: ah, baka di mo ako natatandaan. But it's okay :)

Magtatype pa lamang sana ako ng biglang nagmessege uli siya sa akin.

Ang bilis naman nitong magtype.

Kevin: Hey... I'm gonna log out now. See you around next time Ericka :)

Ha? Ibig sabihin nakita niya na nga talaga ako. Pero saan at kailan naman kaya? Hindi ko talaga siya namumukhaan eh.

Maya-maya lang ay nilog-out ko na rin yung fb account ko, nagugutom na kasi talaga ako, hehehe!

Pagbaba ko nandun na si Dad sa sala. Pagdating ko kasi kanina wala pa siya.

"Dad, andyan na po pala kayo" lumapit ako sa kanya at humalik sa pisnge.

"Ah yes sweetie. Come here sabay-sabay na tayong kumain" pag-aalok niya sa akin. Sabay naman kaming pumuntang kusina na kasalukuyang nandoon si mom habang naghahain ng pagkain sa lamesa.

"Oh dali na kayo. Kakain na tayo" sabi ni mommy sa amin. Umupo naman kami ni dad.

"Pasensya na anak ha? Busy kasi ako sa work kaya madalang tayong magkita" saad ni daddy sa akin.

Fall For HimWhere stories live. Discover now