Chapter 5

86 21 0
                                        

Chapter 5

-----Friday

It's our lunch time kaya nandito kami ngayon ni Precious sa canteen habang kumakain ng biglang...

"ERICKA!! PRECIOUS!!" Napatingin naman ako pati na rin yung ibang estudyante sa kung sino yung sumigaw. And it's Kevin habang may dalang tray ng pagkain.

Tss! Kasama niya lang naman si Mr. Sungit/Yabang.

Nakita ko namang nagkunot ang noo ni Bryan at may sinabi sa kanya habang papalapit sila dito.

Mukang napilitan lang siyang sumunod kay Kevin papunta sa amin.

Habol tingin naman yung mga babaeng kumakain dito sa canteen sa kanila na akala mo ay para silang mga artista.

"Hoy ang ingay mo" sabi ni Precious kay Kevin ng makalapit sila.

"Sorry naman. Nakita ko kasi kayo eh" nakangiti niyang sabi sabay bumaling sa akin. "Hi! Pwede pa share?" Tanong niya sa akin.

"Okay lang" sabi ko naman. Kahit medyo labag sa akin kasi kasama niya yung isa dyan. Psh!

"Ayonnn..." Tapos umupo naman siya sa katabi ko. "Ikaw Bryan, wala ka bang balak umupo dyan?" Sabi niya kay Mr. Sungit/Yabang na nakatayo lamang sa tabi nung table namin.

"Tsk!" Tapos umupo na siya sa katabi ni Precious. So bale magkaharap sila ni Kevin tapos kami naman ni Precious.

"Ikaw Precious ha... hindi mo sinabi na kaibigan mo pala tong si Ericka. Kung di ko pa kayo nakita nung minsan ng hapon, di ko pa malalaman" sabi ni Kevin.

"Bakit nagtanong ka ba?" Pabalang na sabi naman ni Precious.

"Bakit alam ko ba?" Balik na tanong naman ni Kevin.

"Psh! Ang daldal mo talaga!"

Tahimik lang si Bryan habang kumakain while ako naman ay ganun din. Nakikinig lang ako sa kanila habang kumakain. Eh kasi di ko feel na nandito si Bryan. Usually kasi, kaming dalawa lang ni Precious ang magkasama. Eh ngayon, first time kong kumain na kasabay silang dalawa ni Kevin.

"Kaya pala di ka na nasabay sa amin. May kaibigan ka na pala. But good for you... Sa anim na taon na natin dito, ngayon ka pa lang naging close sa ibang tao bukod sa amin ni Bryan"

"Meron din naman akong mga kaibigan ah. Ayoko lang ng maging super close sa kanila. Because I know, some of them are just using me and wants to be my friend just to be closed to the both of you"

"Huh! You wanna know why?"

"Bakit?" Tanong naman ni Precious.

"Kasi nga..." Pabitin na sabi ni Kevin "Ang gwapo ng pinsan mo" proud na papuri niya sa sarili niya.

"Eh kung gwapo ka, ano pa ako diba!? Dyosa ata to. Bwahahaha!" Tapos nagtawanan silang magpinsan.

Natatawa na lang din ako sa kanilang dalawa kasi ang kulit nila. Siguro palagi silang ganyan tuwing magkasama sila. Pero kung nandito lang din yung mga pinsan ko, baka ganyan din kami magkulitan. Miss ko na tuloy sila. Huhuhu...

"Oh bakit parang ang tahimik niyong dalawa?" Napatingin ako kay Precious sa tanong niya tapos napabaling naman ako kay Bryan na seryosong nakatingin din sa akin then tinaasan niya ako ng kilay.

Aba't problema ba ng lalaking ito? Tch!

Inirapan ko naman siya at pinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko. Kung masungit siya, mas masungit ako noh! Hmmp!!

Fall For HimWhere stories live. Discover now