Chapter 6
-----Sunday
It's 8:30 am in the morning when I decided to go in the church. Sa pagkakaalam ko 10:00 am ang start ng misa. So naligo na ako at nagsuot ng simple dress. After that bumaba na ako para magpaalam kay mom.
Wala na si dad dito sa bahay kasi maaga yung umaalis papuntang work.
"Mommy sisimba lang po ako ah" sabi ko ng makita ko siya sa sala kaharap ang kaniyang laptop.
Tumigil naman siya sa kanyang ginagawa at bumaling sa akin. "Okay sweetie, pero solo ka lang. Gusto mo ba samahan kita?"
"Okay lang naman po mom kung hindi na. I know marami pa kayong gagawin. Besides... after ko pong sumimba, baka po dumiretso akong mall. May kailangan po kasi akong bilhin dun eh" bibili kasi ako sa National Books Store ng dalawang balot ng typewriting though meron pa naman akong ilang natitira dito sa bahay pero baka kasi magkulang at mawalan ako ng stock.
Gamit na gamit kasi namin yun kapag may pinadra-drawing sa amin. Lalo na sa subject na Pilipino, puro pagsulat kami don.
"Ganun ba... Okay, basta mag-iingat ka"
"Of course mom. Ahmm... magpapahatid na lang po ako kay Mang Ruben papuntang simbahan and after that magtataxi na lang po ako papuntang mall at sa pag-uwi"
"Sige, umuwi ka agad ng maaga ha. Bye"
"Okay po, Bye" paalam ko bago lumabas ng pinto.
Pagkasabi ko kay Mang Ruben na aalis ako ay sumakay na ako sa sasakyan namin at ilang minuto lang ay umandar na rin ito.
Pagkarating namin sa simbahan, nagpasalamat lang ako kay Manong then bumaba na ako ng kotse.
Inilibot ko yung paningin ko sa kabuuan ng simbahan hanggang sa pagpasok ko sa loob. Maganda at mukhang matibay ang pagkakagawa nito. Maganda rin ang pagkakadisenyo mula sa labas hanggang sa loob dahil sa mga painting at mamahaling materyales. Isa na siguro ito sa pinakamaganda at pinagmamalaking simbahan dito sa Batangas.
Pagkapasok ko sa loob ay naghanap ako ng mauupuan and luckily may mga vacant seat pa naman.
Maya-maya lang ay nagstart na rin yung misa...
Taimtim lang akong nagdasal habang nagmimisa yung pari. Syempre nagpasalamat ako kay God sa mga blessings na natatanggap ko at humingi rin ako ng tawad sa mga kabalastugan kong ginawa at sa mga gagawin ko pa. Charing lang!! Bwahahaha!!
After 1 hour ay natapos na rin yung misa. Sumabay ako sa paglabas ng mga tao kahit sikipan. Dahil kung iintayin ko pang makaalis lahat ay matatagalan pa ako karamihan ng mga tao.
Nang may nakita akong taxi ay pinara ko ito at nagpahatid sa aking pupuntahan.
Pagkapasok ko sa loob ng mall, hindi ko alam kung alin muna ang pupuntahan ko.
Tumingin ako sa wrist watch na suot ko at 11:30 am na pala. Patanghali na. Medyo nagugutom na rin kasi ako pero sa bahay na lang siguro ako kakain.
Pumunta ako sa National Books Store dahil nandun naman talaga yung pakay ko.
Medyo may pagkahilig rin ako sa pagbabasa ng libro lalo na't kung ito ay mga fantasy book kaya naningin muna ako ng ilang libro bago bumili ng typewriting ng biglang may lumapit sa aking isang lalaki. Oh I mean dalawa pala, nasa likod niya yung isang lalake.
"Hi miss!" Nakangiting bati nung nasa unahan sa akin.
May katangkaran ito at may itsura rin naman kahit papaano pero mukhang playboy. Sa tingin ko ay kaedaran ko rin siya.
Habang yung kasama naman niya ay... Hmm... Ahmm... Oh whatever! Mukha ring playboy base sa pagkakangiti nito sa akin.
"Uhmm... H-hello" alinlangan ko ring bati sa kanya baka kasi sabihin na snob ako diba.
"Can I ask your name?" Tanong niya.
Teka, dyan nagsisimula yan eh. Sa una babatiin ka tapos tatanungin yung pangalan mo tyaka cellphone number mo. Pagkatapos itetext ka ng kung ano-anong pambobola tapos mafa-fall ka then at the end niloloko ka lang pala. Kaya ayun ikaw yung nasaktan. Pero syempre hindi mangyayari ang lahat na iyon kung in the first place ay hindi mo sinabi yung pangalan mo. Yun yon eh!
Okay... Exaggerated na ako masyado hahaha.
Tumikhim muna ako bago ako sumagot. "Why do want to know my name?" Balik tanong ko sa kanya.
"Nothing. Nakikipagkilala lang"
I don't really give my name in someone stranger pero dahil makulit siya... sige pagbibigyan ko siya.
"Gracia... My name is Gracia" Huh! Kala niyo siguro sasabihin ko yung real name ko noh, bwahahaha!!!
"Ohh nice name. Are you alone?" Anong nice name!? Eh parang pang-sinaunang taga bulubundukin yung pangalan. Bolero rin ito eh noh.
Nakangiti pa rin ito sa akin habang nagpapacute. Tss! Mukha talagang playboy.
"Yeah" bored na sagot ko sa kanya habang inabala ko yung sarili ko sa pagbuklat-buklat ng libro.
"Ahh... Can I get your cellphone number?" Yan!... Iyan na nga ba yung sinasabi ko kanina eh.
Bumaling naman ako sa kanya. "Why would I give it to you? Kilala ba kita? Close ba tayo?" Usal ko sa kanya.
Napatingin naman ako dun sa kasama niya na ngingisi-ngising nakikinig sa amin. Tsk! Nagmumukha siyang manyakis. Swear! Kahit gwapo pa sila.
"Hindi... pero magiging close tayo kung magkakameron tayo ng communication" So?? Wala naman akong balak makipag-close sa kanya eh.
"Wala akong cellphone" pagsisinungaling ko sa kanya.
Alam ko hindi siya maniniwala dahil hindi naman akong mukhang mahirap at kahit sino naman ata sa panahon ngayon ay may cellphone na kahit bata pa.
Dahil medyo naiinis na rin ako sa kakulitan niya at sa ngiting pang-aso ng kasama niya ay iniwan ko na sila doon sa shelves ng mga libro.
Balak ko na sanang kumuha ng dalawang balot ng typewriting dun sa lagayan nito at bayaran ng makaalis na ako dito nang nakita kong sumusunod pa rin sila sa akin.
Muli ko silang hinarap na dalawa. "Stop following me. Wala akong bakak makipag-close. Okay?" Maayos kong paki-usap sa isang lalaking kumakausap sa akin kanina. Pagkatapos ay tinalikuran ko na sila at lumabas na rin ako ng NBS ng hindi man lang nabili ang dapat kong bilhin doon. Psh!
Next time na lang siguro ako bibili nun tutal ay sabi ko nga, may natitira pa akong ilang piraso nun sa bahay.
"Gracia wait!" Kinig kong sigaw niya.
Argh! Ang kulit niya! Hindi ba siya titigil? Dapat pala next time na lang ako pumunta dito para kasama ko pati si Precious.
Lakad lang ako ng lakad but those guy is still following me. Psh! Kailangan ko ng umalis tutal wala na naman din akong gagawin dito.
Patuloy pa rin ako sa paglalakad ng mahagip ng mata ko si Mr. Sungit/Yabang sa di kalayuan sa akin. Papalapit siya sa direksyon ko pero hindi niya ako napapansin.
Mukang solo lang siya ah... Ano naman kaya ang ginagawa niya dito?
"Gracia!" Napatingin naman ako sa likod ko. Oh shit! Sinusundan niya pa rin ako? At palapit na sila ngayon at mga ilang hakbang na lang ang layo nila sa akin.
It looks like hindi ako titigilan ng isang ito kaya may naisip ako bright idea. Geezz!! I don't know kung bright idea pala yun. What's the matter right now is I need his help.
To be continued...

YOU ARE READING
Fall For Him
Roman pour AdolescentsWhat if may isang lalake na walang pasantabi na ninakaw ang first kiss mo? Start: June 15, 2020