Chapter 11

73 12 8
                                        

Chapter 11

Today is saturday. Sinamahan ko ngayon si Mommy para mag-grocery sa supermarket. Nag day-off ngayon si Manang kaya kami ngayon ang namimili. Tulak-tulak ko yung cart while si mommy naman ang kumukuha ng bibilhin namin.

Nakasunod lang ako kay mom nang biglang magvibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. Kinuha ko ito tapos tiningnan kung sino ang nagtext.

From: Precious
Are you free today?

I reply to her.

To: Precious
Why?

Inintay ko yung reply ni Precious. Wala pang isang minuto nang biglang magring yung phone ko at tumatawag na pala siya sa akin.

I pressed the answer button to answer the call.

[Ano? Free ka ba today?] bungad niya sa akin sa kabilang linya.

"Bakit? Ano bang meron?" Tanong ko naman.

[Wala naman... Punta ka dito sa amin. Nabobored kasi ako eh]

"Eh kasama ko ngayon si mommy. Namimili kasi kami dito sa grocery"

[It's okay. Balak ko sana kahit 3:00 pm ka pumunta dito. Magmo-movie marathon tayo. So... What is it? Is it okay with you?]

"Uhmm... Sige magpapaalam na lang ako mamaya" pagpayag ko sa kanya.

[Yeheyy!!! See you later Ericka. Bye!]

"Bye" I said then ended the call.

Nilagay ko na ulit sa bulsa ko yung cellphone ko.

"Who is that sweetie?" Tanong sa akin ni mommy nang bumaling siya sa akin.

"Ah si Precious po" sabi ko naman. "Mom pwede po ba akong pumunta sa kanila mamaya, mga 3:00 pm po?" Pagpapaalam ko.

Kilala naman ni mommy si Precious dahil nakapunta na siya sa amin noong minsang may activity kaming ginawa sa bahay.

"Hmm... Okay, but make sure na hindi ka gagabihin"

Ayon... Haha!!

Tumango naman ako. "Yes po" masaya kong aniya.

Nang makuha na namin yung mga kailangan namin ay binayaran na namin ito sa counter. Pagkatapos ay umuwi na rin kami.

Nagpalipas pa ako ng ilang oras sa bahay hanggang sa sumapit na ang  alas tres ng hapon.

Nakabihis na ako ng jeans at t-shirt while sa paa naman ay naka-flat shoes ako. Sinilip ko si mommy sa kanilang kwarto ni dad para magpaalam na aalis na ako. Nakita ko siyang may mga binabasa na papers. Perhaps, it is a documents.

"Mom I gotta go now" aniya ko habang papalapit sa kanya.

Tiningnan ako ni Mommy. "Okay, mag-ingat ka"

"Sige po, bye" paalam ko sabay halik sa pisnge ni mommy.

Lumabas na ako ng subdivision namin at sumakay ng taxi papunta kay na Precious.

Hindi pa ako nakakarating sa kanila pero alam ko naman yung address ng bahay nila dahil tinext sa akin ni Precious kanina yung name ng subdivision nila tyaka yung street and house number nang malaman niya na pinayagan ako. So hindi talaga ako maliligaw hehe.

Maya-maya pa ay nasa street na kami ng bahay ni Precious. Pinara ko na yung taxi at nagbayad. Siguro hahanapin ko na lang yung bahay niya. Madali lang naman hanapin yun kasi isang diretso lang yung street na ito. Naglalakad na ako at kada bahay na madadaanan ko ay tinitingnan ko yung house number.

Fall For HimWhere stories live. Discover now