Chapter 2

69 22 1
                                        

Chapter 2

Kevin's P.O.V.

"Bakit ba kasi hindi ka pa napasok. Wala tuloy akong kasama ngayon" I said.

Naglalakad ako ngayon sa hallway habang may katawagan sa cellphone ko.

[Edi sumama ka sa iba] walang buhay na tugon niya sa kabilang linya.

"Eh alam mo namang ikaw lang ang close ko dito diba? Tyaka di ako sanay ng hindi ka nakikita" hahaha pustahan masusura to.

[Gago! Wag ka ngang ano dyan! Para kang bading]

"Hahaha! Eh bakit nga wala ka pa?" Pikonin talaga nito.

[Tsk! Tinatamad pa akong pumasok]

"Bahala ka hindi mo makikita ang gwapong si AKO hahahaha"

[Yeah, like I care *sarcastic*]

"At akala mo ba hindi ko malalaman na nagpunta ka pala ng bar nung minsan nang hindi mo manlang ako sinama ha! Bakit ka na naman naglalasing? Don't tell me hindi ka pa rin nakakamov—"

[Stop that nonsense. I'm with my cousin, okay! Niyaya lang nila ako sa bar that's why I'm in there last last night] putol niya sa sasabihin ko.

"Are you sure?"

[Yeah... Bakit ka ba talaga tumawag?] Inip na sabi niya.

"Alright, alright... Btw, marami na kasing teacher ang naghahanap sayo. Pati si Coach hinahanap ka"

[What? Pati si Coach?]

"Oo kaya kailangan mo nang pumasok"

[Hindi naman siguro tayo magpapractice because it's too early for that]

"I know. Maybe... may sasabihin siya sa atin like schedule ng practice natin" sabi ko habang patuloy pa rin sa paglalakad "Basta pumas—"

*Boogsh

"Ay sorry di ko sinasadya" I suddenly bumped into someone pero hindi naman masyadong malakas kaya okay lang.

'It's okay' gusto ko sanang sabihin yan sa kanya pero parang napipe ako nung nakita ko siya. Ewan para kasing ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Tapos mala-anghel ang mukha at cute niya pang tingnan hehe.

"Sorry ha..." Natigil naman ako sa pag-iisip nung muli siyang nagsalita "pero wala na akong oras makipagtitigan eh, next na lang nagmamadali kasi ako eh, sige bye" tapos nagwave pa sya sa akin habang tumatakbo palayo.

Argh! So stupid Kevin! Nagmukha ka lang tanga sa harap niya.

Bakit di ba naman kasi ako nakaimik and what did she say? Nakikipagtitigan? Tsk! Sabagay nakatitig nga naman ako sa kanya.

I look at where she's going and nakita ko na umakyat siya sa ABM building.

So ABM student pala siya...

[I ended this call kung wala ka nang sasabihin] bumalik ako sa katinuan ko ng biglang may umimik sa kabilang linya. Nasa tenga ko pa pala yung cellphone ko.

"Ha?" Wala sa sarili kong sagot.

[Tsk!]

*Toot
*Toot
*Toot

Ayy pota! Binabaan ako. Later ko na nga lang ulit siya tatawagan. Nilagay ko na sa bulsa ko yung cellphone ko at pumunta na sa aking klase. Oh shit!! Late na ako.

Ericka's P.O.V.

-----Fast Forward

Tapos na nga pala yung klase namin. Oh diba? Ang bilis ng oras, parang kanina lang tumatakbo ako ng mabilis para makapasok.

Fall For HimWhere stories live. Discover now