Chapter Thirteen [13]

54 4 1
                                    

Krixtoff:
I can't believe that you freakin' left me there like a beggar

Karlette:
May problema ka sa mga pulubi?

Agad na napakunot ang noo ko nang nakita kong tumatawag si Krixtoff sa 'kin. Agad kong nireject yung tawag niya. Anong oras na pero nanggugulo pa rin siya ng tao. Napatingin ako kay Aly na nagsusulat. Maybe she's taking down notes tungkol sa mga basketball player. Nahihirapan talaga siya sa pag-aadjust dahil nga siya ang magiging court side reporter ng team ngayon, pero mukha naman siyang masaya.

Kristoff:
You just rejected my call.

Huminga ako nang malalim. Mukhang hindi ko na mapipigilan ang kakulitan ni Krixtoff, besides he helped me out earlier. I don't need to be rude. I typed sorry at pinatay na agad ang cellphone.

Tumabi ako kay Aly at nagbukas ng chips sa harapan niya, agad siyang napatingin sa 'kin at ngumiti. Inabutan ko kaagad siya. Halos magmamadaling araw na pero nag-aaral pa rin siya.

"I'm sorry I wasn't there earlier" ani niya.

"What? It's fine. Nasaan ka pala?" tanong ko.

"Emergency" I just pressed my lips together. Hindi siya magkwekwento hanggat hindi pa siya handa kaya hinayaan ko muna siya.

"You have a problem?" she asked

"Ako dapat nagtatanong niyan," ani ko

"I don't have any problem, ikaw? Apollo?" ani niya

"I... don't know," I confusely said

"A little bit of advice, don't bury it so much, it would fucking grow."

I gasped.

She really knows what to say

****

It's been weeks since I sent my paper to my prof at ngayon niya lang ibabalik yung hard copy na pinasa namin na may grade. I can't help myself but to feel nervous, God! Ayoko madelay yung graduation ko. Naiimagine ko pa lang yung pagconfirm ni mama na okay lang kahit madelay ako ay hindi na ako mapakali. That's too much. Sobra nila akong iniispoil kahit hindi naman kami mayaman, palibhasa nag-iisa nila akong anak.

Nakangiti si Ma'am nang inabot niya sa 'kin yung papel kaya agad kong binuksan agad. I don't want any drama but I almost cried when I saw my grade.

98

Halos hindi ako makahinga sa nakita ko. This is...a lot. Para akong multo na naglalakad palabas, lahat sila ay pinag-uusapan yung nakuha nilang grade. Wala akong masyadong kaibigan sa class na 'to, kaya wala ako masabihan ng saya.

I know I've been confident, pero sobrang saya pa rin pag nakita mo na 'yung pinaghirapan mo.

"Congrats, Ms. Marqueza. I must say, sobrang ganda ng paper mo," sabi ng professor ko habang nakangiti.

Ngumiti ako pabalik sa kaniya bago siya tuluyang umalis. Nakangiti ako habang naglalakad dahil hindi ko mapigilan ang saya nang may tumawag sa pangalan ko.

"Karlette!" Krixtoff called me

Agad akong napalingon, he's smiling like a ray of sunshine while walking. Kumaway siya sa 'kin kaya ngumiti ako. Halos pagtinginan kami ng lahat ng tao, this guy probably forgot that he's a celebrity. Naguilty ako sa ginawa ko nung nakaraan, maybe... I was just feeling sad and confused that time. Pero hindi pa rin yun sapat na rason para pagbuntungan ang isang tao.

"Libre kita meryenda, anong gusto mo?" agad kong tanong sa kaniya pagkalapit niya sa 'kin.

"Woah woah, wait good mood ka?" tanong niya habang may malawak na ngiti.

Inirapan ko lang siya.

"Kwek-kwek na lang," sabi niya kaya agad ko siyang hinatak sa bilihan ng street foods.

Pagkatapos namin bumili pinili muna namin umupo sa mga vacant bench sa school. Tinitignan ko yung inorder kong fish balls, I know I should be happy right now pero hindi ko magawa. Maybe a part of me was saying na puntahan ko si Apollo para magpasalamat. After all, he's the exact reason why I got that pretty high remark.

But I just can't...

"Smile ka na ulit, Lette. Gusto mo ba nito?" ani ni Krixtoff

Napangiti naman ako.

"Ayan, you look prettier when you're happy... you should smile more often, you know?" ani niya

"Nakakangalay sa panga," ani ko

Napanganga naman siya

"Talagang may sagot ka pa ha? A simple thank you would do" ani niya kaya napatawa na lang kaming sabay.

"Sorry sa pagmamaldita ko nung nakaraan" ani ko. Umiling lang siya at ngumiti.

"It's fine, baka may regla ka lang nun" sabi niya kaya binato ko siya ng stick.

Tumawa lang siya nang malakas. Sobrang masayahin talaga ng taong 'to and I don't even know why, hindi ko nga magawang ngumiti consistently for a day e.

"Friends?" he asked me habang inaabot ang kamay niya.

"Okay," sabi ko at tinanggap ang kamay niya.

"With benefits?" ani niya habang may nakakalokong ngiti

"Sure," pangloloko ko

"Ah, don't give me ideas, Karlette," ani niya

"Baliw, ikaw nauna," ani ko at ngumiti lang.

Sumeryoso siya ng tingin sa 'kin which made me feel weird. Ayos na pala sa 'kin kahit lagi siyang nakangiti, wag lang siya seseryoso nang ganiyan. Sobrang weird.

"Lette, Can I join your org?" he asked seriously.

I gasped when I saw how serious he is.

"Seryoso ka ba?... yes you probably can, you can talk to Yael for the process," ani ko hindi pa rin makapaniwala na sasali siya ng org.

Tumango siya at nag-isip

"But why?" I asked

Tumigil siya bago magsalita

"I want to be brave like you, I adore how brave you are whenever you protest. Parang nakasalalay yung buhay mo roon," ani niya

Sa oras na piliin niya na sumama sa org namin at sumama sa mga protesta, we would have a bigger influence. Mas marami kaming tao na matuturuan at mamumulat ang mata. This must be a good news!

Pinigilan ko yung sarili ko na ipakita na masaya ako. Napakasaya sa pakiramdam pag may namumulat na tao dahil sayo. Isa yun sa mga goal namin sa org, kailangan hindi lang kami yung educated sa nangyayari sa bansa. We need to help other people to be educated too, kasi hindi naman lahat ng tao ay may pribilehiyo na katulad namin na makapag-aral.

I smiled at him

"Thank you," ani ko at ngumiti lang siya sa 'kin

Nahagip ng mata ko si Apollo na dumaan sa may likuran ni Krixtoff. He looked so cold and serious when he passed by. I suddenly felt things. Gusto kong magpasalamat sa kaniya pero hindi ko kakayanin na makalapit na agad sa kaniya.

Nilalaliman ko pa, akala ko madali lang.

But a simple thank you wont hurt, right?

Agad akong tumakbo sa likuran ni Krixtoff at hinabol si Apollo.

"Apollo!" I shouted

Agad siyang tumigil at lumingon.

His cold eyes looked at me as if I'm someone he doesn't know.

I managed to give him a smile

"Thank you, again" I said

Tumango lang siya at hindi ngumiti. He walked away as if I don't exist.

A Walking Dilemma [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon