Chapter Four [4]

82 7 0
                                    

Hindi man lang dumapo ang tingin sa 'kin ni Apollo. Masungit lang siyang umupo sa tabi ko. Everyone in the room gasped when they saw Apollo entering the place.

I once asked Aly kung ano ang ugali ni Apollo bago nangyari 'yung interview. She just shrugged and told me na pagdating sa campus hindi tinuturing na popular si Apollo. He's most likely the infamous one. Kilala na siya dati dahil sa mga achievements niya, pero mas nakilala siya ng mga tao dahil masama raw ang ugali niya.

People call him names. Mayabang, privileged, masyadong bilib sa sarili. Hindi palangiti kaya bastos sa paningin ng iba.

Nagtuloy lang ang usapan namin tungkol sa mga iba't ibang social issues. Mas lalo kaming nag-iingay ngayon kasi imbis na pagserbisyuhan ng gobyerno ang mga pilipino, pinagkakaitan pa nila kami. Lalo na ang mahihirap at walang kapangyarihan. Patuloy nilang inuuna ang sarili nila at hindi ang kapakanan ng mga tao.

11 pm na rin nang napagdesisyunan na naming tapusin ang pagpupulong. They decided to drink more beers since bihira lang naman kami magkita-kita. Tumayo na ako sa upuan ko at sinimulang maghanap ng ibang pagkain.

For pete's sake, hindi pa ako nagdidinner

Tinignan ko saglit si Apollo. He's still on the couch trying to engage more in his conversation with Yael. He looked... so motivated.

His clothes scream money and privilege. Halatang alam mo na anak mayaman, dahil na rin siguro sa maputi niyang balat. I think his height is something between 6'5-6'7.

He's that tall!

I'm a little bit amazed. I'm not going to lie.

I just hid a smile at dahan dahan umalis ng lugar. Babalik din naman ako kasi naiwan pa si Aly na umiinom ng beer. Kailangan ko lang talaga bumili muna ng totoong pagkain. They offer foods there but it's not a real food. Pang pulutan lang nila 'yun.

I decided to buy shawarma rice from a stall na malapit sa 24 hours convenience store. Bibili na rin siguro ako ng inumin mamaya roon. Sumulyap ako sa convenience store nang napansin ko ang pamilyar na lalaki.

It's Apollo,

wearing his branded hoodie and maong shorts. He's eating cup noodles sa labas ng convenience store.

Lumabas din pala siya

"Kuya, padagdag po ng isang order, salamat." sabi ko sa gumagawa ng shawarma.

Maybe he won't accept my apology. But it's okay, I just want to say sorry and move on. Naalala ko kasi na binilhan niya pa ako ng pagkain during the interview pero ginalit ko lang siya. I just want to give him some food.

Pagkatapos ko makuha yung order ko pumasok na rin ako sa convenience store. Siguro hindi niya na rin ako napansin kasi busy siya sa pagkain. Bumili ako ng dalawang favorite yogurt drink ko at lumabas na rin para umupo sa harap niya.

Sumulyap siya sa 'kin nang hindi ngumingiti. Agad niya ring binaba ang tingin niya at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ba 'to pinapakain sa bahay nila?

"Masama na ang noodles pag gabi" I told him.

Hindi man lang siya tumingin at tuloy tuloy lang sa pagkain.

Kinagat ko ang labi ko at inabot sa kaniya yung binili ko.

"I'm sorry. I won't justify my actions...I'm just really sorry about what happened" nakayuko kong sabi.

Hindi pa rin siya sumasagot.

Maybe...people were right nung sinabi nila na that the man right in front of me is quite rude. But I can't blame him, he has the right to be rude to me.

A Walking Dilemma [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon