Chapter Twenty Eight [28]

30 3 0
                                    

Seryoso akong naglalakad papunta sa susunod kong klase, kung saan kaklase ko si Aly. Huling klase ko na 'to para sa araw na 'to. Parami na nang parami ang ginagawa namin, some of it is our school stuffs ang iba naman ay tungkol sa graduation namin. Sobrang lapit na kasi ng graduation namin pero hindi ko masiyadong maramdaman. I'm over the moon when I confirmed that I'd graduate with flying colors, my parents would be so proud. Pero binabagabag pa rin ako ng mga nangyayari.

Para kasing may mali. Umiling ako, maybe this is just paranoia.

"Karlette," bati sa 'kin ni Aly pagkaupo ko sa tabi niya. Nginitian ko siya nang maliit.

Huminga siya nang malalim na parang may iniisip.

"May mga umalis na naman daw sa org... Hindi ko na talaga alam. Bakit sila umaalis kung kailan dumadami ang nangyayaring isyu?" ani ni Aly at umiling na parang sobra siyang nadisappoint.

I pressed my lips together

Tumingin ako sa kawalan, walang sinasabi si Yael and it's making me furious. Paano pag dumami pa sila? Kailangan pa ng maraming tao para sa pagsasalita.

Nung nakaraang gabi halos hindi ako nakatulog, dahil sa mga narinig kong kwento ng mga jeepney drivers. My father is a jeepney driver too... and he's not telling me anything. Hindi ko alam na may ganung nangyari, sobrang nag-aalala ako noong nakaraang gabi kaya agad ko siyang tinawagan. He told me that everything is fine, but I didn't believe him. Nakita ko kung paano umiyak yung mga jeepney drivers. I'm sure everything's tough right now.

Empathy, all you need is empathy... para malaman mo kung ano ang pinanggagalingan nila.

Then you'd realize, that something isn't right.

Tuloy tuloy ang pag-iingay at pagtuturo namin sa mga tao sa social media. Pag may nakita kaming tao na hindi naiintindihan ang sitwasyon pero nagbibigay ng maling opinyon, pinipilit naming ikalma ang sarili at turuan sila ng tama. Kasi hindi naman namin 'to laban mag-isa, laban naming lahat 'to. We're all riding the same boat. Pinipilit namin iparinig sa mga may kapangyarihan ang nangyayari... pero pilit silang nagtatakip tenga.

Naririnig nga, pero hindi pinapakinggan.

But giving up isn't a choice for us.

Mas naging busy pa kami noong mga sumunod na araw, sunod sunod ang mga pinapagawa at araw ng practice para sa graduation namin. Inihahanda na rin namin ni Aly ang susuotin, inimbitahan kami ng pamilya ni Aly na magdinner pagkatapos ng graduation namin. Pumayag naman ang mga magulang ko, maybe we'd stay our night at Aly's house sa araw na 'yon.

Halos hindi ko na rin makausap si Apollo dahil sa sobrang daming ginagawa, inaasikaso ko rin kasi 'yung pagpunta rito ng mga magulang ko kaya wala muna akong panahon para sa ibang bagay. Kahit sa pag-uwi at pagkain ng tanghalian, hindi talaga namin maisingit ang pagkikita.

Bumuntong hininga ako. Hindi naman kami mauubusan ng oras.

Tumayo na kami ni Aly para umuwi na dahil tapos na ang huling klase namin. Mabuti na lang wala 'tong iniwan na mga gawain, kasi ang dami na talaga naming ginagawa. Yung iba kalmado na, pero kami hindi pa rin. Nakita namin si Yael at Krixtoff sa may kanto ng street ng department namin habang naglalakad kami sa ilalim ng buwan. They're seriously talking nang may tumawag kay Yael at agad niyang sinagot.

Tatawagin sana sila ni Aly kaso napatigil siya nang nahalata ang pag-iba ng mukha ni Yael habang may kausap sa telepono. Kumunot ang noo ko dahil sa kuryosidad. Dumapo ang tingin ni Yael sa 'min ni Aly dahil wala naman kami sa kalayuan. Agad ding napatingin si Krixtoff pero kahit siya ay hindi magawang ngumiti sa 'min.

Something's off

Napagdesisyunan naming lumapit sa kanila nang biglang binaba ni Yael 'yung tawag. Yael doesn't always show his emotions or expression, lagi lang siyang mukhang masungit at walang pakielam. But this time... it's odd. He looks bothered and nervous.

"Bakit ganiyan itsura mo?" tanong ni Aly habang tinuturo si Yael.

Biglang kumunot ang noo ni Yael. Kitang kita kung paano mas lalong nagseryoso ang mukha niya

"Aling Jess was found dead... natagpuan siya sa may ilog malayo sa tinitirhan niya," ani ni Yael.

Nanlaki ang mata namin ni Krixtoff sa sinabi niya, hindi makapaniwala sa narinig, habang si Aly naman ay nakahawak sa bibig niya.

What... akala ko... akala ko tapos na? Akala ko nasa loob na ng kulungan ang pumatay.

"It's not a suicide, right?" seryosong sambit ni Krixtoff. Agad kaming napatingin sa kaniya ni Aly.

That's possible... wala na siyang pamilya at ang malalamig niyang mata ang makakapagsabi na pagod na pagod na siya sa mga nangyayari sa kaniya, sa kanila.

"I think it's not. I talked to her before, she isn't the type of person who would kill herself... she's also kind of smart"

"But that could change," I said

"Yes...but it's more possible to think that someone killed her."

Tumango ako. There's a pattern, hindi namin maipapagkaila at ng ibang tao 'yun. Sunod sunod silang mga namatay... pero sino? Sino ang totoong gumawa nito sa kanila? the cops are in jail already, ibig sabihin may iba pang kasabwat. Tumingin ako kay Yael na seryosong nakatingin sa kawalan na parang may iniisip. Huminga ako nang malalim bago magpaalam sa kanila na mauuna na ako umuwi. Kailangan ko magcheck ng news, kailangan ko makibalita kung ano pa ang ibang nangyayari. Kung ano ang nangyari kay Aling Jess.

Walang gana akong naglalakad papunta sa dorm, nagpaiwan muna si Aly para makausap si Yael. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Bakit 'to nangyayari sa kanila?

Tinignan ko ang iba't ibang news site at nanood ako ng TV para makibalita. Nabalitaan na ng lahat ang nangyari, 'yun agad ang lumabas sa telebisyon na balita nang binuksan ko. Walang ibang detalye na sinabi... iimbistigahan pa lang.

Halos hindi ako makahinga dahil sa paninikip ng dibdib ko.

Sunod sunod lahat ng nangyayari.

Akala ko natapos na at nabigyan na ng hustisya ang nangyari sa tatlong nagahasa at sa mga magulang nila. Hindi pa pala. Seryoso akong nakatingin sa bintana bago bumuntong hininga.

Nakakapagod

The injustice is draining me and I'm sure it's not just me who feels this way.

Nakakapagod na makita na para kaming pinaglalaruan. Pinaglalaruan ng gobyerno, pinaglalaruan ng kawalan ng hustisya. Hindi ko alam kung paano 'to natatanggap ng ibang tao, kung paano nila nagagawa na tanggapin na lang ang sistema.

Tuloy tuloy ang pagtingin ko sa iba't ibang social networking site at halos mapapikit ako nang mariin sa mga nababasang ibang balita. Iba iba ang mga balita at isyu na lumalabas ngayon. Unti unti ring lumalabas ang mga matagal ng problema sa bansa na hanggang ngayon hindi pa rin binibigyan ng pansin, na hanggang ngayon hindi pa rin naayos.

Kawalan ng libreng edukasyon lalo na sa mga liblib na lugar, kawalan ng oportunidad sa pagtratrabaho, diskriminasyon sa LGBTQ, corruption at lalong lalo na ang kahirapan.

Nakakapagod

Nakakapagod ang mga nagyayari.

I pursed my lips as I stare to my ceiling

It's fucking unfair, bakit lagi na lang ang mga mahihirap ang mga nagdudusa sa kakulangan ng gobyerno?

Bakit may mga taong kayang pumatay sa mga taong walang laban?

I closed my eyes

It's tiring... but this is the sign that I should never stop protesting and voicing out my opinions. Someone needs us. I'm sure.

But yeah... this is making me feel weary

A Walking Dilemma [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon