Chapter Fourty Three [43]

41 2 0
                                    

I chose a formal yet comfortable attire for my actual first day at school here in United states. Mabilisan akong tumakbo para makapunta sa university, the company provided me a unit which is very near to the school. Kagat kagat ko ang labi ko, hindi ko alam kung kinakabahan ba ako. I'm confident that I would do good in school but interpersonal communication would kill me. Hindi ako mahihirapan sa language barrier, but how can I socialize with a different cultured people?

This is just me whining, however I'm grateful for being here.

Umupo agad ako sa nakita kong bakanteng upuan, I looked around and I can't help myself but to feel amazed. Sobrang laki ng university, ang dami ring mukhang matatalino na mukhang iba iba ng lahi at bansang pinanggalingan. I guess, this university is really a big deal.

Napangiti ako nang palihim

This will help me to achieve my dreams. I could have a better experience and knowledge after I finish my course here.

"Good morning, here's what you need to do," the professor told us

Agad kaming nagsimula sa gagawin. Pagkatapos ng isang klase ay agad ako pumunta sa mga sumusunod na klase. My classes usually finish at 3 pm pagkauwi ko ay nagsisimula na ako agad magtrabaho. The amount of work I have here is lighter than the amount of my work in the Philippines. Minsan nagproproofread ako ng mga articles, minsan ay may iba ibang pinapagawa si Ms. Regina pero hindi na ulit ako nakagawa ng article. Mas nakapokus kasi kami sa balita ng bansa, kaya mas mabuting ang mga nandun ang magsulat.

Nakita kong gusto makipag video call ni Krixtoff, sinagot ko agad ang tawag at kinawayan siya.

"Hi," I greeted

"Karlette! Wait, I'll call your parents," ani niya at nawala sa screen.

Nasa New zealand ngayon si Krixtoff, he is with his family and my parents. Ayaw na pauwiin ng mga magulang ni Krixtoff yung mga magulang ko, they really became friends. Natatawa na lang ako kung gaano sila kakulit pag magkakasama. They really look so happy kaya pumayag na rin ako na roon sila tumira.

"Ma, Pa," tawag ko sa kanila. Nakangiti sa akin si mama habang seryoso na nangangapa si papa.

Kinamusta lang nila ako at bumalik din sa ginagawa. I smiled at Krixtoff

"How are you?" he asked

"I'm good, nakakapagod pero nakakatuwa," I said then let out a chuckle

"I'll fly there next week," masaya niyang sabi

"Ha?"

"I would enroll to the same university! Diyan ko na tatapusin course ko!"

Nagulat ako sa sinabi niya pero agad din akong tumango. Nagdiretso kami sa usapan hanggang sa tuluyan na maggabi rito. Mabuti na lang tapos ko na 'yung mga gagawin ko bago siya tumawag. Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Napahinga ako nang malalim. I have no friends here, I have no one to talk to, my family is far from me. Mabuti na lang ay pupunta rito si Krixtoff, atleast I can have someone I know.

Ang hirap mag-adjust, but this is for my dream. I need to gain a lot of knowledge to be a good writer. Hindi ako pwedeng manatili lang sa kung anong meron ako dati.

I remembered Apollo. We don't message each other after we broke up. Talagang nirespeto niya yung desisyon ko na makipaghiwalay at hindi ako ginulo. Sometimes I would scroll down to his social media accounts but there's nothing new. Pag tumatawag naman si Aly, sasabihin niya na maayos lang si Apollo. That he's actually doing good to his acads.

Napahinga ako nang malalim, I miss him.

He told me he'll wait

I emailed him last time to finally say good bye before going away. Hindi na ako nagpaalam sa kaniya ng personal kasi baka magbago pa isip ko. I told him that if ever he'd find the right girl while I'm away, he's free to date. Na dapat hindi niya na pakawalan yung babae.

But that would hurt me so bad, it will be painful but as long as he's happy. He should go for it

For now, I trust him to wait. He promised me that he will wait.

Siguro hindi lang pag-aaral at trabaho ang makakapagbusy sa akin. Maybe my character development as well. Gusto ko pag nagkita kami ni Apollo, kaya ko na siyang mahalin katulad ng ginagawa niya. Kaya ko na rin magbigay ng effort katulad ng binibigay niya.

I will just prioritize my career for now, but I'll be back to him.

He deserves everything in this world. He has always been the kindest person I met.

Sa mga sumunod na araw ay naging abala ako dahil sa pag-aadjust ng mga gawain. Managing my time is my real nemesis. Hindi ko na nga masingit ang balak ko na pakikipagsocialize. Buti na lang mababait ang mga kaklase ko sa iba't ibang class kaya unti unti ako nagkakaroon ng kausap.

Pagkauwi ko ay nakita ko si Krixtoff sa harap ng unit ko. I parted my lips when I saw him, halos manlaki ang mata ko at agad niya ako niyakap.

"Ah... I miss you Lette!"

"I miss you too, kailan ka nakarating?"

"Kanina lang, binaba ko muna 'yung mga gamit ko sa nabili kong condo. My place is just there," ani niya at tinuro ang kabilang kanto.

"Pasok ka muna," I told him

"Woah, your boss must really like you! Ang laki ng unit na binigay nila sayo," sabi niya habang iniikot ang buong unit

Kinuhanan ko siya ng makakain at pinaupo siya sa may couch. Maya maya ay tumabi rin ako sa kaniya

"Anong plano mo?" I asked

"Uhm... I'm going to study here, too. Then I would try to apply as a model? People are literally telling me to do modeling shits here," he chuckled

Tumango naman ako

Atleast he would be fine right? Nag-aalala pa rin ako sa kaniya. Mula nung nawala 'yung career niya dahil sa isyu na hinarap namin pakiramdam ko nagpapanggap lang siya na palaging masaya. It's a good thing that he'll try to find a new home for his career.

He sacrificed a lot, I hope this time he'd find the right path for him

Hindi nagtagal ay umalis na rin siya para makapagpahinga na. Talagang pinilit niya lang na pumunta rito para sorpresahin ako na nandito na siya. Sa susunod na linggo pa ang pasukan niya kaya may mahabang oras pa siya para magpahinga.

Kinuha ko ang pinakamaayos kong damit, I'm trying to be a little bit fashionable here. Everyone in the university really dresses well, so I have no choice but to make myself a bit better. Pagkauwian ay naisipan kong dumaan sa mall. Nauubusan na ako agad ng stocks sa bahay so I need to do some groceries.

Kinuha ko ang mga kailangan ko lang at binayaran agad. Hindi ko naman kailangan nang marami, kaya hindi ako gaanong nagtagal.

As I was walking out of the mall I saw a familiar girl going out from a boutique. Napahawak siya sa bibig niya dahil sa gulat nang makita ako.

Agad siyang tumakbo papunta sa akin habang nakangiti, she looks very glad to see me. Ngumiti ako sa kaniya at kumaway. She is wearing a long brown trench coat with a black cropped top turtle neck and a cycling shorts. Hawak hawak niya rin ang louis vuitton niyang bag.

"Omg, do you still remember me? I'm Reign, you are Karlette right?" nakangiti niyang sabi

Tumango ako at nagbigay ulit ng ngiti

"Are you busy?"

Inisip ko kung may mga natira akong gawain pero wala naman kaya umiling ako sa kaniya. Miss Regina would just email me pag may kailangan siya kaya pwede akong umalis muna.

Agad siyang ngumiti nang mas malaki, I almost run because of her smile.

"I haven't seen you in months! Let's eat," she aggresively said at hinatak ako papunta sa isang restaurant.

A Walking Dilemma [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon