Chapter Eleven [11]

60 5 0
                                    

"Three girls were raped by a group of cops in Taguig city. They were found dead in the crime scene, bloods were very visible in the whole place. Sabi sa imbestigasyon sobrang conservative ng suot ng tatlong babae pero pilit pa rin sila sinisitsitan ng mga pulis. Minura sila ng mga babae kaya natrigger yung mga pulis at hinabol sila. Dinala sila sa isang liblib na lugar para gahasain at patayin," ani ng Vice president namin sa organization.

Lahat kami galit na galit sa nangyayari. Halos walang humihinga dahil nakikinig lang kami. Narinig na namin 'to sa balita pero ngayon lang nagkaroon ng final update tungkol sa imbestigasyon.

What happened to the police? They weren't arrested. Pinoprotektahan sila ng head nila. Malinaw na malinaw sa lahat na nanggahasa sila pero pilit pa rin nilang tinatanggi at itinatago kaya walang nararating na hustisya.

Ganun lagi ang sistema, pag may kapangyarihan ka, pag may pera ka hindi ka makukulong. But when you're poor and you did a small violation, you'd get in jail within a span of minutes.

That's how unfair the system is. That's selective justice.

Nakakagalit

Paano nila nagagawang matulog nang matiwasay?

Halos lahat kami nakakuyom na ang kamao dahil sa galit. May iba pang halos maiyak na. This one is a real story, meron at merong naaabuso sa ibang lugar. Hindi lang natin nakikita. 'Yun ang hindi naiintindihan ng iba.

Hindi namin pwedeng hintayin na maapektuhan muna kami bago magsalita.

"Let's do the protest tomorrow," ani ni Yael at agad lumabas ng kwarto habang nagpipigil ng galit. Agad sumunod sa kaniya si Aly.

Umingay sa buong kwarto dahil unti unti nilang nilalabas ang hinaing nila. Hindi ko alam kung sino ang kakausapin ko, they were all busy. Some of them are using their phones, panigurado mag-iingay kami sa virtual world hangga't hindi natatapos ang isyu na 'to.

Lumabas na ako para makauwi at makahinga sa mga nangyayari. Pagkatapos ng protesta bukas marami na naman ang babatikos sa gagawin namin.

Hindi man lang nila naisip magtanong kung bakit ba kami nag-iingay? Kung ano ang tunay na dahilan?

May nakikitang mali. At hindi makakatulong ang pananahimik sa ganitong sitwasyon. It's seriously dumb if people will think that silencing us will be a big help.

You need to raise your voice to get the justice. Hindi mo sila pwede pikitan ng mata.

I don't think I can sleep tonight. Taguig isn't too far from here, maybe I can go to the victim's family. I just need to make sure that they're okay. Huminga ako nang malalim para maghintay ng taxi. Kaunting bawas lang 'to sa allowance, kailangan ko lang makasiguro na maayos lang ang pamilya ng mga biktima.

Itataas ko na sana ang kamay ko nang may makita ako na paparating na taxi nang may biglang nagsalita sa likod ko.

"Where are you going?" Apollo asked.

Gulat na gulat ako nang nakita ko siya. Wala siya kanina sa meeting so I was surprised when I saw him here outside.

I've been avoiding him for a lot of weeks already. It's for the better. Minsan nakikita ko siya sa department namin at sa library pero kahit siya ay hindi ako dinadapuan ng tingin. We've been in a distance for quite awhile now. Sometimes...it bothers me how cold his stares are. It's very odd. But I chose not to think about it more.

Again, no more feelings. I'd just bury it.

Seeing him here feels surreal.

"Taguig" ani ko at agad umiwas ng tingin.

A Walking Dilemma [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon