Chapter Fourty Eight [48]

43 3 0
                                    

Hinatak ko ang maleta ko at agad nilagay sa likod ng taxi, I looked around and breathe heavily. Nasa Pilipinas na rin ako. Walang nakakaalam na uuwi ako ngayon, I didn't inform anyone kaya gulat na gulat muli si Aly nang makita ako na binababa ang gamit sa dorm naming dalawa.

Tumayo siya sa harap ko at pinagpatong ang dalawa niyang braso sa harapan niya.

"Ang hilig mo talaga mang gulat, hindi ba uso message sayo?" she asked

"Isang taon tayo halos hindi nagkita, ganiyan bungad mo?" ani ko at inirapan siya

She pouted and hugged me

"Nasa labas ng dorm si Yael, ayaw pumasok. Papasukin mo na" I told her

Agad siyang tumakbo palabas at pinapasok si Yael. Hanggang ngayon wala namang sinasabi si Aly kung anong kalagayan nilang dalawa kaya hindi na rin ako nagtanong. Agad akong nagpalit nang mas maayos na damit at naghanda ng ibang gamit, I'm planning to go to Apollo's condo.

"Aalis ka agad?" tanong ni Aly

Tumango naman ako habang pinagpapatuloy ang pag-aayos ng gamit.

"Apollo?" Yael asked

"Oo, puntahan ko lang siya sa condo niya. He doesn't know I'm back," I excitedly said

Seryoso lang nakatingin si Yael

"He's not staying there anymore"

Agad ako napalingon, he didn't tell me.

"Hatid ka na lang namin sa kanila, Lette. Aalis din kami ni Yael e," ani ni Aly at dumiretso na sa banyo para maligo.

Umupo muna ako sa couch at tumingin kay Yael

"Saan siya nakatira?" I asked Yael

"His mother is staying here for good along with his sibling, doon muna siya nakatira"

Tumango ako, I wondered why he left his condo

Pagkatapos mag-ayos ni Aly ay agad kaming umalis. Binaba nila ako sa malaking bahay, I guess this is their house. Kitang kita ang malaking gate nila na kulay itim, the whole exterior design of the house screams modernity. Pinindot ko ang doorbell at maya maya ay may lumabas na guard.

"Good morning po, andiyan ba si Apollo?"

"Ay andito po ma'am. Pasok na lang po kayo"

Tumango ako at dumiretso na papasok. May sumalubong sa kin na garden bago ko makita ang unang pintuan papasok sa bahay nila. I knocked twice, agad kong narinig na may naglalarong mga bata. Bumukas ang pinto at nakita ko sina North at South.

I parted my lips, ang laki na nila! They became taller and older. Binati ko sila at agad ako niyakap ni North, hinatak niya ang leeg ko para maabot ako habang si South ay nakatingin lang sa amin.

I smiled silently, they're still cute. Masungit pa rin si South at masiyahin pa rin si North.

"Let's go inside, Ate Karlette," ani ni North

Sumunod lang sa amin si South at pinaupo ako sa isang malaking sofa sa living room nila. Mula rito ay kitang kita ang malaki nilang flatscreen TV sa harapan, nasa gilid naman ang paikot na hagdan para makaakyat sa taas.

"Mom! Ate Karlette's here," ani ni North na tumakbo sa kusina

Inikot ko ang tingin ko. God, their house is huge. Buti nagkikita kita pa sila rito.

Nakita kong tumakbo papunta 'yung nanay ni Apollo sa may sala na may dalang sandok at may suot na apron. I once met her, nung naospital si Apollo hanggang sa nakausap ko siya sa video call. Hindi ko rin alam kung paano niya ako nakilala bigla, hindi pa naman ako napakilala dati ni Apollo.

A Walking Dilemma [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon