Chapter Fourteen [14]

58 5 0
                                    

Binabad ko ang sarili ko sa pagbabasa ng iba't ibang articles at news sa mga sumunod na araw. I usually take down notes when it's necessary. I've been studying non stop for the past few weeks, kahit hindi naman kailangan.

I just need some distractions.

Hindi pwedeng may iniiwasan na nga 'ko na maramdaman ay hindi pa rin ako mag-aaral. I know my priorities, pero minsan hindi ko pa rin maiwasang maalala na balikan yung araw na 'yun.

The cold stare, the cold response. I don't want to think about it again.

Katulad noong mga nakaraang araw pilit ko pa ring binabad ang sarili ko sa pag-aaral. God! Ang layo pa ng exams, kakatapos ko lang din ng mga papers ko. I decided to check my phone after awhile, pinipilit kong umiwas sa social media. But I just can't, I need to make some noise there. Hindi pa rin nakakakuha ng hustisya yung tatlong babaeng nagahasa. Walang titigil sa pag-iingay.

Krixtoff:
Let's eaaaaaat!

"Close na kayo?" agad na tanong ni Aly sa 'kin nang napadaan siya sa likod ko.

"Ni Krixtoff?... we're friends," I told her.

She pursed her lips and smiled timidly.

"Tingin," ani niya

Inirapan ko lang siya at binigay din ang phone, we're friends for how many years already. Sobrang normal na lang na nagbabasahan kami ng convo, as long as may consent. Pinabasa ko sa kaniya yung thread ng conversation namin ni Krixtoff. Sometimes she smiles, sometimes she just frowns.

Mula nung sinabihan ko si Krixtoff na magkaibigan na kami, he already asked my number and sometimes he texts me. Kadalasan, nag-aaya lang siya kumain. Mahilig mag workout kaya mabilis din magutom.

Binalik agad ni Aly yung phone ko at ngumiti nang malapad.

"Are you sure you're just friends?... I mean team A kaya ako! but... okay as long as you're happy," ani niya

Agad kumunot ang noo ko, what team? I don't know if she's talking about basketball or something else.

"What made you think that we're more than friends?" I asked curiously

Minsan nagkikita rin kami ni Krixtoff sa school dahil hahatakin niya 'ko para lang kumain ng kwek kwek o kaya ng shawarma rice sa tabi. We literally became friends because of food! Hindi niya ko tinatantanan pag nalaman niyang hindi pa ako kumakain.

People always look at us as if we're doing some crime, ang hirap talaga magkaroon ng celebrity friend. Akala mo papatayin ka sa tingin ng fan girls niya.

Aly just shrugged

"Anyway, sama ka sa 'kin! Ilang linggo ka na nandito lang sa dorm!" ani niya at agad ako hinatak papunta sa banyo para maligo at magbihis.

Ni hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya I just wore something comfortable. Mukhang kailangan ko na nga talaga ng hangin, ilang linggo na rin ako puro aral. Mas mabuti na 'yun kaysa makita ko si Apollo at isipin pa siya.

Nagulat ako nang pumunta kami ni Aly sa gym. Tinignan ko siya nang masama nang hatakin niya ako agad papasok.

"Wala ka bang ibang kaibigan? Bakit mo ako dinala rito?" ani ko after I groaned in frustration.

Ito ang kahuli-hulihang lugar na pupuntahan ko but look at me now, I'm here!

"Hehe chill ka lang, gusto ko lang na may kasama," sabi niya at nagngising aso.

"Besides, natatalo na manok ko. Hina," bulong niya. Kumunot naman ang noo ko, kakausapin ko sana siya nang bigla siyang tumakbo na sa mga basketball players.

A Walking Dilemma [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon