Chapter Five [5]

84 9 0
                                    

Me:
Kailan ka available?

Apollo:
Anytime, whenever you're not busy.

Me:

Pwede ka after class bukas?

I pursed my lips when he messaged me okay. Tinapos ko na lahat ng gagawin ko para maging vacant ako after class bukas. I need to be serious about this. This is my last slot.

After I finished my school works, napagdesisyunan ko naman na isulat 'yung outline ng interview. I literally fucked up our first interview so I should  do better this time. Pinili ko na lang mag focus sa failures niya sa life and how did he cope up after, he seems very brave now. The people I asked kept on telling me na sobrang laki ng character development niya.

I was curious. Masungit pa rin naman siya. Anong nagbago? I immediately asked Aly.

"Girl, kalat na kalat sa lahat ng fan ng basketball team na ayaw daw niyan dati magpabangko! Lagi nag-iinarte pag hindi mahaba ang playing time niya! So people thought na masyado siyang bilib sa sarili niya because of his achievements. Nayabangan na mga tao sa kaniya" Aly told me.

Siguro kung pinanganak ulit si Aly, pipiliin niya maging bola. Kaso walang buhay ang bola, kaya imposible. Sobrang interesado siya sa mga basketball players. Halos lahat ata sila kaclose niya.

Tumango ako

"What changed?" I asked

"Last season, they didn't make it on the finals. Pero bago matapos ang interview ng coach nila sinabi nito na his own championship is Apollo's character development. Sobrang nagbago daw siya dahil sa mga critiques. Inayos niya ugali niya at paglalaro," Aly told me

She rolled her eyes.

"And also, sa buong team? Siya lang ang hindi out of touch sa reality! Ginamit niya yung pribilehiyo niya to speak up for the marginalized sector. And that impressed the people." Ani niya.

Napatango ulit ako. That's... really impressive. Imagine, gaining a lot of negative comments about your life and character? Tapos nakayanan niya pa ring tumayo ulit at ipaglaban ang mga tao.

Maybe he's really something else.

*****

Agad-agad kong inayos 'yung mga gamit ko. Nalate ng 30 minutes ang dismissal namin dahil ang daming pinagawa. I can't be late!

Sabi ni Apollo magkita na lang kami sa may main library. Panigurado sarado na rin yun dahil literal na gabi na. Tumigil muna ako sa isang tindahan para bumili ng paboritong kong junk food.

Bumili ako ng dalawang malaki. Napapikit na lang ako nang marealize ko na wala na naman akong maibibigay sa kaniya. Hanggang saan kaya ako aabutin ng kakapalan ng mukha ko? I can't even give him a proper food or atleast give him a ride.

Binalewala ko muna ang iniisip ko. Pagkarating ko roon nakita ko si Apollo na nakasandal sa kotse niya habang ginagamit ang cellphone. He's wearing an oversized black T-shirt na may print na Gucci sa harapan partnered with a sweat pants and a basketball shoes. I also noticed that he really likes accessories. He's wearing a silver chain necklace and a small earring.

A Walking Dilemma [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon