Kabanata 6 :
Tapos na ang time ni Miss Frada at nagpaalam na ito.
Matapos nitong magpaalam ay napansin ko ang lalaking nasa likod ko na tumayo sa gilid ko. Tumagilid naman ako ng upo para harapin siya.
Tinaasan ko siya ng isang kilay.
Nabigla ako sa paghawak nito sa kamay ko at hinila ako palabas ng classroom.
Narinig ko pang tinawag ako ni Javex ngunit tuluyan na kaming nakaalis sa classroom hanggang sa dalhin niya ako sa CR ng mga lalaki na ikinagulat ko. Mabuti nalang at walang tao sa loob noon ngayon.
Pilit kong inalis ang kamay ko sa kaniya ngunit masyadong maghigpit ang hawak niya.
Nagulat ako ng idikit niya ako sa nakasaradong pinto ng cubicle.
Masama ko siyang tinitigan ngunit hindi siya nagpatinag. Tangkang aalis ako ngunit iniharang niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ng ulo ko.
"Who the heck are you?!" Inis kong sigaw sa pagmumukha niya.
Ngumisi naman ito sa akin.
"Isang taon at kalahati ka lang nawala ay nakalimutan mo na ako kaagad?" Aniya na at tumitig sa labi ko.
Bigla akong nakaramdam ng kaba sa tingin niyang iyon. Tila nais niyang angkinin ang labi ko.
"F-Fuck you! I don't know you, jerk!" Singhal ko sa kaniya.
"Zean, don't pretend. I know you." Aniya at idinikit ang noo sa aking noo.
"Did you miss me?" Tanong niya. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang paghinga sa labi niyang nakatapat sa akin. Amoy ko rin ang bango nito.
Irita akong ngumiti sa kaniya.
"I don't know you." Matigas na sabi ko bago tinuhod ang gitna ng hita niya. Ang kahinaan niya.
Ngayon ay napalayo ito sa akin habang nagtatatalon at hawak ang gitna niya.
"Fuck, shit. How dare you--" Hindi ko na siya pinatapos at naglakad na ako palabas ng CR. Mabuti nalang at pagbukas ko ay wala pa ring tao.
Damn that man! How dare him do that to me?! Muntikan na niyang kunin ang first kiss ko!
Mainit ang ulo kong naglalakad pabalik sa classroom. Naiwan ko roon ang bag ko dahil sa letseng paghila sa akin ng lalaking iyon.
Ano bang pinagsasabi niya? Isang taon at kalahati akong nawala? Nasisiraan ba siya ng utak? o baka naman gumagawa siya ng dahilan para magawa ang masamang binabalak sa akin?
Napahinga ako ng malalim ng makapasok ako sa classroom. Kinalma ko ang sarili ko.
"Kalix!" Bumungad ang nag-aalalang mukha ni Javex sa akin.
Pinagmasdan ko ang paligid. Kami nalang dalawa ang narito. Nilagpasan ko si Javex at nagpunta sa dulo para kuhanin ang bag ko.
"Ayos ka lang ba?"
"I'm fine." Iritang sagot ko sa kaniya.
"May nangyari ba? Tell me. Akong bahala sa lalaking 'yon." Aniya.
"No need. Ginawa ko na." Wika ko at naglakad na paalis para iwan siya.
Naglakad ako sa hallway ng mapatigil ako dahil may nakabangga ako.
Pagtitig ko sa kaniya ay agad kong naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Meron na naman?
Nakayuko ito at panay ang hingi ng sorry sa akin. Isa itong babae na sa tingin ko ay JR Highschool palang.
BINABASA MO ANG
Suicide University (Completed)
Mystery / Thriller"Welcome to Suicide University!" Be ready for your life. Be observant and be alive. You must trust no one, but you can play with anyone. Published : June 19, 2020 Finished : July 25, 2020