Note : Unedited
Kabanata 30 :
"By the way, I am Aki." Pakilala ng nakabrush up ang buhok na lalaki. Inalok nito ang isang kamay na inabot ko para makipagkamay.
"Ako naman si Adi." Pakilala naman ng nakabagsak ang buhok na nakipagkamay din.
Ngiti lang ang tanging itinugon ko sa kanila. Nakakamangha pala kapag naging lalaki si Ces, ang gwapo. Akala mo ay payat na walang abs pero sa tingin ko ay sakto lang naman ang payat ng katawan nila at sure na may abs 'to.
Mariin akong napapikit at napamulat din agad. Ano ba naman 'tong naiisip ko. Naalala ko kasi noong nakita ko si Dion na topless. Akala ko ay payat lang ang kapatid ko ngunit hindi ko inakalang maganda pala ang katawan niya.
Ngayong naalala ko sila, pakiramdam ko talaga ay nangungulila ako sa kanila. Nami-miss ko ang kakulitan at kamalditahan ni Ces at si Dion. Hindi ko akalaing mapapalapit pa pala ako sa mga kapatid kong 'yon.
"Let's go, Xavin." Aya ni Suzy bitch. Dahil sa pakikipagkamay ko sa kambal ay nabitawan ko ang kamay ni Xavin. Kaya naman ay agad ko rin itong muling hinawakan para hindi siya mahila ni Suzy na nakahawak sa kabilang braso ni Xavin.
"He's my boyfriend." Seryosong wika ko kay Suzy.
Napansin ko ang pagtitig ni Suzy at ng kambal sa akin.
"Boyfriend?" Tanong ni Aki.
"Yeah." Sagot ko. Bakit parang gulat sila? Hindi ba alam ng lahat ng miyembro ng clan na magkarelasyon si Zean at Xavin?
"I thought you are just flirting and playing with your bestfriend, as usual." Hindi makapaniwalang wika ni Suzy.
"No way. I know, you are both just making fun with me earlier." Aniya at inikutan ako ng mata.
Tiningnan ko si Xavin na naiiling nalang. Okay? I did wrong again?
"Uh. Yeah, Just kidding." Pagbabawi ko.
Oh fuck, I don't know that their relationship are hidden from their clan.
"Go ahead. Asikasuhin mo na ang iba mong bisita. I'll be with my girlfriend." Sabi niya kay Suzy at tumingin sa akin. Tinaas-taasan ako nito ng kilay na tila nang-aasar.
Inikutan ko nalang siya ng mata. He's acting right now for me to be safe. Muntikan na akong mabuko sa sarili kong kagagawan.
"Yeah, whatever. So cheesy. Next time, you'll be on my side naman." Maarteng wika ni Suzy bago tuluyan kaming iwan.
"Nagulat ako ro'n. Kala ko kayo na." Sabi ni Aki na napahinga ng malalim na tila nabunutan ng tinik sa dibdib.
"Crush pa naman kita."
Nagulat ako sa pag-amin nito ngunit hindi ko iyon pinahalata sa kaniya.
"Okay lang 'yan, bro. May pag-asa ka, bestfriend lang talaga sila ni Xavin." Pagpapagaan ng loob ni Adi na tinapik-tapik pa ang balikat ni Aki.
"Get lost, you two." Seryosong sabi ni Xavin sa kanila.
"Grabe naman makabakod, pre." Napapailing na sabi ni Adi.
Kung mag-usap silang talong lalaki ay pakiramdam ko ay magkakaibigan sila. Are they friends with Zean too?
"Starting from now, I'll court you my Princess Zean." Lakas loob na sabi ni Aki.
"Bro code yata ang gustong sabihin ni Xavin." Nakangising sabi ni Adi. Mukhang malalakas ang trip at maloko itong kambal na 'to.
"Bestfriend lang kayo, Xavin. Soon husband ako." Taas noong sabi ni Aki at tumawa.
BINABASA MO ANG
Suicide University (Completed)
Mystery / Thriller"Welcome to Suicide University!" Be ready for your life. Be observant and be alive. You must trust no one, but you can play with anyone. Published : June 19, 2020 Finished : July 25, 2020