Kabanata 5

5.2K 530 416
                                    

Kabanata 5 :

"Shawn, calm down." Muli kong pagpapakalma sa kaniya na mukhang umuubra naman.

"Kahit pakalmahin mo 'yan, mamatay rin 'to maya-maya." Ani ng babae.

That girl know it? May kinalaman ba siya sa mga sunod-sunod na nagpapakamatay?

Fuck. Anong kababalaghan ba 'to?!

"Wait, what the fuck!" I heard she said it out of frustration.

"Shawn?" Tanong ko ng hindi siya marinig na nagsasalita.

"I'm okay, I understand you." Aniya na tila malalim ang iniisip. Nakaiwas na ito ng tingin sa akin.

Napaalis ako ng hawak sa kaniyang balikat ng makaramdam akong muli ng kuryente ngunit ngayon ay tila nakakapaso ito dahil sa init.

Napahawak ako sa kamay ko at hinaplos haplos ang palad ko.

Tumayo na si Shawn at naglahad sa akin ng kamay. Tiningala ko siya. Mukhang kalmado na ito.

Inabot ko ang kamay niya at tumayo.

Muli akong napatitig sa kaniya. Wala na ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Wala na ang paghihinala kong mamamatay siya.

Nagtagumpay ba akong pigilan siya sa pagpapakamatay?

Wala sa sariling tinalikuran ko sila ni Javex at naglakad patungo sa canteen. Nagugutom ako.

Hindi pa ako nakakalayo ng mapahinto ako sa paglalakad ng hawakan ni Javex ang braso ko.

"Bakit?" Tamad kong tanong sa kaniya.

"Pinagloloko mo lang ba ako? Gusto mo lang bang mapalapit sa kaniya kaya mo--" The jealous man again.

"I'm telling you the truth. He's safe now." Walang ganang sagot ko. Aalisin ko sana ang hawak niya sa braso ko ngunit mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak.

"Manggagamot ka ba? Witch?" Naguguluhang taong nito na ikinatawa ko.

What the fuck, I didn't expect him to ask me that thing.

"Nope." Sagot ko. Wala akong balak ipaalam sa kaniya ang mga nalaman ko. Beside, hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa akin. I am still in the stage of knowing it.

"Y-you're laughing." Napatigil ako sa pagtawa ng mapagtanto ang ginawa. I never laugh with anyone beside my Mom and my only friend before. Iyon ang natatandaan ko.

"No, I'm not." Agad kong pagtanggi at binawi na ang braso ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Iniwan ko siya roon na tila mangha sa nangyari.

Yeah, I laughed. Ngayon nalang ulit ako tumawa.

Nakapunta ako sa canteen at pumila para makabili ng pagkain. Matapos noon ay umupo ako sa bakanteng mesa sa gitnang parte ng canteen. Tahimik akong kumakain doon ng umupo sa harap ko si Javex na may dalang tray na may lamang pagkain.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.

Who is that girl? Siya ba ang pumapatay sa mga nagsu-suicide? How? Bakit ko siya naririnig? Bakit ako nakakaramdam ng mabilis na tibok ng puso ko at nalalaman kung sino ang susunod na magpapakamatay? Dahil ba sa kaniya iyon?

Pero parang hindi naman niya alam na naririnig ko siya. Parang hindi naman niya alam na nangyayari rin ito sa akin. At tila hindi niya rin naririnig ang naiisip ko.

Ano bang nangyayari sa akin? May maligno bang sumapi sa akin? O may witch bang dinasalan ako?

Tangina, anong nangyayari sa'kin?!

Suicide University (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon