Kabanata 23

2.7K 296 173
                                    

Note : Unedited

Kabanata 23 :

"Sobra ka bang nag-aalala sa akin Ate Kalix, kaya pati sa panaginip ay iniisip mo pa rin ako?" Tanong ni Dion na nakakunot na ang noo.

Inikutan ko siya ng mata dahil sa pagkairita. Bakit ko naman siya iisipin? Mukha namang mas okay siya kaysa sa akin. Anghel siya, alam niya ang pagkakakilanlan niya at marami siyang nalalaman kaysa sa akin.

"Answer my question." Pamimilit ko sa kaniya.

"I don't know who's your talking about, but I am sure that you really think as well as care about me that's why you thought and dreamed that her surname is like mine." He said.

Napapikit na lang ako ng mariin. Posible rin na dahil sa pag-iisip ko sa nalaman kong pagkakakilanlan ni Dion ay naisip ko siya hanggang sa panaginip. Yeah, baka nga nagkakamali lang ako sa pangalan ng bestfriend ko.

Hindi ko nalang muling tinangka pang magsalita. Sinubukan ko ng muling matulog ngunit kahit anong gawin ko ay nawala na ng tuluyan ang antok ko. Puno nalang ng mga katanungan ang isip ko.

Nagmulat ako ng mata at pinagmasdan ang paligid kong may kaunting liwanag mula sa liwanag ng buwan. Isa na akong bampira kaya mas nakatulong iyon para makakita ako sa dilim. Si Dion ay mukhang nakatulong na rin dahil sa pagod. Umupo ako mula sa pagkakahiga at muling pinagmasdan ang paligid. Pinakiramdaman ko kung may gising pa ngunit puno ng katahimikan ang paligid at doon ko nasiguradong tulog na talaga ang lahat.

Tahimik akong tumayo at pumunta sa harap ng pinto. Bago ko ito buksan ay muli ko munang sinulyapan ang mga tao sa paligid ko. Nalipat ang atensyon ko kay Dion.

"I'm sorry but I have to do this." Nasabi ko nalang sa isip ko.

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at tahimik na binuksan ang pinto. Lumabas ako at muling sinara ito. Hinarap ko ang daan na tatahakin ko. Pinakiramdaman ko muna ang paligid ko. Wala akong bampirang nakikita at nararamdaman sa paligid.

Umalis ba sila at bumalik muna sa mundo nila? O baka may isang lugar silang pinagtitipunan ngayon?

I have to find at least one vampire. Posible akong makakuha ng kasugatan sa tulad nilang bampira.

Naglakad na ako at lumibot sa bawat parte ng mga gusali para hanapin ang mga bampira. Nalibot ko na ang buong school ngunit wala talaga sila. Mukhang lahat sila ay bumalik sa mundo ng mga bampira.

May mahalaga bang nangyayari ngayon sa mundo nila kaya kailangan nilang bumalik roon? O tuwing gabi ay talagang bumabalik sila sa mundo nila?

Naglalakad na ako sa hallway para bumalik sa classroom ko pero napatigil ako ng may mapansing naglalakad patungo sa dereksyon ko sa 'di kalayuan.

Hindi ko maaninag ang mukha niya. Nakakakita ako sa dilim ngunit ang dilim sa kinalalagyan niya ay tila kakaiba. Hindi ko magawang maaninagan ang mukha niya. Tanging nakikita ko lang ay ang hugis niya. Nakasuot ito ng dress na hanggang itaas ng paa niya. Isa siyang babae.

Mas matangkad ito ng kaunti sa akin ngunit ng mapansin ko ang heels na suot niya ay sa tingin ko ay kasing tangkad ko lamang ito.

Sa paglalakad niya ay tila hindi nito alintana ang mabigat at nakakatakot na aura sa paligid ng school dahil sa witch. Mas napako ako sa kinatatayuan ko ng may mapagtanto.

Hindi siya takot sa aura na ito dahil nakikita at nararamdaman ko mismo sa kaniya ang mabigat at masamang aura na 'yon. Bawat hakbang niya ay mabibigat na pakiramdam ang nabibigay nito sa akin. Pakiramdam ko ay kaharap ko ang isang nakakatakot na nilalang. Nagtaasan ang balihibo ko sa kaba at takot.

Suicide University (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon