Kabanata 28

2.7K 284 166
                                    

Note : Unedited

Kabanata 28 :

"'Wag kang magpapahalata sa kaniya. Papunta na ko diyan." Sabi ni Xavin. Kahit hindi niya sabihin ay iyon talaga ang gagawin ko. Pinatayan ko na siya ng tawag.

Yumuko si Rex para magbigay galang sa akin.

"Ano pong ginagawa niyo rito? Bakit kayo nasa labas ng palasyo?" Takang tanong niya.

"I just visit someone, near from here. Why would you care?" Pagtataray ko sa kaniya. Sa loob-loob ko ay natutuwa ako sa pagtataray ko.

Marami na kasing nangyari sa akin simula ng maging bampira ako at isa na roon ang natutunan ko ng magsaya, ngumiti at tumawa. Minsan na nga lang ako makapagsuplada at mabuti sa bampirang ito pa. Hindi rin kasi palagay ang loob ko sa kaniya. Mabuti nalang pala parehas kaming mataray ni Zean.

"Nasa malapit lang po ang kotse ko. Mukhang hindi niyo dala ang sa inyo kaya sumabay nalang po kayo sa akin." Aniya at muling yumuko.

"No need. Someone will be here, soon." I said.

"Ganoon po ba. Hintayin ko nalang po iyong susundo sa inyo. Kailangan kong masiguradong mananatili kayong ligtas dito." Wika niya na medyo Ikinairita ko.

"As if I'm not a Princess here and I don't have a power to control the air?" Pagsusuplada ko sa kaniya. Tinaasan ko lang siya ng isang kilay na ikinayuko niya.

"Patawad po, Prinsesa." Paghingi niya ng paumanhin.

"You can leave me here, now." Utos ko sa kaniya.

"Masusunod po." Pagsang-ayon niya at umalis na.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita itong makasakay na sa itim niyang kotse at tuluyan nang makaalis.  I'm safe.

Ilang minuto akong naghintay at nakatayo lang rito hanggang sa dumating na ang gray na sasakyan ni Xavin.

"Get in." Utos niya nang makalabas sa kotse niya at buksan ang pinto ng passenger seat.

Naglakad na ako papasok roon. Sinarado niya ang pinto at ako naman ay nagsuot na ng seat belt. Pumasok na rin siya at umupo sa driver's seat. Nagsimula na itong magmaneho.

"What happened earlier with you and Rex?" Tanong niya.

"Nagsungit ako sa kaniya, slight. Ang dami kasing sinasabi." Pag-amin ko. Napatigil nito ang sasakyan at tinitigan ako na may gulat.

"Ang sabi ko ay 'wag kang magpapahalata." Gulat at matigas nitong sabi sa akin. Nagtaka naman ako.

"What? Ginaya ko lang naman kung paano umakto at magsalita si Zean. May pagkasuplada siya tulad ng sabi mo." Paliwanag ko.

"Yes she is, but not with her parents and Rex. Tinuturing din ni Zean na ikalawang ama si Rex kaya mabait siya roon dahil simula pagkabata ay isa ito sa nag-alaga sa kaniya. Sinabi ko naman na mag-iingat ka sa kaniya dahil kanang kamay siya ng Hari. Lahat ay sinasabi niya kay King Maximus." Paliwanag naman ni Xavin na ikinagulat at ikinakaba ko.

Here I am again, I'm in trouble.

"Kung noong unang sinungitan mo siya ng isang beses para manahimik siya ay napalampas lang niya dahil sa dahilan na nawala ang ala-ala mo, ngayon ay baka hindi na niya palampasin iyon at masabi na sa mahal na Hari ang ginawa mo. Masyado mo siyang sinungitan Kalix. Nakasama na niya si Zean noong mga nakaraang araw. Baka nagulat iyon sa inakto mo ngayon sa kaniya."

Napasapo nalang sa noo si Xavin at sinuklay paitaas ang buhok gamit ang daliri dahil sa frustration.

"I'm sorry, I don't know that she's kind with Rex." Paghingi ko ng tawad sa kaniya.

Suicide University (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon