Kabanata 9 :
Hindi ako nagpadala sa iniisip kong ubusin ang dugo ng babae. Kailangan kong pigilan ang sarili ko. Agad akong lumabas ng cr at mabuti nalang ay wala pa ring tao sa paligid nito. Nakayuko lang ako habang naglalakad at kinakalma ang sarili, dinarasal din na sana ay walang makakita sa kakaiba kong mata.
"Kalix!" Natigilan ako sa paglalakad dito sa hallway ng marinig ang pagtawag sa akin ni Javex mula sa 'di kalayuan.
Mariin akong napapikit sa kaba. Hindi niya pwedeng makita ang mata ko.
"Oh? May problema ba? Bakit ka namumutla?" Nagtatakang tanong nito.
Mariin akong napangiti sa sinabi niya. Malamang na mapulta ang kulay ng balat ko dahil bampira na ako.
"I'm okay." Tangi kong sinabi. Ayokong humaba pa ang usapan namin kaya naglakad na ako at nilampasan siya. Hindi pa ako nakakalayo ng hawakan niya ang braso ko para pigilan.
"Where are you going? Sa kabila ang daan papunta sa room natin." Aniya.
"Magc-cutting class ka na naman ba?" Tanong niya.
Hindi ako sumagot at binawi ang braso ko.
"Hindi matutuwa sina Tito na nagbubulakbol ka." Wika pa niya.
Bakit ba napakakulit niya? Nanatili akong nakatikod at nakayuko. Aalis na sana ako ng muli siyang magsalita.
"Alam kong may problema ka lalo na sa nalalaman mo kung sino ang mamamatay. Nandito lang ako para tulungan ka Kalix. 'Wag mong sarilinin--"
"You know nothing about me." Matigas kong sabi sa kaniya dahil na rin sa pagkairita. Masyado siyang madaldal at maraming sinasabi na animoy alam ang nangyayari sa akin.
Nakita ko ang pagkabigla sa mga nito. Saka ko lang napagtanto na humarap ako sa kaniya. Fuck! Posibleng nakita niya ang kulay ng mata ko. Agad akong yumuko at pumikit.
"I'm sorry. I'm just worried about you." Pag-amin niya. Nanatili akong nakayuko ngunit nagmulat ng mata nang malaman ang reaction niya. He didn't react about my eyes, he did react about my problem.
Tila nabunutan ako ng tinik at napahinga ng malalim dahil sa naramdaman kong kaba kanina.
Thank God, I'm safe. Akala ko ay nakita na niya ang kulay ng mata ko pero tila muli nang bumalik sa normal na kulay ang mata ko.
"Don't worry about me." Wika ko. Naglakad na ako paalis ngunit sa pagkakataong ito ay sa kabilang daan na ako nagtungo, patungo sa classroom namin.
Nagbago ang isip ko na magcutting class dahil ayos naman na ang kulay ng mata ko. Maayos na rin ang pakiramdam ko kaya napagpasyahan kong pumasok na.
Papasok palang ako ng building ng biglang magsitakbuhan ang mga estudyante patungo sa dereksyon ko. Tila nagkakagulo sila.
Tumigil ako at nakinig sa malapit na dalawang babae sa akin.
"May nagpakamatay na naman daw." Rinig kong sabi ng may maikling buhok na babae.
Dahil alam ko na ang tinutukoy nila ay nagpatuloy nalang ako sa paglalakad, paakyat sa classroom ko. Nakahabol sa akin si Javex at sabay kaming nagtungo sa classroom.
Mukhang alam na agad nila ang nangyari sa cr. Alam na nilang may namatay na babae roon. Mabilis talaga kumalat ang balita ngayon dahil sa social media.
Mabuti nalang at nakaalis na ako sa cr at hindi nila ako nakita na nanggaling doon. I'm safe. Kung nagkataon na may nakakita o nakaabot sa akin sa cr ay ako ang mapagbibintangan na pumatay sa babaeng 'yon. Tama lang ang desisyon kong pigilan ang sarili na inumin ang dugo ng babae sa cr.
BINABASA MO ANG
Suicide University (Completed)
Mystery / Thriller"Welcome to Suicide University!" Be ready for your life. Be observant and be alive. You must trust no one, but you can play with anyone. Published : June 19, 2020 Finished : July 25, 2020