Kabanata 16

3.1K 302 124
                                    

Note : Unedited.

Kabanata 16 :

Dumating na si Xavin at agad humalik sa pisngi ko na ikinagulat ko.

"Ano 'yon?!" Inis kong tanong sa kaniya. Sinabi ko naman sa kaniya noon na huwag na akong hahalikan kahit kailan. Hindi naman kasi ako si Zean na parang ka fuck buddy niya!

"Happy Birthday!" Bati niya at ngumiti ng nakakaloko sa akin.

Inis at pilit nalang akong ngumiti rin sa kaniya.

"Let's go." Wika niya at nauna ng maglakad palabas ng kwarto ko. Napairap nalang ako dahil sa inis.

Paglakabas namin ng pinto ng mansyon ay bumungad sa amin ang itim na kotse. Binuksan ng nakaitim na suit na lalaki ang passenger seat. Pinauna akong pinapasok ni Xavin sa kotse at sumunod naman siya.

Ilang minuto lang rin ay nakarating na kami sa palace hall. Naunang lumabas si Xavin sa kotse. Pinagbuksan ako ng pinto ng driver. Pagkalabas ko ay inalok nito ang kaniyang braso. Isinukbit ko ang kamay ko roon at sabay na kaming naglakad. Kung makaalok siya ng braso niya akala mo ay gentleman.

May dalawang nakablack suit na lalaki ang nagbabantay sa magkabilang gilid ng malaking pinto. Nang makita nila kami ay pinagbuksan nila kami ng pinto.

Bumungad sa amin ang malawak na loob nito. May mga bilog na mesa sa gitna at marami na rin ang mga bisita. Lihim akong napalunok. Malamang ay may mga matataas na posisyon rin ang mga narito.

Ang sabi sa akin kanina ay makakasalamuha ko ang mga miyembro ng Axidieus kaya sa tingin ko ay may mga simpleng miyembro lang naman ng Axidieus dito.

Nang makalapit kami sa area ng mga tables ay nagsitayuan ang lahat at yumuko na nakaharap sa akin. Grabe ang respetong binibigay nila sa akin ngayon. Ganito siguro ang laging natatanggap na paggalang kay Zean. Malaki ang respeto nila at mataas ang pagtingala sa Prinsesa nila.

Inihatid ako ni Xavin sa bandang unahan na gitna na mesa. Roon akonaupo kasama ang mga magulang ni Zean na binati ako ng beso at ngiti. Umupo sa katabing mesa namin si Xavin na may nakaupong mag-asawa na sa tingin ko ay mga magulang niya. May iba ring nakaupo sa mesa nila na sa tingin ko ay kamag-anak nila.

Ibang style ng black dress na ang suot ng Reyna at naka gray suit naman ang hari. Lahat ng narito ay pormal ang kasuotan.

Ilang minuto lang ay nag-umpisa na ang party. May babaeng emcee na nagsasalita sa unahan ngayon. Binati niya ako at ang mga kasama ko sa lamesa. Matapos ng kaunting pagbati pa para sa panimula nito ay tinawag din niya si Haring Maximus.

Nagbigay ng speech ang Hari at matapos noon ay tinawag niya ako para sumama sa kaniya sa itaas ng stage. Sinabi nitong masaya siyang nagbalik na ako at mukhang masaya rin ang buong miyembro ng Axidieus.

Matapos ng pagbibigay ko ng kaunting talumpati ay pumunta na rin ako sa lamesa namin. Nasa tapat na ako ng lamesa. Naabutan ko ang isang waiter na naglalagay ng wine sa baso ng Reyna. Nasa gilid ko lang ang waiter. May hawak itong tray sa kabilang kamay.

Nakahawak na ako sa upuan at iuurong na sana ito para makaupo ako ng humarap ang waiter sa pwesto ko na nagulat na naging sanhi para mawala ang balanse nito sa paghawak sa tray na my lamang bote ng alak ay mga glass of wine na may laman.

Natumba ang mga nasa tray na ikinagulat ko dahil natapon ang lamang ng baso.

Biglang may tila umihip na hanging sa harap ko. Napakurap-kurap nalang ako ng hindi makapaniwalang makita na lumulutang ang mga wine sa harap ko na muntikan ng magmatsa sa dress na suot ko. Tila napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa nasaksihan ko.

Suicide University (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon