Note : Unedited
Kabanata 26 :
Nagmulat ng mata si Dion at tumingin sa akin. Mapungay ang mata nito at ngumiti sa akin.
"Goodmorning." Aniya na ikinakunot ng noo ko. Agad akong umalis sa pagkakayakap naming dalawa. Umupo ako sa kama.
Sinulyapan ko si Javex na mahimbing pa rin ang tulog sa tabi ko.
"Masyado kang malikot matulog kagabi kaya niyakap kita para magtigil ka sa kalikutan mo." Paliwanag niya sa medyo garalgal at malalim na boses, halatang kakagising lang.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi naman ako malikot matulog.
"Sinungaling." Wika ko na ikinangiti lang niya.
"Dion, bakit hindi na pinalitan ni Dad ang apilyedo ko?" Tanong ko sa kaniya.
Wala na akong lakas ng loob na magtanong kay Dad about sa apilyido ko dahil kapag tinatanong ko iyon kay Dad ay nag-iiba siya ng topic. Parang malalim ang dahilan ni Dad kung bakit ayaw niyang palitan ang apilyedo ko.
"Maybe he still wants to remember your Mom?" Tugon ni Dion.
Yeah, apilyedo ni Mommy ang gamit ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako naging Agiryel at kung bakit hindi na pinalitan iyon ni Dad. Posible ngang gusto pa ni Dad na maalala sa akin si Mommy. Sabi niya rin ay kamukhang-kamukha ko raw ang aking Ina.
May nangyari bang away kay Mom at Dad noong bata pa lang ako kaya naging Detronote ako simula pagkapanganak sa akin?
"Matulog na tayo. Masyado pang gabi para gumising." Aniya at bumalik sa pagkakahiga.
Kahit puno ng katanungan ang nasa isip ko ay pinilit ko na rin na matulog na. Pero kahit anong gawin ko ay hindi na ako nakatulog pa. Gising na gising ang diwa ko at ramdam ko noong umalis sa pagkakahiga si Dion at lumabas ng kwarto. Siguro ay nagCR lang.
Halos kalahating oras na noong hindi pa bumabalik si Dion kaya nagtaka na ako. Hindi rin kaya siya makatulog katulad ko?
Umalis na rin ako sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto para hanapin si Dion. Hindi ko siya nakita sa loob ng bahay kaya naisip kong baka nagpahangin ito sa labas ng bahay. Lalabas pa lang sana ako ng pinto ng may mapansin ako sa 'di kalayuan sa mga puno.
May puting bagay na kaunting nagliliwanag roon kaya nanatili ako sa nakaawang na pinto ng bahay. Sumilip lang ako mula roon at maiging pinagmasdan ang nasa kakahuyan.
Mas naaninagan ko ito ng malinaw. It is a white wings. It must be Dion. Topless ito habang nananatiling nakatayo roon at nakalabas ang pakpak. Nakita kong hawak nito sa isang kamay ang tshirt niya na kulay navy blue. Tanging itim na pants lang ang suot niya.
Nang makita ko ang mga pakpak niya ay naalala ko ang puting bagay na nakita ko sa kwarto niya sa Condo ko. Iyon iyong puting bagay na tinapakan niya. Kaya pala nakaramdam ako ng kakaibang kaba at mabilis na pagtibok ng puso ko noon. Isa siya sa malapit na nilalang sa akin na nakakaalam ng katotohanan tungkol sa akin. At ang tinago niyang puting bagay sa paa niya ay isang feather na mula sa pakpak niya.
Napalunok ako ng bigla itong humarap at mabilis na naglaho ang pakpak niya. Mabilis ang pangyayari ngunit hindi nakatakas sa akin ang mata niyang katulad ng kulay sa akin. It is a shining bright silver gray eyes.
Mabilis na nagbalik siya sa normal kaya agad akong pumunta sa gilid ng pinto para hindi niya ako mapansin. Huminga ako ng malalim at ininda saglit ang init na naramdaman ko sa marka ko bago tuluyang buksan ang pinto.
Hindi ko pinansin ang nakakapasong init na iyon. Tinakpan ko lamang ang leeg ko ng nakaladlad kong buhok at casual akong humarap kay Dion. Unti-unti ay nasasanay na ako sa init na nararamdaman ko sa marka ko.
BINABASA MO ANG
Suicide University (Completed)
Mistério / Suspense"Welcome to Suicide University!" Be ready for your life. Be observant and be alive. You must trust no one, but you can play with anyone. Published : June 19, 2020 Finished : July 25, 2020