Note : Unedited
Kabanata 19 :
Wala akong nagawa kundi sumama kay Xavin. Dahil mas malakas ito sa akin ay nahila niya ako patungo sa kotse niya. Napasakay niya ako roon hanggang sa maibalik na niya ako rito sa condo ko.
Hinatid lang ako ni Xavin dito sa condo at umalis na rin agad. Nagbilin siyang huwag akong lalabas ng condo ko at babalikan niya ako.
Pumunta ako sa kwarto ko. Kakabukas ko lang ng pinto ng bumungad sa akin si Dion na may hinahanap sa cabinet ko. Ikinakunot ng noo ko ang ginawa niya.
"Anong hinahanap mo?" Tanong ko.
Kahapon pa ako nagtataka sa ginagawa ng kapatid kong tila may hinahanap at inoobserbahan ang condo ko. Alam kong ngayon lang siya nakapunta sa condo ko pero parang sobra naman ang pag-oobserba niya sa bawat sulok ng condo ko. Dumating siya rito kahapon at sinabing dito na muna siya titira kasama ko. Mas malapit raw kasi sa school niya. Hindi ako pumayag noong una ngunit napakatigas ng ulo ni Dion at hindi siya sumunod sa akin.
"Just observing your things." He said. Napataas ako ng isang kilay sa pagtataka.
"Your invading my privacy now, Dion. Go back to your room." I said then rolled my eyes.
Napansin ko ang pagkunot ng noo nito. "Why are you here?" He asked.
"This is my condo." I said then rolled my eyes.
"Nagcutting class ka?" Tanong niya sa akin.
"Ah." Tanging nasabi ko. Baka isumbong pa ako ni Dion kay Dad at hindi ako bigyan ng allowance for next month nito. Fuck.
"Ikaw rin! May pasok ka ah!" Panghuhuli ko sa kaniya.
"Ano... wala professor namin!" Sagot niya na halata namang nagsisinungaling.
"Lahat ng professor mo wala ngayong araw?" Taas kilay kong tanong sa kaniya habang nakangisi. Gotcha lil. bro!
"Okay, cutting class tayo pareho. Easy, safe ka kay Dad. Same tayo." Aniya at tumawa.
"Get out." Utos ko dahil nanatili lang siyang nakatayo sa tabi ng nakabukas kong cabinet.
"Nagluto ako ng pangtanghalian." Saad niya.
"So? Labas na." Wika ko. Gusto ko ng magpahinga muna sa kama ko. Masyadong nakakagulat ang nangyari at nalaman ko kanina.
"Thank you. Is that hard to say?" Nakataas ang kilay na tanong niya.
"TY. Alis na." Walang ganang sagot ko at naglakad na ako patungo sa kama ko. Hindi na ako magpaplit ng damit. Gustong-gusto ko nang ipahinga ang utak at katawan ko.
Humiga na ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot. Gusto kong matulog muna.
Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto. Ibig sabihin ay lumabas na si Dion. Dahil sa katahimikan sa loob ng kwarto ko ay nakatulog din ako.
Naalimpungatan ako at nagising ng tanghali na. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kitchen dahil nagugutom na ako.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay bumungad sa akin si Dion na nakasandal sa lababo at may pinaglalaruan na pakete sa kamay.
"Oh shit." Bulong ko sa sarili ko. Hawak niya ang pakete ng dugo na galing sa refrigerator ko! Shit! I forgot to hide those packs! Kaya nga ba ayaw kong tumira siya rito!
"Hey, I saw this yesterday. Can I drink this? Tikman ko lang." Wika niya.
"This looks expensive. Is it juice or wine?" He asked, curious about the red liquid inside the pack.
BINABASA MO ANG
Suicide University (Completed)
Mystery / Thriller"Welcome to Suicide University!" Be ready for your life. Be observant and be alive. You must trust no one, but you can play with anyone. Published : June 19, 2020 Finished : July 25, 2020