Note : Unedited
Kabanata 13 :
"Sana naririnig mo 'ko." Dismayadong wika ng babae sa loob ni Javex.
Itinigil ko ang pagsuklay sa buhok ni Javex at pinanatiling nakapatong ang kamay ko sa ulo niya.
"Who are you?" I asked.
"Y-you can really hear me?" She asked with disbelief. "Please, I'm begging you. Alisin mo ako ulit sa katawang ito kagaya ng ginawa mo noon sa lalaki." Pagsusumamo nito.
Lalaki? Anong tinutukoy niya?
"Shawn....right! Shawn!" She said with a happy tone of remembering it.
"You did it. Napaalis mo ako sa katawan niya pero nalipat ako sa panibagong katawan na nagpakamatay din. Please do it again. I'm begging you." Pagmamakaawa pa niya.
Shawn? Oh! That Shawn! The cousin of Javex.
Kumunot ang noo ko at inalala ang nangyari noong araw na iyon. I heard her said, "Wait. What the fuck." Then after a few seconds I felt the heat from the body of Shawn and came inside my arms. Nakakapaso ang init na iyon.
Honestly, I don't know how I did it to her. I don't know what I did that day. All I can remember is the heat that I felt.
Binalik ko ang atensyon ko kay Javex. Magsasalita na sana ako para kausapin iyong babae ngunit napansin kong gumalaw ang eyeballs ni Javex. Mukhang naalimpungatan siya.
Tinitigan ko si Javex at sinigurado kung nagising ko ba siya o hindi. Hindi naman ito nagmulat ng mata kaya hindi na ako umalis sa pwesto ko sa tabi niya para ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa babaeng nasa loob niya.
Sinuklay ko nalang muli ang buhok ni Javex para mas pahimbingin pa ang tulog niya.
Narinig kong nagbuntong hininga ang babae. "I really look like crazy. I thought you can actually hear me but it seems like you can't." Dismayadong wika nito.
"Maybe your question, 'who are you' is for this guy." Aniya.
Magsasalita na sana akong muli ng mapakunot ang noo ko sa napansin ko na nakapagpatigil sa pagsuklay ko ng buhok ni Javex.Tiningnan kong maiigi ang labi niya.
Tila nagpipigil siya ng ngiti. Unti-unting gumuguhit ng labi nito ngunit pinipigilan niya ito at pilit binabalik sa normal.
Tiningnan ko ng maigi si Javex. Hindi talaga nito mapigilan ang ngiti dahil pansin kong napapangiti na talaga siya. Napangiti ako sa napagtanto ko.
Kinikilig ang gago.
Inalis ko na ang kamay ko at umalis na rin sa kama niya. Tumayo ako at hinarap siyang nagpanggap pa rin na tulog.
Nakita kong kaunti nitong minulat ang mata at nagumpisang tingnan ang paligid. Tika may hinahanap.
I almost rolled my eyes because I know that he is searching for me.
Naglakad na ako palabas ng kwarto niya at bumalik sa sarili kong silid. Humiga ako sa kama at tinitigan ang kisame.
What did I exactly done that time? How did I help that woman to get out of that body? I really don't know!
Oh wait! Bakit ko iniwan si Javex?! Agad akong tumayo at bumalik sa kama ni Javex.
Stupid, Kalix. My plan now is to save Javex but then I left him alone inside his room.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad si Javex na nakaupo sa kama niya at nakangiti habang nakaharap sa TV na nasa harapan niya--mali, sa tingin ko ay sa kawalan siya nakatitig.
BINABASA MO ANG
Suicide University (Completed)
Mystery / Thriller"Welcome to Suicide University!" Be ready for your life. Be observant and be alive. You must trust no one, but you can play with anyone. Published : June 19, 2020 Finished : July 25, 2020