Evil Author is still waving! Breath first before reading this!
Note : Unedited
Kabanata 18 :
Kalix's POV
Kabababa ko lang sa jeep sa waiting shed malapit sa school. Naglakad na ako sa gilid ng daan para makapasok na sa school ko. Nasa kalagitnaan palang ako ng paglalakad ng mapansin ang isang matanda na tumatawid sa gitna ng daan na malapit na sa akin.
Napatingin ako sa sasakyan sa 'di kalayuan. Malapit na ito sa matanda at tila walang balak itigil ang kotse na ikinakunot ng noo ko at ipinag-alala.
Agad akong tumakbo palapit sa matandang lalaki at hinila ito patungo sa gilid ng daan. Napayakap na rin ako sa matanda. Sinundan ko ng tingin ang puti na kotseng mabilis na nakalayo sa lugar na ito.
Nilipat ko ang atensyon sa matandang lalaki. Umalis ako sa pagkakayakap sa kaniya na kasing tangkad ko lang.
"Ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko habang nakahawak sa magkabilang balikat niya.
Ngumiti ang matanda at tumango-tango. "Maraming salamat, Iha." Sincere na sabi nito. Ngumiti ako bilang tugon sa kaniya.
"Saan po ba kayo pupunta? Ihahatid ko na po kayo." Magalang at nag-aalala pa ring wika ko. Mamaya pa naman ang oras ng klase ko. May malalaan pa akong oras para alalayan at masamahan si Lolo.
"Ay nako, huwag na at baka naaabala na kita. Mukhang papasok ka pa sa paaralang iyon." Sabi ng matanda at saglit na tiningnan ang gate ng school.
"Mamaya pa naman po ang oras ng klase ko. Halika na po. Ihahatid ko po kayo." Alok ko at ngumiti sa kaniya. Ngumiti rin ito sa akin at tumango-tango bilang pagsang-ayon.
"Doon sana ako pupunta sa karinderya para kumain pero uuwi nalang siguro ako." Sabi ng matanda.
"Bakit naman po? Halika kumain po muna kayo." Wik ko sa kaniya at mahina siyang hinila patungo sa malapit na karinderya.
"Naku saglit, Iha." Pagpigil ni Lolo na ikinatigil namin sa paglalakad.
"Kanina ko lang kasi nalaman na kulang ang pera ko. Babalik na lang ako sa bahay." Wika ng matanda.
"Ako na pong bahala." Sagot ko at ngumiti. Walang nagawa ang matanda ng muli ko siyang marahang hinila patungo sa karinderya.
"Sabaw at kanin na lang ang sa akin. Ayos na 'ko roon." Ani Lolo at nahihiyang ngumiti.
Tumango na lang ako at pumunta na sa bilihan ng ulam. Iniwan ko si Lolo na nakaupo roon sa tapat ng lamesa.
Nag-order ako ng dalawang kanin at tatlong ulam na beefsteak, menudo at nilagang baboy na maraming gulay. Kinuha ko na ang tray at naglakad palapit sa mesa namin ni Lolo.
"Nako, napakarami naman nito. Ang lakas mo palang kumain, Iha." Wika ni Lolo at bahagyang tumawa. Ngumiti ako sa kaniya.
"Para sa inyo po lahat 'yan." Sabi ko. Inalis ko sa tray ang plato at tasang may mga lamang pagkain ni Lolo at inilagay iyon sa tapat niya.
"Ikukuha ko lang po kayo ng kutsara at tinidor pati na rin po ng tubig." Paalam ko sa kaniya at umalis na. Kumuha ako sa harapan ng kutsara at tinidor na nakalagay sa tila maliit na timbang metal na may maiinit na tubig. Kumuha na rin ako ng isang baso sa tabi nito at naglagay ng malamig na tubig doon mula sa galon na nasa gilid rin.
Bumalik na ako sa pwesto ni Lolo na naabutan siyang nakangiti habang naglalakad ako pabalik sa kaniya.
"Napakarami nito, Hija. Maghati nalang tayo." Ani Lolo.
BINABASA MO ANG
Suicide University (Completed)
Mistero / Thriller"Welcome to Suicide University!" Be ready for your life. Be observant and be alive. You must trust no one, but you can play with anyone. Published : June 19, 2020 Finished : July 25, 2020