Ivani's Point Of View
"Bakit ganun beshy!Tatlong taon na simula nung makipag hiwalay siya sakin pero bat may gulo parin sa isip ko."sabi ko habang naguguluhan kung ano pa bang kulang sakin.
"Hayts.Ganyan talaga pero Huwag ka na mag-alala beshy!Ok lang yan makakahanap ka rin ng lalaking para sayo. Ang dami daming lalaki sa mundo."Sabi sa akin ni Thea ang bestfriend ko since high-school.
"Pero ang sakit parin. Parang di ko na yata kayang umasa." Sabi ko. Pagod na akong umasa.
"Kaya mo beshy!Diba nga sabi Never Give Up! Ok sigi ganto nalang isipin mo beshy yung maganda tulad ko."pabiro niyang sabi.Maganda naman talaga si Thea matangos ang ilong, makinis ang katawan,kulot ang buhok, black ang kanyang mata,may katangkadan at maganda ang kurba ng katawan.
"Saka isa pa beshy graduation na natin next month.Kaya wag ka magpastress.Huwag mo na din kasi balikan pa yung nakaraan. Sayang ang beauty natin nako!At saka diba naniniwala ka naman na--"Naputol ang sasabihin niya dahil sinabayan ko siya.
"The right Guy, will come at God's perfect time."sabay namin na sabi at natawa nalang kaming dalawa.
"Siya uwi na ko beshy.Basta yung sinabi ko babush!"Sabi ni thea kaya inayos nya na ang gamit niya.
"Sigi Ingat beshy!"Sabi ko sa kanya at binesuhan siya.
"Ivani!Anak di ka pa ba tapos baka malate ka sa graduation mo."Sabi sa akin ni nanay.
Na sobrang excited pa sakin."Eto na po nanay!pababa na po ko."At nagmadali na akong bumaba.
"Nako!Ang anak ko ga-graduate na sa kolehiyo."Masaya nyang sabi na parang maiiyak pa.
"Nay!huwag umiyak sayang ang make up mo ang ganda pa naman."Patawa kong sabi.Maganda talaga ang make up ni nanay. Kahit simple lang ay bagay sa kanya naka nude na lipstick and light na make up lang ang ginawa niya. Pero nag kulot pa si nanay di naman niya pinag handaan tong araw na to.
"Ito talaga oh.Panira ng moment siya tara na nga. Baka mahulas ang make up ng nanay mo."Kaya kaming dalawa ay tumawa at tuluyan ng umalis sa bahay.
Andito na kami ngayon sa school. Kung saan lahat ng student at parents ay pina-pwesto na.Magsisimula na ang graduation.
"Here's are graduating students batch 2016-2017
Ann Rose Sales, Natasha Meanne Siro, Cassandra Olivares, Thea Denisse Torres...
And our Valedictorian Ivani Beckett Smith." Agad kaming nagpunta ni nanay sa stage para lagyan ako ng medalya.Ang mga tao ay nagsipalakpakan.Di ko inexpect na nakatapos na ko ng Bachelor Of Science In Business Administration.At naging valedictorian pa bongga!Natapos ang graduation ceremony.
Nagpunta kami sa restaurants ni Nanay para kumain. At umuwi na pagdating namin sa bahay."CONGRATULATIONS!"At may nagputukan pang confetti.Sila tatay at mga kapatid ko nandito.At iba pa naming kamag anak. Ang saya nagulat ako dahil nandito sila at nakauwi na sila.Namiss ko sila kaya ako eto napa iyak sa sobrang saya at niyakap ko agad sila.
"Thank you po sa inyong lahat."Sabi ko
at kaming lahat ay kumain.Lumipas ang ilang buwan. Ngayon ako ay nagtratrabaho na. At kasama si thea, Sa Amaris Company kami na punta. Na ang sabi nalulugi na daw kasi walang nag ma-manage.Diba ang daming pwedeng company pero dito ang pinili namin para may thrill.
"Pay attention please."Sabi ng secretary sa amin.Kaya na pukaw ang atensyon naming lahat sa kanya.
"Okay!Dadating sa thursday ang mag ma-manage dito sa Amaris Company."
"Yeeees!"Kitang kita ang tuwa ng mga co- workers.
"But, wala siyang alam sa pag manage ng business."Sabi nito kitang kita ang pagkagulat ng mga co-workers ko.Bakit kasi mag ma-manage ang walang alam sa business ano to laro.
"Ang mag ma-manage kasi nito ay ang anak ng may ari ng Amaris Company. Kaya wala ng reaction basta sundin nalang natin kung ano ang papagawa niya.Okay!That's it Back to work."Sabi nito habang ang mga co- workers namin ay di parin makapaniwala.
"Grabe! Bat kasi yun pa ang mag ma-manage kung wala naman palang alam sa business. Hayts."Inis na sabi ko
"Okay lang yan beshy!Malay mo naman gwapo."Sabi ni thea habang nakatingin sa taas iniisip kung gwapo nga ba. Pero wala akong paki kung gwapo man siya bakit mukha niya ba ang gagamitin sa pag business.
Tapos na ang trabaho namin.Kaya umuwi na kami ng diretso sa bahay kasi naman nakaka-stress ang sinabi ng secretary kanina.
Hayts.Ang aga namin pinauwi.Wala si thea ngayon day off kaya ako lang ang magisa. Kaya na pagisipan ko na magpunta muna sa simbahan.
Nandito na ako ngayon sa simbahan buti nalang walang traffic himala.
At may biglang lumapit saking bata."Ate.Ate bili ka na po ng kandila limang piso lang po."Sabi ng bata habang binibigay sakin ang mga iba't ibang kulay ng kandila.
"Bat iba iba ang kulay ng kandila nyan bata?"Nag tataka kong tanong.
"Kasi po ate may iba't iba pong ibig sabihin ang mga kulay ng kandilang ito.Tulad na lang po nitong puting kandila ang pag amin sa kasalanan,ito pong asul na kandila ang pasasalamat sa biyaya at eto naman pong pulang kandila ay hihiling ka kay God tungkol sa love.Kaya ate bili ka na para magkalovelife ka."sabi nito.Ganun ba talaga ka halatang wala akong lovelife kaloka.
"Hahaha!Sigi na nga pabili ako tag i-isang kulay.Isang puti,isang asul at isang pula."
"Sigi po ate, Eto na po."Binigay sa akin ang tatlong kulay ng kandila.
Binigay ko ang Isang daang piso. "Keep the change."Sabi ko at binigyan ko siya ng ngiti. Nakaka hanga lang dahil kahit bata pa lang siya ay nag hahanap buhay na siya.
"Salamat po ate."Sabi ng bata at nginitian ko.
Pumasok na ko sa loob ng simbahan at sinindihan isa isa ang kandila inuna ko ang puti at sumunod at ang asul. Hinuli ko ang pulang kandila at sinabi Lord,sana po magkaroon na ko ng tunay at tapat na lalaking mag mamahal sa akin.Bigyan niyo po ako ng sign Lord.Pagdilat ko ng mata ko ay nakita ko ang lalaking nakapikit na nasa harapan ko. Agad agad po Lord, siya na po ba ang lalaking para sakin.In fairness ang gwapo niya moreno ang kulay niya, ang tangos ng ilong, yung buhok niya ang linis tignan,yung katawan niya halatang halata na malaki dahil sa suot niyang long-sleeved at ang tangkad niya.Grabe ang gwapo naman nito kahit na ka pikit siya.
Nagulat nalang ako dahil dumilat na siya at nakita niyang nakitingin ako sa kanya. Kaya ako eto nag kunwaring nakatingin sa iba.At tuluyan na siyang umalis.Siya na ba?Siya na ba ang perfect guy?
___________
God bless❤️

YOU ARE READING
God Sent (Completed)
Fiksi UmumSi Ivani ay naniniwala sa salitang"The right guy, will come at God's perfect time." Makakahanap kaya siya ng right guy? Kelan kaya ang perfect time? Date Started:June 20,2020 Date Finished:June 25,2020