Chapter 5

147 11 1
                                    

Ivani's Point Of View

"Pinatawag ko kayong lahat para sabihin na bibigyan ko kayo ng 3days.Para ma present niyo sa akin ang magandang tag line natin at style nito para sa perfume.Dapat may mapili akong maganda.Dahil yan ang binigay na product sa atin."Sabi ni Asher samin.




Habang kami ay gulat dahil 3days lang ang ibibigay niya samin para gumawa ng tag line at Style ng perfume.





"Okay maari na kayong bumalik sa trabaho."Sabi ni asher samin kaya kami ay nag sipuntahan na sa trabaho namin.




"Beshy!Grabe naman yan si Sir kaka gg. Biruin mo mamadaliin niya tayo sa paggawa."Inis na sabi ni thea




"Oo nga e.Pero wala tayong magagawa beshy!Siya ang boss e."Sabi ko nalang




Nandito na ko sa bahay ngayon at nag uumpisa na kong mag isip ng tag line na pwede sa perfume.



"Ang amoy na di niyo makakalimutan  Ang Amaris Perfume."whaaaa grabeee ang pangit ano ba naman yan.Ivani galaw galaw




Unahin ko na nga lang muna gawin ang style ng perfume.Then bukas na yung tag line. Bakit naman kasi sa dinami daming i-aasign samin perfume pa.





Buti nalang hindi ako nalate kung di patay na ako kay Sir nito pag nagkataon.Hayts. Nakaka antok halos 5hrs lang ata tulog ko.




"Okay.Pay attention please papaalala ko lang na tomorrow na ang pag present sa akin ng style and tag line ng perfume.Kaya mag ready kayo."Sabi ni Asher samin at dumiretso na sa kanyang opisina.





"Beshy!Tapos na ko sa style mamaya ko na tatapusin yung tag line."sabi ni thea




"Kaya mo yan beshy!Figthing!"Sabi ko naman para lumakas ang loob niya.




Nandito na ako ngayon sa bahay at nag re-ready na ko kung paano iprepresent ang ginawa ko.Kinakabahan ako para bukas. Sana kayo na po bahala sakin bukas Lord.





Ngayon na ang araw ng pag present namin kay Sir.Kinakabahan na ako.





"Beshy! Kinakabahan ako baka mamaya di magustuhan ni Sir."Nangangambang sabi ni thea.




"I feel you beshy!Kahit ako din.Huhuhu!"



Nandito na kami ngayon at nag sisimula na mag present ang mga co workers ko.




"The Fantasy Of Desire Sir yan po ang naisip kong tag line."Sabi ng isa kong co workers.



"That's it? Para sa akin di siya maganda." Sabi ni asher na nakasimangot pa.



"Pero Sir-"di pa natatapos magsalita ay agad ng nagsalita si Asher.



"Wala nang pero pero para sa akin di siya maganda at parang di papatok.Okay next." Sabi ni asher.Grabe siya makalait di niya pa nga pinakikinggan ano siya.





"There is no future without perfume"
Sabi ng isa ko pang co workers.




"Di maganda!"Sabi ni asher na pinukpok pa ang kamay sa desk.Kaya bumalik na sa pwesto ang co worker ko.


"Next!"Sabi ni asher.Si thea na pala ang sunod.



"Capture attention with delicate fantasy." sabi ni thea na halata sa mukha niya na kinakabahan siya.




"Masyadong gamit na yang salita."Banat ni Asher.



"Pero, Sir."Sabi ni thea nakakainis tong asher na to ha!Napaka sama ng ugali lahat na ata hinusgahan niya kala mo naman may alam sa business.Konting timpi pa Ivani.



"Sitdown!"Pasigaw na sabi ni Asher.Kaya bumalik na si thea sa pwesto niya.



Wala pang sinasabi si Asher ay pumunta na agad ako sa harapan.



"Believe in yourself, Believe in your perfume''(The Passion that never let go) sabi ko.



"Teka nga!akin na nga lahat ng gawa niyo! Para maitapon ko mga walang ka kwenta kwenta!"Galit na sabi ni asher.



"Sir, pasensya na po ha!Pero sobra na po kayo!Alam niyo po ba na pinag hirapan at pinag puyatan namin lahat yan.Di niyo man lang po nirespeto ang mga employees niyo. Di mo man lang pinakinggang bago kayo mag react.Sorry po Sir ha!Kaso nakakainis lang po talaga kasi.Kung kayo kaya ang gumawa?"Di ko na napigilan ang sarili ko nasabi ko na ang lahat at inis na inis na ko.



"Really?Inuutusan mo ako?At ang lakas ng loob mo na ganyanin ako ah!"Pasigaw niyang  sabi ni Asher. Pero di ko siya sinagot.



"Kaya nga kayo binabayaran dito para magtrabaho diba!Kung nag rereklamo kayo wag nalang kayo magtrabaho!"Inis na sabi ni Sir at tuluyan ng lumabas.




Yung mga co workers ko ay natuwa pa sa ginawa ko sabi pa nila ang lakas daw ng loob ko sana sila din.




"Beshy!Iba din ha!Alam mo ba kanina habang nag aayaw kayo para kayong magasawa!Hahahaha!"Pabirong sabi ni thea.





"Loka ka!Kaka irita naman kasi diba!"Sabi ko.Nabawasan tuloy yung points niya sakin kaasar.Hayts So ngayon di ko alam kung matatanggal ba ako dahil sa ginawa ko kanina bahala na.


__________
God bless❤️

God Sent (Completed) Where stories live. Discover now