Chapter 25

63 3 0
                                        

Ivani's Point Of View

Lumipas na ang dalawang buwan pero wala padin mahanap na kidney donor.


Tinanong ko din kung pwede ba ako pero hindi. Kitang kita ko ang pag babago ng aking asawa. Hinang hina na siya.


"L-love hindi ko na k-kaya." Hirap na sabi niya.


"Love. Please huwag kang susuko. Bigyan mo pa kami ng ilang araw gumagawa na kami ng paraan. Basta wag ka lang sumuko tatagan mo ang loob mo. Ayokong mawala ka sa buhay ko. Di ko kaya yun. Please lang love."Pag mamakaawa ko pinunasan ni Asher ang luha ko. At tumango hirap na siyang magsalita.



Lord, tulungan niyo po ako, sana po magkaroon na ng kidney donor. Para po gumaling na ang asawa ko di ko po kayang mawawala siya sa buhay ko. Parang awa niyo na po Lord.


Lumipas ang ilang araw ay na hanapan na ng kidney donor si Asher.


Kaya sinimulan na siyang operahan. Naging successfull ang kidney transplant ni Asher. Kaya ngayon nag papahinga na lang siya. Sabi ng Doctor ang tapang daw ni Asher dahil nilalabanan niya ang sakit. Kaya Lord, thank you po.


"Love! Thank you dahil di mo ko iniwan. Thank you dahil pinalakas mo ang loob ko nung panahon na hinang hina na ako." Sabi sakin ni Asher.


"Love. Syempre naman asawa kita e. Saka diba sabi ko sayo sa hirap at ginhawa lagi tayong magkasama. Mahal na mahal kita Love ayokong mawala ka sa buhay ko."Sabi ko.

"Mahal na mahal din kita,Love."Sabi niya



3 buwan din ang lumipas simula nung nakalabas si Asher sa hospital. At maganda na din ang kanyang pangangatawan unti unti ay bumabalik na kami sa dati.


Pero nag papa check up padin kami sa doctor.Para malaman ang lagay ni Asher.


5 years later.Limang taon na din kaming magasawa ni Asher. Sabi ng doctor cancer cured na daw si Asher. Kaya sobrang tuwa kami.


Kinasal na din Sila Andrew And Thea nung nakaraan taon and buntis na siya. Sana ako din maging mommy na yun na lang kasi ang kulang.

___________
God bless❤️

God Sent (Completed) Where stories live. Discover now