Chapter 28

84 3 0
                                        

Asher' Point Of View

Nandito ako ngayon sa hospital na wala ng malay si Ivani.

Ang sabi ng doctor ngayon na daw nila papaanakin si Ivani dahil malala na ang sitwasyon.i-cesarean lang daw si Ivani. Malala daw ang lagay nila ngayon. Dahil 8 months palang si Ivani.


"Asher.kailangan mo ng mamili kung sino ang ililigtas sa magina mo."Sabi ng doctor sakin.


"Doc, di po pa ba pwedeng sila nalang pareho?" Sabi ko


"Sorry Asher but, ginawa na namin ang best namin. Kailangan mo ng mamili or esle silang dalawa ang mawawala." Sabi ni doc.


Gusto kong piliin si Ivani at gusto ko din piliin si baby. Pero ang gusto ni Ivani si baby ang piliin kung ano man ang mangyari. Pero ayokong mawala ang babaeng mahal ko. Nahihirapan akong mamili.

"Bago mawalan ng malay ang asawa mo. Sinabi niya na wag mo nalang daw siyang piliin mas magiging masaya daw siya kung ang baby niyo ang piliin."Dagdag ni Doc.


"Doc, pwede ko po ba munang puntahan ang asawa ko."Sabi ko at pumayag naman si doc.


"Love! Mahal na mahal kita sana wag mo yun kalimutan. Ikaw lang ang babaeng pinaka mamahal ko. Di ko kayang di kita piliin."Nagulat ako ng magising si Ivani.


"L-love mahal na mahal din kita. Pero ang gusto ko ang baby natin ang piliin mo. Ipangako mo sakin. Ipangako mo na iingatan mo siya at mamahalin. Di ko kayo makakalimutan love. Di parin ako mawawala sa tabi niyo.Ipangako mo." Sabi ni Ivani sakin.


"P-pangako."Tuluyan na akong lumuha. At hinalikan ko si Ivani sa huling sandali


Nag uumpisa na ang operasyon at tulad ng sabi ni Ivani sakin si baby ang piliin ko. Ang sakit sa puso.


Dahil mawawala na ang babaeng pinaka mamahal ko. Ang babaeng ipinadala sakin ni God. Nagantay ako ng tatlong oras bago natapos ang operasyon. Pinuntahan ko si Ivani at niyakap ng mahigpit wala na ang asawa ko.


Di matigil ang akin pag iyak. Habang ang aking baby Jenika ay nasa incubator.


Nilibing na din namin si Ivani.


"Di parin ako maka paniwala na wala ka na mahal ko. Alam kong masaya ka na dyan eto nga pala ang baby natin Ivani. Si Baby Jenika pangako aalagaan ko si baby. Basta gabayan mo kami palagi. Mahal ko."

___________
God bless ❤️

God Sent (Completed) Where stories live. Discover now