Si Ivani ay naniniwala sa salitang"The right guy, will come at God's perfect time."
Makakahanap kaya siya ng right guy?
Kelan kaya ang perfect time?
Date Started:June 20,2020
Date Finished:June 25,2020
Whaaaa! Bakit ako ang napili!Wala pa naman akong alam sa pag momodel chuchu!Pero totoo ba yun okay lang kay Asher na ako ang kasama niya.Enebeeeee! Baka lalo akong ma fall sayo niyan!Sa friday na ang start ng pag shoot namin.Good luck nalang sakin.Oh!My!Gosh!malapit na pala umalis si Asher sa company pano yan? Huhuhu!Parang di ko yata kaya na wala siya! Help me!
Ngayon na ang start ng aming shoot. Ngayon ay inaayos na nila ako.
Kinakabahan nga lang ako sa ipapagawa sa akin.hayts kayo na po bahala! And sana di ako mapahiya kay asher.
"Okay!Mag start na tayo."Sabi ng photographer.
"So.Okay Asher and Ivani punta kayo dito. Then magdikit kayo ng konti. Tapos ikaw Asher ilagay mo sa kaliwa ang hawak mo. Then ikaw Ivani hawakan mo yung libro yung parang yayakapin mo ganun. Then tingin lang kayo sa side. Tapos ikaw Ivani ngumiti ka ng konti."Sabi ng photographer. Ang dali lang pala ng gagawin e. Pero na kakailang padin. Grabe!kaya mo yan self.
"1,2,3,click.yan grabe ang ganda."Tignan niyo.
Lumapit kami at tinignan oo nga maganda kahit na naka wig ako hahaha!Pero oh! My! Ang gwapo ng Asher. Self kalma! Ang ganda talaga grabe.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Okay.Next ganto sakay kayo sa sasakyan. Tapos kayong dalawa umupo kayo sa harapan. Then ilapit niyo ang mukha niyo sa isa't isa."Sabi nito.
What! Nakakahiya!Parang di ko kaya to. Lumapit na kaming dalawa at naamoy ko na siya ang bango niya.
"Lapit ka pa Ivani konti pa." Dagdag niya. Pero konting lapit ko nalang mahahalikan niya na ako. Whaaaa! Grabe! Di ko kineri!
"Yan Ivani ngumuti ka sa kanya Then isipin mo Asher Hahalikan mo si Ivani. Yan ganyan.okay wag kayong gagalaw."Grabe naiilang na ako sa kanya!
"1,2,3 click good take.ang ganda tignan niyo ulit." Kaya kami ay lumapit sa photographer.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Grabeeee! Di ko na ata kaya to! Bagay na bagay kami! Ang dami din namin iba pang pinicture pero yan ang mas malala inabot na kami ng gabi.
Pero okay lang dahil atleast na tapos na.
"Okay. guys! Maaari na kayong umuwi late nadin." Sabi ni Asher. Kaya ang lahat ay nag ayos na.
Asher's Point Of View
"Beshy!hahatid ako ni Andrew sa bahay nag text siya. Gusto mo sabay ka nalang samin?" Tanong ni thea kay Ivani.
"Hindi na beshy!okay lang ako nalang uuwi. Mauna kana." Sabi ni Ivani kay thea.
"Sure ka?" Tanong nito.
"Oo naman beshy! Sigi ingat kayo." Sabi nito.
"Ikaw din beshy!" At nagbeso na sila.
"Ah! Ivani. Gusto mo hatid na kita?"tanong ko sa kanya.
"Ah! Wag na okay lang."Sabi ni Ivani.
"Di hatid na kita mamaya mapano ka pa. Late na din o."Pamimilit ko. Kaya napapayag ko siya.
Nandito na kami sa labas ng bahay niya. Ng biglang kumulo ang aking tiyan.
"Gutom ka na?"Sabi ni Ivani
"Ah. Eh. Oo e."Nahihiya kong sabi.
"Sigi halika! Kain ka muna dito. Pagluluto nalang kita. Ako din e. Nagutom."Pagaalok niya. Kaya ako ay pumasok na sa bahay niya.
"Ikaw lang magisa dito?"Tanong ko
"Ah. Oo e. Si nanay kasi nandun sa probinsya nag bakasyon sila."Sabi ni Ivani.
"Upo ka muna dyan hahanda lang ako ng makakain."Kaya umupo muna ako.
Maganda ang bahay nila Ivani malinis. Ang dami niyang pictures na nakadisplay ang ganda niya talaga.
"Kain na tayo."Pagaaya ni Ivani
"Ah. Sigi. Sagot ko."Kaya kami ay kumain na.
"Ang sarap mo palang magluto pwede ka ng magasawa." Pabiro kong sabi. Kaya nabulunan siya. Nagulat ata siya
"Ho! Hoo! Ehem!.. "
"Ivani eto tubig. Sorry sa nasabi ko."Dagdag ko.
"Okay lang ano kaba. Baka may nakaalala lang sakin." Sabi ni Ivani.
"Thank you. Sa dinner ha. Wag kang mag alala next time lulutuan din kita."Sabi ko
"Sigi ba. Sabi mo e. Aasahan ko yan ha." Pabiro niyang sabi.
"Oh. Sigi pano una na ako."
"Ah. Sigi ingat ka sa pag drive."Sabi niya.
Kaya lumapit ako sa kanya at idinikit ang pisngi ko sa pisngi niya. Nakinagulat niya.
"Oh. Sigi bye." Dagdag ko.
ASHER! nakakahiya yung ginawa mo ano kaba di ka nagiisip. Hayts.