Chapter 13

2.9K 99 5
                                    

Chapter 13

Sinama ako ni Gray sa pagpunta ngayon sa orphanage ang sabi niya taon-taon din niya ito ginagawa of course kasama si Lau. I rolled my eyes for that. Gray pouted and he immediately added words again."She's the owner, Sam."he reasoned out.

"Whatever, Gray."kumapit ako sa braso niya."That will change now. I'm here so every year will go here together!"I chuckled.

He stared at me for too long before he smiled."Yeah."

"GRAY!"natanaw ko na agad si Lau na kumakaway sa asawa ko malamang.

May mga kasama itong bata at mukhang tuwang-tuwa kay Lau. Why? Tingin ba ng mga bata na 'to na santa santita si Lau? Tss. Kawawang mga bata.

"Kuya Gray! Kuya Gray!"

Nagsitakbuhan ang mga bata papunta saamin at yumakap kay Gray.

"Bakit po hindi kayo nagsabay ni ate Lau pumunta ngayon?"

"Well I bring someone with me."Gray grinned.

"Po? Sino po itong kasama mo, kuya Gray?"

"Oo nga! Ate ganda anong pangalan mo?"bumaling silang lahat saakin.

Matamis akong ngumiti sa mga bata at medyo yumuko para matignan sila ng maayos.

"Hi kids! I'm ate Sam!"pakilala ko.

"Ate Sam? Girlfriend ka po ba ni kuya Gray?"

Biglang ipinulupot ni Gray ang braso sa baywang ko at hinila palapit sakanya.

"She's actually my wife, kids."tumatawang sabi ni Gray sa mga bata, siya na ang sumagot.

Napa'o' naman ang mga bata saamin.

"Ang ganda po ng asawa mo, kuya Gray!"

"Ay! Wife? Paano na po si ate Lau?"

Buti na lang ay bata ito kundi baka pinatulan ko na ito kanina pa.

Mas maganda naman ako kay Lau at de hamak na mas bagay na maging asawa ni Gray.

"Kids! Sinong mas maganda samin ni ate Sam niyo?"biglang singit ni Lau na ngayon ay umeepal na.

Napaisip ang mga bata at hati ang opinyon.

We spent our whole day here in orphanage. Nakipaglaro ako sa mga bata at tumulong sa feeding nila. I tried to help them sa pagtuturo ng education sa mga bata. Magiliw sila at masipag mag-aral.

I was busy with the kids while Lau...I think was busy flirting with my husband.

Napapailing na lang ako at ibinaling sa mga bata ang atensyon.

"Ate Sam! Ate Sam!"

"Yes?"nakangiting tanong ko dito at nilapitan ang batang babae.

"Drinawing po kita!"masayang deklara niya.

"Wow! Patingin nga!"

Magaling magdrawing ang bata at kamukha ko nga hindi lang maayos pero maganda naman siguro kailangan lang practice.

"Ang ganda! Mahilig kang magdrawing?"I asked her.

"Opo!"she beamed happily.

Tinanguan ko siya at lumapit na ako sa mga namamahala dito sa orphanage.

"Aalis po muna ako saglit. May bibilhin lang."paalam ko.

"Ano po ba iyon, Miss Samantha? Baka puwede pong iutos na lang natin sa mga lalaki dito?"

Taste of HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon