Chapter 22
Naalimpungatan ako na wala sa tabi ko si Gray. I instantly search for him around our room. Pero wala siya doon.
Hindi ko alam kung bakit pero naisipan kong lumabas pa para hanapin siya. Kahit na baka nauhaw lang siya at bumangon para kumuha ng tubig sa baba. But then there's something inside me that urge me to look around inside the mansion. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan.
My mind tells me to go downstairs at tignan siya sa kusina at baka nandoon lang siya.
But my feet walk straight at where our guest's staying.
Nangunot ang noo ko nang makitang maliwanag pa ang kwarto, kita ang bukas na ilaw sa baba ng pinto na may kaunting siwang at masisilip kung sakali.
I heard voices. Kaya mas lalong nangunot ang noo ko. Dis oras na ng gabi kaya paanong gising pa sila? Every one in this mansion is in deep sleep, mahihimbing na ang tulog. Kaya paanong ang kwarto ni Jenna ay may naririnig pa akong mga boses.
"This is wrong."I heard Gela's voice.
"What!?"the other woman whispered dramatically."Naaawa ka sa babaeng iyon? Oh great! Wag mong sabihin pati ikaw, Gray? You know what she did to my family she ruined us, she ruined my brother. At hindi lang ako at pamilya ko. Diba pati ikaw Gray? She don't like you before. Pero ngayon...na nagbago na ang itsura mo ay biglang gusto ka na niya? How sure are you, Gray that she really loves you? Hindi kaya pinapaikot ka nanaman niya na madalas niyang gawin sa lahat? Gusto niyang siya ang bida at niluluhuran ng lahat. She is a spoiled brat!"nahimigan ko na kung sino ang may-ari ng boses na iyon. It was Jenna. Hindi ako makapaniwala na sa likod ng mahiyain at maamo niyang mukha ay isang babaeng may kasamaan ding itinatago. Her tone and the way she spoke. Galit ang nahimigan ko.
"Galit ako kay Samantha dahil inagaw niya si Gray saakin. But, Jenna, this is too much! Hindi ko alam na may ganito kayong usapan ni Gray. I thought you just hated Samantha kasi siya ang pinili ni Gray."sandaling tumahimik nang magsalita si Jenna. And I can't really believe that I'm hearing this, at si Jenna pa talaga ang nagsasabi."What exactly did you promise to Jenna, Gray? Pinagplanuhan niyo bang paghigantihan si Samantha? All along akala ko galit ka lang kay Sam, Jenna, dahil kay Gray. Dahil siya ang pinakasalan ni Gray pero may mas malalim pa pala na rason."
Parang hindi ko na kakayanin ang mga susunod ko pang maririnig sa silid. Gusto kong umalis at bumalik sa silid namin ni Gray pero walang sapat na lakas ang mga binti ko para igalaw iyon. Napatakip ako sa bibig ko sa takot na baka makalikha ako ng ingay at malaman nilang nasa labas ako at rinig na rinig ko ang lahat ng pinag-uusapan nila.
Sa sobrang pagkagulat at pagkabigla ay hindi ko agad naproseso ang lahat ng mga napakinggan ko sa loob ng silid na iyon.
"Hindi ba ang totoong rason kung bakit pinakidnapped si Gray noong bata pa tayo at napilitan siyang itago at baguhin ang sarili ay dahil kay Samantha!? Nakakalimutan niyo na ba iyon?"
"Lower your voice, Jenna!"saway ni Lau."Baka marinig ka!"
"They have to know! Your parents have to know!"madiin at galit na sambit ni Jenna.
"Na si Samantha ang dahilan kung bakit dinanas mo ang mapait na nakaraan na iyon, Gray! Huwag mong kalimutan!"
"T-tama na, Jenna. M-mali ito. Mali!"Gela's trembling voice spoke.
"Hindi maling gantihan siya, Gela! Kung tutuusin kasalanan niya lahat kung bakit nagkapeste-peste ang buhay namin ni Gray!"nangingiyak na ngayon ang boses ni Jenna.
"Si Gray pinadukot at pinagbantaan ng mga Ramos! Dahil nagkakagusto ang anak nila kay Samantha kaya nagawa nilang ipadukot at pagbantaan ikaw Gray dahil kay Sam. Sa kagustuhan nilang ang anak nila ang mapansin ni Samantha at hindi ikaw."
BINABASA MO ANG
Taste of Heaven
RomanceMajestic Five(1) She can't never believe that she would known the taste of heaven in Gray's lips. Ang lalaking kahit kelan ay hindi niya inakalang magbibigay ng bilyong-bilyong boltahe ng kuryente sa katawan niya at magpapabilis ng tibok ng puso niy...