Chapter 27
Hindi ako makatulog sa kakaisip kung bakit hindi pa pinipirmahan ni Gray ang annulment paper namin. Is he that busy?
Napabuntong hininga ako at tumagilid, I am laying in his bed. Samantalang sa labas naman sila, sa sala natulog. Hindi na bumiyahe pa pauwi ang mga kaibigan niya lalo na at bumabagyo katulad ko dito na din sila nagpalipas ng gabi.
Kinabukasan ako ang pinakahuling nagising. Kumpleto silang lahat sa kusina nang madatnan ko.
"Goodmorning, Sam!"bati nilang lahat nang lingunin nila ako.
"H-hi. Sorry nalate ako ng gising."I said shyly.
"Ayos lang, Mrs. Salazar."ngiti ni Fox.
Mahina akong napasinghap ng tawagin niya ako sa ganoong pangalan.
"Ah..."bigla ay hindi ko na alam ang sasabihin sakanya.
"Kumain kana. Ang asawa mo ang nagluto ng almusal."he continued.
Lumunok ako.
"Kumain kana, Sam. May tinatake ka pa bang gamot?"si Gray iyon.
Tumango ako.
"Then come here and seat down."tawag niya.
Lumapit ako doon at naupo. Nilapag niya ang isang plate na may lamang pagkain sa harap ko.
"How's your sleep? Kumportable ba?"he asked.
Biglang umalis sa kitchen sila Fox at naiwan kaming dalawa ni Gray.
"Ah, oo. Hindi nga lang ako nakatulog agad."I smiled at him."Kumain na ba kayo? Where did they go?"
"Uuwi na sila habang hindi pa inaabutan ng ulan."he answered.
"Ah..."iyon lang ang tangi kong nasabi.
"How are you, Sam?"pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan sa amin.
"I'm fine. Ikaw?"
"I've been through hell for the past nine months, Sam I ain't gonna lie about it."sagot niya.
"I'm sorry about what happened to your family. Mahirap din saakin ang pagkawala ni Mommy Guadalupe. Kaya siguradong mas mahirap sainyong tanggapin iyon."malungkot na naisatinig ko.
"You're right. It was really hard to accept that I lost both of you."
Natigil ako sa pagsubo ng pagkain.
"Kamusta kayo ni Niall? Are you planning to be wedded? I'm sorry hindi ko pa napipirmahan ang annulment paper natin. It's in my office."he then change the topic."You have a cute daughter. Adopted?"his voice is dripping with bitterness.
Si Chimmy ba ang tinutukoy niya?
"Si Chimmy? Uh, she's not my daughter. Pamangkin siya ni Alona. She just really loves calling me mommy kaya hinayaan ko na."I explained.
"And how about Niall? She called her daddy."
"Ah. Yeah. Naging malapit na saamin si Chimmy kaya naispoiled na din sa lahat ng gusto ang bata kaya hinayaan na naming tawagin kaming ganoon ni Niall."
"If we had our own baby. Will you spoil him too like how you spoiled that kid?"seryoso siya ng tanungin iyon kaya halos malaglag ako sa kinauupuan ko.
Hindi ito ang inaasahan ko na pag-uusapan namin pag nagkita kami pagkatapos ng ilang buwan ang lumipas.
"Well..."napalunok ako."Of course I'll spoil my own child. Anak ko iyon e."
"That's...good to hear, Sam."he nods.
BINABASA MO ANG
Taste of Heaven
RomanceMajestic Five(1) She can't never believe that she would known the taste of heaven in Gray's lips. Ang lalaking kahit kelan ay hindi niya inakalang magbibigay ng bilyong-bilyong boltahe ng kuryente sa katawan niya at magpapabilis ng tibok ng puso niy...