Welcome to Matrix Online! Choose your avatar.
Nabuhayan ako ng loob nang marinig ko ang voiceover. Nanonood ako ng mga sample trailer ng mga online games. Nasa harap ako ng computer ko at mahigit tatlong oras na din akong nakababad—naghahanap ng bagong game na malalaro. Nagsasawa na ako sa PUBG at Life after. Sinubukan ko na lahat ng video game at vr online games pero wala talagang swak sa panlasa ko. Naghahanap ako ng mas astig! Hindi naman sa sinasabi kong hindi astig ang ibang online games. Mas gusto ko lang talaga ng bago.
A life-changing game that will bring you to a whole different universe! Are you ready?
"Shoot! Shoot the target!"
Malalakas na pagsabog naman ang umaalulong sa background. Mga putukan at mga taong nagtatakbuhan. Ang ganda ng graphics. Ang linaw linaw, mukha talagang mga totoong tao ang nasa game. Maganda ang game design di gaya ng ibang game.
"Help him!"
"The camp is under attack!"
Are you willing to take the risk?
Nanindig ang balahibo ko dahil sa intense at heavy music. Bagay na bagay nga sa laro. The game itself looks thrilling and fun.
Do you wanna be our new challenger?
Ilang mga cut scenes ang pinakita sa video. Mga umiiyak na african kids, mga may sakit na matatanda at mga nagtitiliang mga nanay.
"Terrorists are approaching!"
"Hold your fire! Hold your fire!"
*Kringggg*
Naputol naman ang exciting na panonood ko nang tumunog ang cellphone ko. Isang hindi pamilyar na numero ang nagflash sa screen ng cellphone ko. Pinindot ko muna ang pause button ng video bago sinagot ang tawag. Hindi ko ugaling sumagot ng mga tawag pero naistorbo nito ang panonood ko. This should be important. Tsk.
"Hello?"
(Hello Freya! You won't believe what I just saw!)
"Bakit? Ano ba yun?", iritadong tanong ko. Ayaw na ayaw kong naiistorbo ako pag nagcocomputer.
(Nakita ko yung crush mo! Yung matagal mo nang kinukwento sakin! Balita ko sa school na natin yun mag-aaral!)
Inilayo ko ng bahagya sa tenga ko ang cellphone dahil sa lakas ng boses nya. Daig nya pa ang may built in megaphone sa lalamunan. Ilang segundo ding patili-tili ang kaibigan kong maharot.
"Masakit na sa tenga Evie", mahinahong sabi ko.
(Ay sorry sorry! Hindi kaba excited?! Diba ilang buwan mo nang crush yon? Di mo lang mapormahan kasi taga-ibang school?)
Palihim akong bumuntong-hinga. Ilang buwan ko na ngang crush si Knox (pronounced as 'noks'), nakilala ko sya nung bumisita ako sa school nila last year para sa science fair. I was selected as the school representative kasama nila Evie at iba kong kaklase last year. Hindi ko sya personally nakilala dahil napakailap nito sa mga tao parang alien or some rare breed animal. Nakilala ko lang sya dahil sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Nagustuhan ko din sya dahil sa galing nya sa sepak takraw. I was never a fan of sports dahil taong-bahay ako. Buong buhay ko umiikot lang sa loob ng bahay at sa school. Academic, computer, repeat. Ganun ka-boring ang buhay ko if you say. By the way, I don't have any love interests...crush ko lang talaga sya pero wala akong planong ipush yunh infatuation na yon.
"Nah. Ttyl may laro ako"
(Computer games na naman ba yan Freya? Mayghad! Grow up, will you? Maganda ang buhay sa labas Freya. Have you heard of a tree? Ibon? Tao?)
YOU ARE READING
Welcome to the Virtual World: RPG MATRIX ONLINE
ActionNahilig si Freya sa paglalaro ng online games dahil sa impluwensya ng mga kaklase. Ngunit ang larong ito rin pala ang magiging daan para makilala nya ang lalaking magbibigay sa kanya ng kakaibang kasiyahan. Will their love story remain virtual? Or w...