"Teagan!", napabangon naman agad ako nang tawagin ako ni maam. Punyeta nakatulog pala ako.
"S-sorry po maam"
"Ang kapal ng mukha mong matulog sa klase ko?!"
"Pasensya napo. Nabitin po kasi yung tulog k—"
"I don't wanna hear your explanation! I'm sick of your reasons! Puro computer nalang kasi yang inaatupag mo! Akala mo ba di ko kayo nahuhuli ng iba mo pang kaklase na palihim na naglalaro sa ICT-lab?!", napangiwi naman ako sa lakas ng boses ni maam. Halos mabingi na ako ghad. Tumahimik nalang ako kesa naman makipagtalo pa sa kanya."Oh?! Nanahimik ka dyan?! Bastos ka ah?!"
"Po? Eh sabi nyo po ayaw nyong marinig explanation ko—"
"Enough! Guidance, now!"
Shoot.
Kinuha ko ang bag ko bago lumabas ng classroom. Naririnig ko pa ang mahihinang hagikhik nung mga kaklase kong may galit sakin at yung mga nakakalokong mga tawa ng kaklase kong dahilan ng pag-aadik ko sa computer games. Last year palang kasi ako nagsimula sa paglalaro ng mga games. Eh yung mga kaklase ko nong g11 kaklase ko padin ngayon. Nadagdagan lang kami ng mga transferees. Inantay kong matapos yung TLE teacher namin sa klase, nakatayo lang ako sa labas buong period! Nakakangalay din kaya.
"Follow me", maotoridad na usal ni maam bago naunang maglakad. Sinilip ko muna yung classroom bago sumunod sa kanya. Ang bagal nya maglakad. Parang rumarampa sa runway. Nahihiya naman akong manguna dahil baka mainis na naman sya sakin at pasabugan ako ng katarayan ng di oras. Nang makarating kami sa guidance, pinaupo nya ako habang inaantay yung guidance councilor.
"Good morning Miss Mendez...what's the problem here?", tanong ng kakarating lang na councilor.
"Madami nang nilalabag na violation ang estudyanteng ito sa klase ko. Una, lagi syang late at ngayon naman tinutulugan nya ang klase ko. Ano nalang ang matutunan nya kung puro ganun nalang ang ginagawa nya?", ang kaninang nakakatakot na tono ng boses nya napalitan ng pekeng lungkot." I'm just concerned for my student... Baka may pinagdadaanan sya sa kanila kaya sya ganito sa school. Inilapit ko na sya sa inyo para matulungan nyo ako sa kanya. Madami na akong mga students before na ganito din ang sitwasyon. Laging nalelate... Di alam ng school, may malaki palang problema yung student sa bahay..."
Tsk.
Palihim akong umirap. Halatang umaarte lang ito but the councilor's buying her act. Tinignan ako ng guidance councilor.
"Are you Teagan?"
I slowly nodded.
"I don't see any problem here Miss Mendez..."
"W-what?", gulat na tanong ni maam na nagpupunas ng pekeng luha. "But she violated a lot of rules—"
"Is her grades ok?"
"W-what do you mean?"
"Ayos lang ba ang grades nya? Wala syang bagsak?"
"W-wala"
"Yun naman pala. It means hindi naaapektuhan ng problema nya yung acad nya... I don't see any wrong with that. Yes she sleeps in your class, she comes in late but hindi naman non naapektuhan ang performance nya sa klase diba? Teagan is a great student. Malaki ang contribution nya sa fame ng school. She was our representative para sa science fair last year and we won the first price. Matalinong bata si Miss Teagan, and to be honest, bias ako pagdating sa kanya"
"That's not fair. She should be suspended"
"We can't let this student be suspended dahil mas kailangan natin sya ngayon. Next month na ang susunod na yearly science fair at isa si Teagan sa mga representatives natin"
YOU ARE READING
Welcome to the Virtual World: RPG MATRIX ONLINE
AçãoNahilig si Freya sa paglalaro ng online games dahil sa impluwensya ng mga kaklase. Ngunit ang larong ito rin pala ang magiging daan para makilala nya ang lalaking magbibigay sa kanya ng kakaibang kasiyahan. Will their love story remain virtual? Or w...