Naglevel 3 na si Evie sa loob lang ng dalawang oras na paglalaro. Madali lang sya naglevel up dahil sinamahan ko sya sa laro. Mas maganda pala talaga pag may kasama ka dahil mas mapapadali yung task nyo.
"Ha! Ang bilis ko naglevel up! Ikaw level 6 parin hahaha!", mayabang na sabi nya.
"Wag ka munang magpakasaya dyan. Pahirap ng pahirap ang task mo habang tumataas yung level"
"Now I understand kung bakit ganun nalang kaadik si Steve sa larong to. Halos di na nga nya ako i-message ng good morning dahil magdamag sya naglalaro nito"
Si Steve ang boyfriend ni Evie na taga ibang school—sa Northfield. Ilang buwan na silang magjowa pero iilang beses lang sila kung magkita. Mahirap din kasi yung schedule...nung summer lang ata sila nakapagbonding ng matagal—bakit ko alam yon? Syempre dakilang chaperon ako. Binibilin kasi sya sakin ni Tita, baka daw mabuntis ng maaga pag di binantayan. Malaki nga chance na mabuntis sya ng maaga pag di binantayan. May pagkamaharot kasi talaga si Evie at sobrang clingy kay Steve. I even caught them making out kaya naman talagang nakakaalarma.
"Let's party. Invite kita sa mission ko. Pareho tayong may benefit pagkatapos ng mission"
"Sige ba"
You invited PrettyGirl to party.
PrettyGirl confirmed your invitation.
Nagrecall kami sa isang malapalasyong building. Malawak ang building at talaga namang inaalagaan. May mga maids na dinadaanan lang kami, may mga hardinero ding ngumingiti samin.
"Ang gwapo naman nung mga trabahador", nilapitan ni Evie yung hardinero at kinawayan. Kumaway naman ito pabalik. "Ang pogi mo naman kuya! Anong number mo"
Napahilamos ako ng mukha dahil sa sinabi ni Evie. Hanggang sa virtual world nadala nya padin yung pagiging maharot nya.
"Welcome to The Palace!", sabi nung hardinero at pangiti ngiting nagdidilig ng tanim.
"Ay! Di naman yun yung tinanong ko. Anong number mo kuya?"
"We are stoked to see you! The king requested you to come right?"
"They're just NPCs", sabi ko.
"NPC? Ano yun?"
"Non Player Character, they're part of the game. They are programmed to be extras or maybe tumutulong sa mga players and they only have limited series of response kaya kung anong importante mong tanong, yun lang ang sinasagot nila"
Umismid naman sya at binato ng bato yung hardinero. Tumakbo ito at nagsisisigaw. Natawa naman ako sa ginawa nya.
"Ganun pala ha. Sayang naman. Teka ano bang pinunta natin dito?"
"May mission ako sa lugar nato. Maaring may makasalubong tayong ibang players ma may misyon din dito. Let's look for the king first"
Mission: Bomb Threats should be stopped!
Isang note na nag-pop bigla sa screen ko, ganun din kay Evie.
"Where should we find him?"
"Tara sa loob", aya ko. Pinapasok naman agad kami nung mga butler. Bumungad samin ang magagarang mga gamit na animo'y sa ginto at dyamante gawa. Sosyal ang lugar nato di gaya nung sa gloomy village na parang kinalimutan na at binura sa mapa.
"Pwede bang magnakaw dito gurl?"
"Don't be silly. Hindi pwede tsk. We are here for the mission not for those golds"
YOU ARE READING
Welcome to the Virtual World: RPG MATRIX ONLINE
AksiNahilig si Freya sa paglalaro ng online games dahil sa impluwensya ng mga kaklase. Ngunit ang larong ito rin pala ang magiging daan para makilala nya ang lalaking magbibigay sa kanya ng kakaibang kasiyahan. Will their love story remain virtual? Or w...