VR#2: POV of a noob gamer

34 4 0
                                    

Pakusot kusot pa ako ng mata habang naglalakad papunta sa classroom namin. Just a typical senior high school student na gusto lang makatapos ng pag-aaral para makapagcomputer na pag-uwi. Nagregister lang ako kahapon pero di ako naglaro. Wala pa kasi akong alam sa game. Panget naman kung maglalaro ako kahit wala akong alam diba.

"Have you heard of the new game?"

"Yep! Naglaro nga ako kahapon! Grabe ang ganda!"

"Talaga? Di pa ako nakakapaglaro eh. Nagloloko kasi internet sa bahay"

"Pramis! Di ka magsisisi!"

"Pano ba yun laruin?"

"Di pa ako masyadong magaling eh. Pero wag kang mag-alala. May practice mode naman sa simula. Tuturuan ka ng basic moves at attack. Ang galing talaga! Pwede mong macostumize yung avatar!"

Nilampasan ko lang sila at nagpatuloy sa paglalakad. Masyado akong napuyat sa pagbabasa para sa quiz namin sa math. Kahit adik ako sa computer, di ko naman pinapabayaan yung academic performance ko. Malaking bagsak sa grado pag di ako nakapasa sa quiz kaya nag-aaral talaga ako.

"Freya dear!", napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang nakakarinding boses ng kaibigan kong si Evie. Andito na naman sya para bulabugin ang tahimik kong circle. "Binabaan moko ng tawag kahapon! Ang sama mo!"

"Oh ano?"

"Anong 'oh ano'? Binabaan mo lang naman ng tawag yung bestfriend mo matapos ka nyang ayain magmall"

"Puyat ako Evie. May quiz pa kami sa math mamaya pagkatapos ng recess"

"Naku naman. Kawawa naman yung Freya dear ko", she said in a low but high-pitched and childish voice. Nakakairita.

"Kausapin mo pa ako and I will squeeze your kneecaps", pagbabanta ko. Umismid naman sya at nilubayan na ako.

"Ang KJ talaga nitong Freya dear ko. Puro computer nalang kasi inaatupag", nakasimangot na sabi nya. Inirapan ko sya bago pumasok sa classroom ko. Ilang linggo nang nagsimula ang klase pero parang first day of school parin para sakin. Everything seems new. Siguro ay ngayon ko lang napapansin yung mga bagay na di ko pinapansin noon. Playing games is better than making plastic friends. Bad boys. Jock. Nerds. Queen bees. Typical senior high school classroom. Madaming mga grupo-grupo.

"Okay prepare 1 whole yellow pad!", biglang sigaw ng kakapasok lang na teacher. Natataranta namang kumuha ang mga kaklase ko ng papel. "1 seat apart!"

Nagsimangutan naman ang mga kaklase kong umaasa lang sa sagot ng mga kaibigan. Wala namang akong kaibigan dito sa room at wala ding nagbabalak. Takot lang nila sakin, dahil kaya kong ihack yung mga cellphone nila. Tsh. I'm a tech-genius if you ask. Maya't maya ang naririnig kong reklamo dahil sa set up ni Sir. Ayaw na ayaw nila ang 1 seat apart dahil di sila nakakakopya. Naupo ako sa pinakadulo at pinakahuling row, malayo sa mga kaklase ko. Binigyan nya kami ng isang oras para isolve ang tatlong mahihirap na equation. Di naman ako nahirapan dahil natatandaan ko naman yung binabasa ko kagabi. Panay patagong bulong naman ang ginagawa ng mga kaklase ko. Nagsesenyasan lang sila sa ilalalim ng mesa para di kita ni Sir.

"Pass your papers! Now!"

"Hala! Sir! Di pa kami tapos!"

"Oo nga sir! Mamaya na sir!"

"I don't care! Pass it now! Tapos man o hindi!"

Wala na silang nagawa kundi ipasa ang mga yellowpad nila.

"Sir naman eh! Di pa ko nakakopya. Tsh"

"Nakakainis nga eh"

"Sinabi mo pa"

Welcome to the Virtual World: RPG MATRIX ONLINEWhere stories live. Discover now