"Narinig mo ba yung tungkol sa player na nakakuha ng rare item?"
"Oo! Yung Orphelia?"
"Grabe ang swerte nya!"
"Level 10 pa daw yun eh. Weak hahaha"
"Pano kaya napunta sa kanya yung item. Siguro gumamit yun ng cheat hahaha"
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ngayon. Papunta ako sa room ko nang makasalubong ko itong mga RPG Matrix-freaks. Puro chismis na naman ang pinaguusapan nila tungkol sakin na nakareceive 'daw' ng rare item. Pero pati ako di makapaniwalang ganun pala kaissue yung item na yun. Like duh? Sinong mag-aaklang ang isang level 10 na gaya ko ang makakakuha nung item na yon.
"Hey Orph—I mean Freya dear hahaha"
"Nakiki-Orphelia kadin? Tsk"
"Sikat kana gurl!"
"I don't care"
"Aba! Walang pinagbago. Hambog padin", natatawang saad nya.
"Don't tell anyone na naglalaro ako ng RPG Matrix, dadami lang ang mga mayayabang na maghahamon sakin ng 1v1. Tsk"
"Oo naman! Nakazip nato!", umakto syang parang nagzizip ng bibig bago bumungisngis. Suot suot nya ang uniform ko dahil nga dun sya sa bahay natulog. Wala nang oras kung uuwi pa sya kaya wala din akong choice kundi ipagamit yung damit ko tss.
Naghiwalay na kami ng landas dahil hindi naman kami magkaklase. Kakatapos lang ng recess namin at TLE na yung sub namin.
"Hi tech-genius!", nakangiting bati ng former teacher ko. Sinuklian ko lang sya ng pilit na ngiti bago nilampasan. "Wait! May ibibigay nga pala ako sayo"
"Ano po yun?"
"Here", inabot nya sakin ang isang maliit na papel... It's a movie ticket. "Baka gusto mong manood ng movie—"
"Pasensya na po sir. Busy po kasi ako sa acad", pagdadahilan ko. Kinikilabutan nadin ako minsan sa kanya dahil umaasta na syang parang kaedad ko lang at nagiging clingy nadin. Nasa 40's na si sir pero pag kinakausap nya ako, parang bumalik ulit sya sa pagkabinata nya. Nakakakilabot.
"Ganun ba? Siguro next time baka pwede kana"
"Ahmm kasi po..."
"Hey co-late comer", napalingon naman kami sa likuran ko. Ganun nalang ako nagpapasalamat nang makita ko kung sino yung sumulpot. It was Knox. Kahit di kami close, nagpapasalamat ako sa kanya dahil niligtas nya ko mula sa isang awkward na sitwasyon. Tinapik nya ang balikat ko bago tumingin kay sir na nakakunot ang noo. "Mawalang galang na ho pero may klase pa po kami"
"You're rude! How dare you interrupt our conversation!", tumataas ang tono ng boses ni Sir. Talagang naiinis sya sa lalaking katabi ko ngayon.
"Pasensya napo sir pero kailangan na po naming umalis", pagpapaalam ko. Umamo naman ulit ang mukha nya bago huminga ng malalim.
"Sige. Ingat ka...", tumango lang ako at naglakad kasabay ni Knox. Nakahinga ako nang maluwag nang makalayo na kami kay Sir. Nagiging creepy talaga sya minsan. I can't count how many times he tried to flirt with me na talaga namamg nakakatindig ng balahibo. Tahimik lang kaming naglalakad ni Knox.
"T-thank you"
"For what?"
"Dahil sinagip moko kanina..."
"Was he trying to get on you?", tumango ako bilang sagot. "Tsk. Creepy teachers"
Nakarating kami sa classroom ng sabay at bumungad samin ang nakadekwatro at nakasimangot na TLE teacher namin.
YOU ARE READING
Welcome to the Virtual World: RPG MATRIX ONLINE
ActionNahilig si Freya sa paglalaro ng online games dahil sa impluwensya ng mga kaklase. Ngunit ang larong ito rin pala ang magiging daan para makilala nya ang lalaking magbibigay sa kanya ng kakaibang kasiyahan. Will their love story remain virtual? Or w...