"Saan naman? Wait what's that?"
"A note...maybe from the same guy"
"Ano namang ibig sabihin ng Leave your footprint behind?"
A realization hit me again...
"Bumabalik at bumabalik ang mga suspect sa lugar ng krimen—maybe to clear evidences na magtuturo sa kanya"
"So babalik tayo sa The Palace?", tumango ako. "Okay tara"
Nilisan na namin ang building at paglabas namin, tumambad samin ang gulong ng sasakyan na flat at sira sira. Madami itong kalmot ng kung anong nilalang. Maliliit ang kalmot pero nagawa nitong butasin ang gulong. Who the heck would do this?
"You're not gonna arrest my son, do you?", napalingon kami sa matandang babae. Sya yung kausap namin kanina. Ibig sabihin, nanay sya mung Arnold? Nabaling ang tingin ko sa pusang itim sa paanan nya. Dinidilaan nito ang kamay at katawan nya. Paniguradong yung pusa nga ang may gawa nung nangyari sa gulong. Damn.
"Aba. Bruha pala tong matandang to", sabat ni Evie.
Biglang nag-iba ang anyo nung matanda. Ang dating kulubot at maamo nitong mukha ay napalitan ng makinis at maputing balat. Bumata sya ng sampung beses! Ang lumang bestida nya naging isang magara at mamahaling gown. Naglabas din sya ng isang malaking machine gun at itinutok samin.
"F*ck! Ilag!"
*ratatatatatttt!*
Gumulong ako papunta sa ilalim ng sasakyan at lumusot sa kabila. Tumakbo din papunta sa ibang direksyon yung dalawa. Mahina lang yung damage ng baril ko dahil sa level ko. Hindi pa ako nakapag-upgrade dahil kailangan ko munang maglevel 10 para makapagupgrade ng weapon.
*bang!* *bang!*
Gaya ng inaasahan. Maikli nga yung bawas nung baril ko.
"Basti! Barilin mo sya! Evie, tumakbo ka para habulin ka nya"
"Ha?! Gagawin nyokong pain?!"
"Wala tayong choice! Basti, lumabas kana!"
"Roger that!"
Tumakbo na si Evie at hinabol nga sya nung babae. Sinundan namin sya ni Basti at pinapaputukan hanggang sa mangalahati ang buhay nya. Kalahati nalang din ang buhay ni Evie... Hindi sya pwedeng mamatay dahil magiging fail ang mission. Once may isang member na mamatay, automatic tigil ang laro.
"Evie! Magtago ka. Kami na bahala sa kanya. Magheal ka muna"
Nagtago sya dun sa puno kaya kami naman yung binalingan nung babae.
"Naughty rats!"
*ratttatatatatattt!*
Maliliit na bawas lang ang natatamo ko dahil narin siguro sa vest of dignity na ginagamit ko.
"May shield na item kaba or something?", tanong ni Basti habang patuloy na pinapaputukan yung babae.
"Wala!"
"Bumalik ka dun sa apartment may nakita akong item don. Baka magamit natin. Ako na bahala sa kanya. I will hold her until you come back"
Tumakbo ako pabalik sa apartment. Gaya ng sinabi nya, may mga nagkalat nga na item. Siguro bunos na to para sa mission na to.
Basic dagger item received.
Shield of Vengeance item received.
Lightning boots item received.
Plus 2 healing potion.
YOU ARE READING
Welcome to the Virtual World: RPG MATRIX ONLINE
ActionNahilig si Freya sa paglalaro ng online games dahil sa impluwensya ng mga kaklase. Ngunit ang larong ito rin pala ang magiging daan para makilala nya ang lalaking magbibigay sa kanya ng kakaibang kasiyahan. Will their love story remain virtual? Or w...